Kabanata 23

484 17 0
                                    


KABANATA 23

MASAMA ang tinging ipinukol ni Amberly kay Amatria ng malaman niyang makikisalo ito sa kanilang hapunan. Katapat niya ito sa pagkakaupo at hindi niya maiwasang tingnan ito ng sobrang sama na tipong parang gusto na niya itong patayin

Ayaw niyang naaagaw ang atensiyon ng iba lalo na ang kanyang mga magulang. Gusto ni Amberly na nasa kanya lang ang lahat at wala siyang kahati sa mga ito

"Talaga ba Amatria? Kung ganoon ay napakaswerte naman pala ng iyong ina, mapalad siya dahil may anak siyang kagaya mo na sobrang bait at sobrang sipag" rinig niyang papuri ng kanyang ina sa bagong kasambahay sa kanilang palasyo

Hindi niya maiwasang magtampo sa mga ito

Simula pagkabata niya hanggang sa lumaki na siya ay hindi siya kailanman nakatanggap ng mga magagandang salita galing sa mga ito. Palagi na lang siya nitong pinagsasabihan at pinapangaralan sa mga bagay na ginagawa niya na hindi ng mga ito nagustuhan

Pinagmasdan ni Amberly si Amatria—magana itong kumakain ng gulay na nasa sariling pinggan, parang ngayon lang ito nakakain ng masarap na pagkain

"Ang sarap naman po nito?! Sino pong nagluto?" Manghang tanong ni Amatria na ikinatawa ng kanyang mga magulang

"Si Manang Selma ang nagluto niyan Amatria, masarap ba?" Nakangiting tugon naman ng kanyang ama

Napatango tango naman si Amatria at napapapikit pa habang ninanamnam ang lutong bahay ni Manang Selma. Hindi niya maiwasang kainin siya ng galit

Naiinis siya sa babaeng 'to, gusto niyang umalis na ito dito sa kanilang palasyo. Ang kanyang kamay na nakatago sa ilalim ng mesa ay dahan-dahan niyang inilalagay sa mesa

Pasimple niyang hinawakan ang tinidor at ang isang kamay ay ipinuwesto malapit sa basong puno ng tubig. At sa isang iglap ay biglang natumba ang baso na ikinabasa ng damit ni Amatria

Napapitlag pa ito sa gulat dahil hindi nito inasahan ang pangyayari

"Amatria! Anong nangyari sa'yo?!" Todo pag-aalalang tanong naman ni Arthur ng makita nitong bigla napatayo sa pagkakaupo si Amatria

"Nabasa po kasi ang pang-ibabang damit ko, natapunan ng tubig" rason naman nito at kinuha ang table napkin saka ipinahid ito sa mahabang saya

"Bagay lang 'yan sa'yo kasi sipsip ka." Sagot naman niya at tumayo na sa pagkakaupo, iniwan ang mga tao sa hapagkainan na puno ng katanungan at pagkalito

Pagkalabas na pagkalabas ni Amberly sa hapagkainan ay dumiretso siya sa taas para magpalit ng damit, nabubwesit siya sa babaeng 'yun. Nakakainis talaga!

"Prinsesa, sandali!" Tawag sa kanya ni Amatria pero hindi niya ito pinakinggan

Patuloy lang siya sa pag-akyat hanggang sa marating na niya ang pintuan ng kanyang kwarto. Pero hindi niya pa nga napipihit ang siradura ng pinto ay may kamay na biglang humawak sa kanyang siko

"Don't you dare touch me!" Piksi niya at hinarap ito

Napaatras naman si Amatria sa ginawang pagpiksi niya sa kanyang kamay

"Amberly—"
"Alam mo ikaw, ang kapal din ng mukha mo 'no? Inaagaw mo ang mga atensiyon na dapat ay sa akin. Umalis ka na nga dito!" At itinulak gamit ang kanyang dalawang kamay na ikinatumba nito sa pagkakatayo

"Amberly!" Napatingin sa hagdanan si Amberly ng marinig niya ang kanyang ama na pagalit na tinawag ang kanyang pangalan

Dinaluhan nito si Amatria na nakaupo pa din sa sahig na nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwalang magagawa niya iyon

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now