Kabanata 8

719 23 0
                                    


KABANATA 8

"I now pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride." Anunsiyo ng pare at tiningnan silang dalawa

Dahan-dahan namang nag-angat ng tingin si Consoncia at naghintay sa susunod na gagawin ni Luciano. Kitang kita niya sa mga mata ng kanyang asawa na masayang masaya ito

Napapikit siya ng dumaan sa pisnge niya ang likod ng kamay ni Luciano na tila hinahaplos iyon. May belo pa siyang nakatabing sa kanyang mukha na hindi niya gusto, may dalawang anak na siya. At ang tanging babae lang na magsusuot ng belo sa mukha ay ang mga babaeng hindi pa nagagalaw kahit na kailanman

"Luciano—"
"Napakaganda mo talaga Consoncia, napakaganda." Bulalas nito at masuyo siyang hinalikan sa kanyang mga labi

Madamdamin siya nitong hinalikan sa harap ng tao, ramdam niya ang pagmamahal ni Luciano na ipinaramdam sa kanya. Kahit dampi lang iyon ay nararamdaman talaga niya ang gusto nitong ipahiwatig

Nagsipalakpakan naman ang mga tao sa loob ng simbahan at kapwa sila ay binabati

Kahit siya man ay masaya din, kung nahuli siguro siya ng mga sundalo sa bayan ay tiyak niyang hindi niya makikilala si Luciano.

SA resepsyon, ginanap ang kanilang pagdidiwang. Lahat ng mga tao ay binabati sila at may regalo pang inaabot—siya lang yata ang walang kamag-anak sa loob

"Hi Luciano! Binabati kita." Napalingon si Consoncia sa kanyang likuran ng may tumawag sa pangalan ng kanyang asawa

Unang sulyap niya pa lang sa mukha nito ay kilala niya na ang babae. Ito iyong kausap ni Luciano no'ng isang araw

"Victoria, mabuti naman at nakadalo ka—" sagot naman ni Luciano at niyakap ang babaeng nagngangalang Victoria

"Hindi ka man lang nagsabi na ikakasal ka na. Ngayon ko lang nalaman pagdating ko dito sa reception" ungot nito na ikinatawa ng magaan ni Luciano

Hindi maiwasan ni Consoncia na  pangunutan ng nuo ang dalawa

Gaano ba ito kalapit sa isa't-isa at parang mga magneto kong makapag gugol ng oras,

"Consoncia," nabalik siya sa reyalidad ng tawagin siya ni Luciano at pinalapit sa kung saan man ang mga ito nakatayo

"Victoria, si Consoncia pala asawa ko." Pagpapakilala nito sa nasabing kaibigan

"H-hello." Nahihiyang tugon naman ni Consoncia at ngumiti ng bakas sa mukha ang pagkailang
Hindi sumagot si Victoria sa halip ay sinuri pa siya nito mula ulo hanggang paa pagkatapos ay nginisihan siya ng nakakaloko

"So this is your wife Luciano? Hmm, I can say that you have a good taste. She's beautiful." Saad nito na may tuldik pang pagka Aleman

Wala siyang maintindihan sa sinabi ng kaharap. Pinalaki siya ng kanyang mga magulang na hindi man lang nakapag-aral kahit pagtuntong lang ng kindergarten

"Luciano, anong ibig niyang sabihin?" Bulong niya sa kanyang asawa na hindi nakaligtas sa pandinig ni Victoria

"Naririnig ko kung anong binulong mo kay Luciano, Consoncia. Ang sabi ko maganda ka—" pag-amin nito na ikinatango tango naman ni Consoncia

Wala talaga siyang maintindihan sa lengguwaheng Ingles, ng dumating kasi ang mga Amerikanong sundalo kasama ang mga lisensyadong mga guro na galing sa bansa ng mga ito para turuan ang mga batang hindi nakapag-aral kagaya niya ay hindi siya dumadalo sa oras ng klase

Bukod sa ayaw siyang papasukin ng kanyang mga magulang sa eskwelahang handog nito ay natatakot siya sa iilang mga sundalong nakabantay sa eskwelahan na 'yun

Nagkaroon siya ng trauma ng subukan siyang molestiyahin ng isang Amerikanong sundalo na palagi niyang nakikita na tumatambay sa gilid ng tarangkahan ng kanilang eskwelahan

Magmula no'ng nasagupa niya ang pangyayaring 'yon ay araw-araw na niyang ginagawa ang pagliban at hindi pagpasok sa klase

"Salamat," tanging naisabi niya lamang sa puri ni Victoria sa kanya
"Sige Luciano, mauuna na ako sa inyo." Pagpapaalam ni Victoria sa kanila at hinawakan ang braso ni Luciano

Pakiramdam niya ay mukhang may gusto itong si Victoria sa kanyang asawa, pero masama namang isipin na hinusgahan niya kaagad si Victoria na hindi niya pa ito kilala ng lubusan

"Luciano matanong ko lang, kaano ano mo pala si Victoria?" Hindi niya mapigilang ilabas ang kyuryosidad
"Ah, siya? Kababata ko siya Consoncia. Siya ang palagi kong kasama at kalaro no'ng mga bata pa kami" sagot naman nito sa kanyang tanong

Pinagmasdan niya si Luciano

Parang hindi lang magkababata ang nakikita niya sa tuwing magkasama ang mga ito, parang may higit pa doon na hindi niya pa nalalaman—kailangan niyang tanungin si Maggy tungkol dito kundi baka may kaagaw pa siya sa pag-ibig ni Luciano

"Kaya pala ganoon na lang kayo kalapit sa isa't-isa ano?" Hindi niya maiwasang mapalatak
"Ganoon na nga! Ang hirap niyang kalimutan alam mo ba 'yun Consoncia? Oo nga at magkababata kami pero iniwan niya ako ng hindi man lang nagpapaalam sa'kin, umuwi siya sa Germany kasama ang kanyang pamilya." May bahid na lungkot na saad ni Luciano

"Tapos ngayon ay nagbalik na siya halos ay hindi ko na siya makilala, ang laki ng pinagbago niya? Ang dating Victoria na mahinhin at mahiyain ay bigla na lang naging mabagsik sa harap ng maraming tao. I don't know why did she suddenly change," pagpapatuloy pa nito

Sa bawat araw na lumilipas na kasama niya si Luciano ay puro si Victoria na lang ang lumalabas sa bibig nito. Hindi niya maiwasang magselos

May karapatan na siya dahil kasal na silang dalawa. At hindi siya magpapatalo kung makikiapid si Victoria makuha lang si Luciano

"Ginang? Si Amara po, kanina pa siya umiiyak mukhang hinahanap kayo." Sulpot ni Maggy sa kanilang harapan habang karga karga si Amara na ngayon ay panay ang iyak

"Nasaan si Maya?" Tanong niya dito ng mapansing hindi nito karga si Maya
"Na kay Siony po," sagot naman nito at dahan-dahang ibinigay sa kanya si Amara

Nang makarga na ni Consoncia ang anak ay tumigil na ito sa kakaiyak, hindi niya maiwasang mapahanga dahil nakilala siya nito kaagad. Ang kanyang buhok ay umiilaw na tila parang sinag ng araw, ang kanyang mga luha ay umiilaw din kagaya ng kanyang buhok

Pasimpleng nagpalingon lingon si Consoncia sa gilid kung may nakapansin bang ibang tao

At hindi nga siya nagkamali, halos lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila. Bakas sa mukha ng mga ito ang kyuryosidad at pagkamangha

"Luciano—" tawag niya sa pangalan ng asawa
Agad namang tinabunan ni Luciano si Amara ng hinubad nitong tuksedo at iginiya si Consoncia papalabas ng resepsyon at ipinasakay sa kotse

"Luciano, papa'no ka?"
"Susunod ako sa inyo Consoncia, huwag kang mag-alala aayusin ko lang ang isyung ito. Maggy?!" Sagot ni Luciano at tinawag ang kanyang sekretarya

"Ano po 'yun Sir?"
"Samahan mo si Consoncia, pati na din ikaw Siony. Umuwi na kayo may aayusin lang akong problema—" pagpapaliwanag ni Luciano at isinarado na ang pinto ng kotse

Tiningnan ni Consoncia si Luciano hanggang sa umandar na ang kotse papalayo sa resepsyon. Alam niya kung ano ang gagawin ni Luciano

Sana lang ay mapaniwala nito na natural lang iyon kay Amara. Na regalo iyon ng diyos sa kanyang anak

Hindi niya maiwasang kabahan

Marami rami na din ang nakakaalam, kung ikukumpara sa mga taong nakakita doon sa resepsyon ay halos hindi na niya mabilang bilang pa. At alam niya na bukas na bukas din ay laman na siya ng balita at diyaryo lalo na't kilala si Luciano sa lipunan

Ang tanging magagawa niya lamang sa ngayon ay magdasal sa diyos na sana ay gabayan sila sa susunod ng kanilang paghihirap

The Lost Goddess (Completed)Where stories live. Discover now