THIRTY-FIVE

314 15 0
                                    

"Mom? Do you know where is Yazmine?" Tanong ko kay Mommy pagkababa ko.

"Wala na akong balita sa kaniya son, nagpapahinga siguro kaya hindi na rin nakikipagkita sa atin. Why are you asking?" Tanong ni Mama na halatang nagtataka.

"Tell me son, may nagbago ba?" Tanong nito.

Naaalala ko na lahat, last time sumakit ulo ko at doon ko na realized gaano ka shit na hinayahan ko masaktan si Yazmine dahil sa akin.

"Tangina Mom, naiinis ako sa sarili ko. Pinangakuhan ko yung babae na yun na hindi sasaktan pero sa ginawa ko at panandalian na pagkalimot halos saktan ko na siya. Naiinis ako sa sarili ko, kasalanan ko 'to." Sabi ko habang naiiyak.

Hindi ko na naiwasan na maiyak.

"Aksidente lang yun, pagsubok. Hindi ka niya sinukuan kasi naniniwala siya na babalikan mo siya." Sabi ni Mama habang nakayakap sa akin.

When I finally recover my memory napamura na lang ako kasi nasayang yung tatlong buwan namin ni Yazmine. Nakita ko paano siya nasaktan noong hindi ko siya makilala at yun ang pinaka masakit na araw para sa kaniya.

Hindi ko na kaya mawala pa siya sa akin for the last time, pareho na kami naghintay sa isa't isa panahon na siguro para sa happily ever after.

"Mom, I have to find her." Sabi ko kaya tumango si Mommy.

"Hindi pa huli para sa inyong dalawa," sabi nito kaya hinalikan ko siya sa noo.

"Love you Mom," sabi ko rito.

"Take care son, love you too. Go, chase your happiness." Sabi nito kaya mabilis akong naglakad palabas ng bahay.

Naisip ko na ang unang puntahan ay ang apartment nila, baka sakali nandoon yung mga kaibigan niya at alam nila nasaan siya kasi magsasabi naman si Yazmine sa mga yun.

"Tangina!" Naiinis kung singhal saka hinampas ang manubela.

Naiinis ako sa sarili ko kasi sinaktan ko yung babaeng binigyan ako ng chance na mahalin siya, nakakainis ka Klyde.

Pagkarating sa kanila ay sakto naman na bukas ang gate dahil hapon pa naman kaya pumasok agad ako.

Kumatok ako pagkarating sa tapat ng tinutuluyan nila.

"Oh!? Grabe ka makakatok Eng. Samonte." Sabi ni Aliah na may halong pagtataka.

"Oh! Ikaw pala yan Eng. Samonte." Sabi ni Diane saka lumapit sa amin.

"What brings you here?" Tanong ni Diane na halatang nagtataka sa kilos ko.

"Si Yazmine?"

"Ay wala po siya, one week po siya mawawala Eng. Nasa Batangas po, nagbakasyon pansamantala roon sa pamilya." Sabi ni Aliah.

"Ahh sige," sabi ko saka mabilis na naglakad paalis.

Wala na akong choice kung hindi ang puntahan siya roon dahil baka may umagaw na naman sa kaniya. Hindi na ako makakapayag na makuha siya ng iba.

Pinalagpas ko na si Ralph kasi wala ako nung oras na yun, pinaghiwalay kami ng kapalaran kaya ako na gumawa ng paraan para pagtagpuin kami kasi naniniwala ako na nasa kamay natin ang magiging kapalaran natin.

Tinanggap ko na yung hindi ako ang simula pero hindi ko matatanggap na hindi ako ang wakas at hanggang kaibigan lang kami. Wala ng mas masakit sa mahal mo pero hindi puwede.

Hindi ko na sasayangin yung chance na mahal niya ako hindi lang bilang kaibigan, mahal niya ako in a romantic way at masaya ako malaman yun.

Mabilis akong nagmaneho papunta roon habang sinusubukan tawagan si Yazmine.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon