SIXTEEN

208 12 0
                                    

"Dai, are you already receive a invitation?" Tanong ni Diane pagkapasok niya.

Nakaupo ako sa sofa habang kumakain ng pop corn.

"Invitation para saan?" Nagtataka kung tanong.

"Saan ba siya makikita? Messenger? Facebook? Text? Gmail? Saan?" Natataranta kung sabi saka chineck ang phone ko.

Baka hindi ko lang napansin sa gmail, o baka nasa message request hindi ko lang nabuksan.

"Si Kuya Ralph dai," sabi nito kaya natigil ako sa pagkain ng pop corn at napaayos ng upo.

"Girl, tanga ka ba o nagpapaka tanga tangahan lang? Malamang hindi siya iimbitahan, remember ex niya yun?" Sabi ni Aliah na kakatapos lang maghugas.

"Ay sorry," sabi nito saka nag peace sign.

"First love niya yun girl, first heart breaks tapos gusto mo nandoon siya mismo. Nanonood ka ng kasal ng mahal mo, ay este ng ex mo. Baka sabihin ng mga tao, tanga ka kasi nandoon ka." Sabi ni Aliah na halatang naiinis.

"Girl, ako nga dapat ang mag-i-invite since ako yung friend pero dahil sa OA ka, sige wag na nga lang. Baka mamaya ay may tumutol." Sabi nito kaya naman kinutusan siya ni Aliah.

"Ayan baka sakali ma-realize mo na mapanakit kuya mo," sabi nito.

"Stop!" Pagtigil ko sa kanila.

"Ang ingay niyo, kailangan talaga magtaasan kayo ng boses? Tapos sa harap ko pa talaga. Kita niyo naman I'm into relaxing pero na-i-stress ako sa inyo. Look guys, if you think na hindi pa ako nakaka move on about Arra and Ralph nagkakamali kayo at alam ko na nag-i-ingat lang kayo sa mararamdaman ko pero I swear to God, okay na ako. Walang halong kemerut 'to, tinaggap ko na hindi ko lang siguro nararamdaman kasi akala ko mahal ko pa siya pero hindi na talaga. The moment na pinalaya namin ang isa't isa yun din yung panahon na tinaggap ko na hindi talaga kami yung para sa isa't isa. Oo, masakit isipin na he's my first, first love but sadly my first heart breaks pero wala naman tayong magagawa kung hindi ang tanggapin, mag move on, bumangon at magsimula muli. Wala eh, gano'n nga siguro talaga." Sabi ko pa sa kanila kaya niyakap nila ako.

"Oh my gosh! Magkakaibigan nga talaga tayong hindi marurupok, so proud of you Yazmine." Sabi ni Aliah habang hinahaplos ang buhok ko.

"Second, if ever na i-invite nila ako I'll go kasi gusto ko makita kung gaano sila kasaya sa piling ng bawat isa. Siguro sumaya naman sa akin si Ralph pero siguro hindi kami compatible sa isa't isa and that's okay." Sabi ko saka nag thumbs up.

"Girl, cheer up. Hindi porket hindi kayo compatible ni kuya meaning nagkulang ka." Sabi ni Diane kaya sinampal ko siya ng mahina.

"Gaga!" Sabi ko sa kaniya.

"Hindi ka nagkulang, hindi lang siguro siya nakontento. Okay nga yun, nilayo ka sa maling tao." Sabi ni Aliah.

Siguro nga, ayos din yun at least ngayon mas makakapag focus ako sa family ko at dream house ko.

"So proud of you!" Magkasabay na sabi nila saka kami nag group hug.

After the drama ay naiwan akong mag isa, sinabihan kasi ako ni Klyde na siya na raw mag ha-handle kaya pabor ako kasi syempre pahinga rin yun.

"Girl, tawag ka kapag may problema ha?" Sabi ni Diane.

Nauna na si Aliah umalis, sinundo siya ng kaniyang jowa dahil madadaanan din naman yung Company ng KS.

"Sibat na dai, wag na kayo mag alala sa akin. Nandito lang naman ako sa bahay the whole time pero kapag na bored ako baka magpunta ako sa Mall." Sabi ko rito.

"Gege, see you when I see you mwaps. Take care girl, love you." Sabi niya sabay beso at kaway tapos ay naglakad na palabas.

Sinimulan ko naman mag drawing habang nagpapalipas ng oras. Since tinatamad pa ako tumayo ay ganito na lang muna ang gagawin ko.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon