TWENTY

203 11 0
                                    

"Grabe naman 'to. Biglaan yung pang aaya." Pagrereklamo ko habang hinihintay yung tatlong boys na nag order.

"At least hindi fifth wheel," sabi ni Diane sabay apir nila ni Aliah.

"Pakyu kayo! Planado na 'to eh. Kilala ko na kayo." Sabi ko pa sa kanila kaya natawa sila.

"Nagkataon lang na pagkatapos nung suyuan sumulpot si Klyde roon. Niyaya kami ng boys tapos sinabi ko sa kaniya na ikaw na mang aya since puwede naman kayong partner. Friends with benefits kaya kayo." Sabi ni Aliah kaya naman hinampas ko siya sa braso.

"Gaga dai, suitor ni bakla yun. Pakipot pa pero deep inside gusto niya rin." Sabi ni Diane kaya magkasabay ko sila sinabunutan.

Napabitaw ako ng mapansin palapit na yung tatlo dala ang tatlong tray.

"Pili na lang kayo pero kung ako sa inyo kami na lang piliin niyo," sabi ni Jomar kaya natawa kami.

"Gago! Ba't may pa gano'n ang jowa ko. Last mo na yan by." Sabi ni Aliah kaya napangiti ako.

"Shhh, mawalang galang naman po sa single." Pagsingit ko kaya natuon ang atensyon nila sa akin.

"Wag ka feeling single girl, baka may Klyde ka na waiting." Sabi ni Diane.

Kaya naman inirapan ko siya habang si Klyde ay napangiti na lang.

"Buti Klyde matiyaga ka sa paghihintay," sabi ni Aliah.

Nagsiupo na muna sila. Katabi ko si Klyde habang magkatabi rin yung yung apat.

"Worth to wait," nakangiti nitong sabi saka ako tiningnan.

Naramdaman ko yung tingin niya sa akin.

"Wala naman akong nababangit na nanliligaw siya, paano niyo nalaman aber?" Nagtataka kung tanong.

"Hula," sabi ni Diane.

"Atsaka feeling na rin namin eh. Atsaka isa pa makikita naman sa action ng isang tao kaya ayun." Sabi ni Aliah.

"Aba pre! Naniniwala kami na forever na yan." Sabi ni Jerome.

Nag umpisa na ako kumain habang nakikinig sa kanila.

"Syempre," sagot naman ni Klyde.

"Klyde akala ko ba chef ka bakit bigla ka ata naging engineering," halatang nagtatakang tanong ni Diane.

Kaya nga eh, gulat ako eh. Akala ko kasi chef talaga siya.

"Two course yung inaral ko talaga, I like being chef at the same I love being engineering since childhood dream ko. Atsaka one of my main reason is I don't want my ate pick other engineering to be partner with Yazmine. Alam ko kasi madali ma-attach ang tao kay Yazmine. Ayoko maunahan na naman nila ako kaya sinigurado ko na ako ang ending point." Seryoso nitong sabi kaya napangiti ako.

"Ang lola mo haba ng buhok," sabi ni Diane saka hinigit ang buhok ko kaya hinampas ko.

"Ikain na lang natin yan," sabi ni Aliah kaya kumain na kami.

Nag uusap yung boys habang kami nakikinig lang sa kanila.

This is what my friend always wants, triple date habang masaya kami sa mga taong pinili namin. Wala pa man pero sigurado na sila na nasa mga tamang tao na kami.

Na-i-imagine ko na agad na in love kaming tatlo and what I really love is that we still have this friendship hanggang sa nag asawa na kami at sobrang sarap sa feeling na may mga solid at totoo ka na kaibigan na kasama mo sa lahat.

"Need pa ba ng kasama roon babe?" Tanong ni Jerome kaya napatingin kami sa kanila ni Diane.

"For what?" Nagtatakang sabi ni Diane.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon