THIRTY-THREE

202 10 0
                                    

"Seryoso! Whoo! Hindi ko kinakaya ang ganap. Bilis." Sabi ni Diane kaya kinutusan ko.

Umoo ako sa dinner na alok ni Klyde sa hindi ko malaman na rason.

"Sabihin niyo nga sa akin bakit ako pumayag?" Tanong ko sa kanila.

Ayaw ko naman talaga kaso nga lang bigla ko nasabi yung oo, hirap bawiin.

"Kasi mahal mo siya at dahil jowa mo siya. So we consider it na date yun." Sabi ni Aliah sabay hampas sa braso ko.

"Puwede kiligin pero hindi puwede manakit, pakyu kayo." Sabi ko kay Aliah kaya naghawakan na lang sila ng kamay ni Diane saka nagtatalon sa hindi ko malaman na dahilan.

"Sana all happy," mataray kung sabi.

"Niyaya ka na nga kunno sa dinner tapos sad pa rin. Ano ka sad girl?" Sabi ni Diane kaya inirapan ko.

"Puwede ba tantanan niyo ako, maghahanda na lang ako ng makakain kasi nababaliw na naman kayo. Gutom lang yan." Sabi ko saka tumayo at naglakad papunta sa kusina.

Tinoka na nila ang luto kanina, nung umaga si Diane habang si Aliah sa tanggahali yung baon ko ng tanggahalian sana kinain ko sa oras ng merienda tapos dahil hindi naman makapal mukha ko ako na totoka sa dinner.

"Girl, lalabas lang kami. May bibilhin lang kami. Sandali lang kami." Sabi ni Diane.

"Ge lang," sabi ko.

"Pasuyo naman nung phone ko," dugtong ko.

Iniabot 'to sa akin ni Aliah.

"Sure akong masarap yan, punong puno ng pagmamahal. In love ang lola namin eh." Pang aasar ni Aliah kaya tinarayan ko.

Lasunin ko na lang kaya kayo para hindi na kayo umabot sa pasko pero charot lang yun.

"Layas," sabi ko kaya nagpaalam na sila na aalis.

Naiwan ako mag isa kaya naman naisipan ko muna makipag video call sa mga kapatid ko since wala naman akong makakausap.

Pasalamat na lang ako at nagpatayo ng wifi yung dalawa at sagot nila ang monthly na bayaran.

Pag open ko ay tumatawag na agad si Elle kaya sinagot ko kaagad.

"Uy," sabi ko saka siya nilapag sa may lamesa.

"Ginagawa mo te?" Tanong ni Ven.

"Nagluluto para sa gabihan," sagot ko.

"Kumusta ka? Mukhang hindi ka ata problemado. Aba! Ibang level yan." Sabi ni Yla kaya natawa ako.

"Hindi naman kasi tinatambayan ang problema, ayoko magmukmok at iyakan na lang yun samantalang wala naman magbabago. Ano ba naman na maging masaya ako at gawin yung bagay na mas worth it kaysa sa pag iyak. See? Sa kasipagan ko magkakaroon na ako ng lupa. Basic." Sabi ko kaya napangiti sila.

"Need na ata natin mag house tour vlog sis, para makita nila yung level up ng bahay." Sabi ni Elle kay Ven na tahimik lang.

"Wag kayo magulo, nag iisip ako ng raket." Sabi nito habang nakabusangot.

"Sabi ko naman kasi palibre ka kay Jk, mapera yun dai." Sabi ni Yla kaya natawa ako.

"Gagi baka isipin niya mukha akong pera, sariling sikap 'to." Sabi nito kaya natawa ako.

"Problemado ka ata Ven? Hayaan mo kasi yung problema ang mag isip sa'yo at hindi ikaw ang mamroblema sa problema. Napaka baliw mo. Wag mo hayaan lamunin ka ng problema na yan." Sabi ko rito.

"Ate, sisikat na siya. Clothing ambassador ang baby natin yiee. Ito na ang umpisa ng iyong kasikatan. Pa autograph po." Pagbibiro ni Elle.

"Jowa muna bago autograph," biro ni Ven kaya hinila ni Elle ang buhok nito.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon