NINE

288 14 0
                                    

"Hindi ako na inform na kayo na ulit?" Bungad na sabi ni Ate Klarissa saka siya tumingin sa akin.

Halata sa itsura ni Klyde ang pagkagulat lalo na nung dumako ang tingin niya sa akin pero ngumiti lang ako sa kaniya samantalang si Arian ay halatang chill.

"Hindi po," mabilis na sagot ni Klyde.

"Bakit mo hinalikan? Ano yun trip mo lang?" Sabi ko kaya naman napatingin sila sa akin.

Bakit ka nagagalit self? Best friend lang kayo remember? At sa'yo na mismo nanggaling na walang talo talo.

"Oh my gosh!" Gulat na sabi ni Arian saka napahawak sa noo niya.

"Na-mis-interpret niyo ata," sabi nito saka sila nagkatinginan ni Klyde habang tawang tawa.

"Huh!?" Sabay na sabi namin ni Ate Klarissa.

"Pinunasan ko lang kaya ata mukha kami nag-kiss kapag nasa malayuan since nakatagilid kami pero I swear hindi kami nag-kiss." Sabi pa ni Klyde kaya napabuntong hininga ako.

Kalma self, no matter what happen friends is friend period.

"Atsaka isa pa may natitipuan na 'to," sabi ni Arian saka niya ako tiningnan at binalik ang tingin kay Ate Klarissa.

"Let's go, kakain din kami nito ni Yazmine before she leave my condo." Sabi ni Ate Klarissa kaya naman kumapit sa braso niya si Arian at nauna na sila maglakad kaya naman naglakad na rin ako.

"Galit ka ba?" Bigla nitong tanong kaya naman napatigil ako sa paglalakad.

"Bakit naman ako magagalit? Magagalit lang ako if hindi mo sa akin sinabi na nagbalikan kayo." Sabi ko rito.

I-inform lang niya ako na sila na ulit. Like Yazmine si Arian ex ko na girlfriend ko ulit. Edi, happy comeback stay strong ganern.

"Hindi ko na siya babalikan kasi may hinihintay ako," seryoso nitong sabi kaya natahimik ako.

Sana worth it yung paghihintay mo, ayoko ng maulit yung nangyari sa'yo. Babawi ako sa pang iiwan ko, wait lang kalma ka lang hindi na kita iiwan.

"Sorry for leaving..." Sabi ko rito kaya naman inakbayan niya 'ko.

"Yazmine... ayaw mo i-try?" Tanong nito kaya naman napatingin lang ako sa kaniya na nagtataka.

"I-try ang alin?"

In a relationship with you, gago ayoko ng gano'n. Isa sa rason ay ayaw ko na katulad nung sa amin ni Ralph ay wala na kami communication dahil ex kami. Mahal na mahal kita Klyde pero sorry pero kaibigan lang talaga kaya ko i-offer sa'yo.

"Relationship with me? Akala ko ba babawi ka bakit parang pakiramdam ko nasasaktan na naman ako." Sabi nito sa akin kaya natahimik ako.

"For the second time around nasasaktan ako at same person lang," sabi nito kaya napabuntong hininga ako.

"At least where still friends, nakakagulat ka naman kasi. Napaka straight forward masyado." Sabi ko saka siya inirapan.

Siguro kung hindi ko kaibigan 'tong si Klyde baka malamang sa malamang awkward pero since komportable pa rin ako kasama siya ay wala lang sa akin.

"I swear to God, mas worth it yung darating para sa'yo." Sabi ko rito saka kumapit sa braso niya.

"Ayaw ko ng may dumating basta wag ka lang umalis," seryoso nitong sabi pero tahimik lang ako.

Seriously! Hindi ka naman mahirap mahalin Klyde pero ang hirap makita na hindi natin kasama ang isa't isa kaya hangga't maari manatili na lang tayo sa ganito, friends.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon