TWELVE

242 13 0
                                    

"Dai, alis na kami." Bungad na sabi sa akin ni Diane pagkalabas ko sa kuwarto.

"Huh!? Bakit hindi ako kasama?" Nagtataka kung tanong.

"Gaga, malay ko sa iyo. Tinext kaya kami just to inform na may meeting. Adik ka girl?" Sabi naman ni Aliah kaya natahimik ako.

Dali dali akong pumasok sa kuwarto para kunin yung phone ko, chineck ko agad kung may message at boom may message rin akong na receive.

"Ano girl?" Tanong ni Diane.

Nasa may pintuan na sila.

"Shit, what happen to me ba kasi?" Sabi ko sabay palo ng noo ko.

"Lutang ka girl, go fix yourself. I'll give you 40 minutes to fix yourself. Your time start now." Sabi ni Aliah kaya mabilis akong nagpunta sa banyo.

Mabilis akong naligo kahit  alam ko sa sarili ko matagal ako. Hindi na nakapag make up at tanging liptint na lang ang nailagay ko sa labi ko.

"Let's go," sabi ko sa kanila saka sila hinila palabas.

"Girl, uso magsuklay." Sabi ni Diane kaya naman kinuha ko ang suklay at nagsimula magsuklay habang naglalakad.

"What happen?" Seryosong tanong ni Aliah.

"Wala, mayroon ba dapat mangyari?" Nagtataka kung tanong.

"Nagtataka lang kasi kami sa'yo. Hindi ka kumain ng dinner tapos ang aga mo natulog samantalang mahilig ka magpuyat. Bagong routine mo? Wow! Aba! Sana all." Sabi ni Diane kaya inirapan ko siya.

"Gago!" Naiinis kung singhal.

"Alam niyo para kayong tanga, okay lang naman ako eh. Atsaka wala naman nangyari na maganda aside from talking. Nag usap lang tapos yun na yun." Sabi ko sa kanila saka sila hinila pasakay sa jeep.

Huminto at saktong dadaan naman siya sa coffe shop kaya hinila ko na sila pasakay.

Seriously, tinulog ko na lang yung punyetang confession ni Klyde kahapon. Mukha lang akong hindi affected pero na awkward ako bigla kasama siya.

Like wth! Gusto ako nung tao habang ako kaibigan lang turing. Badtrip!

"Bayad po," sabi ng babae kaya kinuha ko ang bayad niya at inabot sa kundoktor.

Nakaupo kasi ako sa bungad kaya for sure magiging taga abot ako ng bayad. Wala naman problema yun sa akin.

Matulungin kaya ako.

"Girl, may engineering sila?" Tanong sa akin ni Aliah.

"Malay ko, hindi ko pa alam since this is our first meeting." Sabi ko sa kanila.

First meeting naman pero kung meet ang pag uusap between Klyde and me, together with his family hindi. Close ko nga sila eh.

"Para po!" Malakas kung sigaw dahilan para mapatingin sila.

"Sorry po, God bless." Sabi ko bago ako naglakad pababa.

Naririnig ko ang pagtawa ng mga kaibigan ko dahilan para sabunutan sila.

"Ang epic mo," tawang tawa na sabi ni Diane habang hinihila ang kamay ko paalis sa buhok niya.

Napagod na ako sa pagsabunot kaya naman binitawan ko na sila.

"Nakakahiya ka te," sabi pa ni Aliah habang inaayos ang buhok.

Nagkatinginan sila ni Diane saka sabay na sumigaw.

"PARA PO!" malakas na sabi nila kaya naman iniwan ko sila.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon