TEN

301 17 0
                                    

"Saan lakad mo?" Bungad na tanong ni Diane sa akin pagkalabas ko ng kuwarto.

"Sa Mall," tipid kung sagot.

"Aano ka roon? Sama ka na lang sa amin ni Jerome. Gagala at manonood lang din kami ng sine." Sabi nito.

Ayaw lang nito na nag iisa ako kaya sinasabit ako sa date eh.

"Okay lang ako, kaya ko na 'to ng mag isa. Sige na enjoy your gala. Stay in love." Sabi ko saka mabilis siya hinalikan sa noo at mabilis na lumabas.

Alam ko naman na pipigilan niya ako kaya inunahan ko na siya. Masyado sila nag aalala sa akin akala siguro hindi ko kaya na mag isa, hello malaki na ako at kaya ko mag solo flight.

Nag-chat sa gc si Aliah na bukas na siya luluwas dito sa Maynila at sinabi nito na okay na ang lolo niya kaya masaya kami for her. We pray for her grand father past recovery at sa tingin ko malakas ako kay Lord, I mean malakas kami kay Lord.

Mabilis din ako nakarating sa Mall dahil nga 9am pa lang naman at kakatapos ko lang din kumain ng agahan which is kanin naman ang kinain ko naisipan ko na lang muna pumunta sa boutique para sa mga damit. Wala akong plano bumili, window shopping lang. Isa pa napakamahal masyado at mabigat sa bulsa nakakahinayang.

Busy ako sa pagtingin ng magulat ako ng bigla na lang may nakabunggo ng kamay ko dahilan para mabitawan ko yung hawak kung damit.

"Sorry po," magalang na sabi nito kaya naman napatango ako.

"Arra..." Sambit ko kaya napatingin siya sa akin.

Anak ng tipaklong talaga! Jusme, napaka wrong timing ng pagkakataon.

"Are you with him?" Tanong ko rito.

"Nope, he's busy on his work kaya solo ako nagpunta. Gusto ko lang talaga bumili ng dress na gagamitin ko sa engagement party." Sabi nito.

"Sinong ikakasal? Kayong dalawa?" Tanong ko.

Nasa tamang edad naman sila at alam ko naman na sure na sila sa isa't isa kaya why not coconut tinaggap ko naman sa sarili ko na wala na kami kaya sige malaya ka na, piliin mo na yung taong gusto mo makasama at alam mo sasaya ka.

Pasensiya ka na ha? Hindi ako naging enough kaya mo ako iniwan.

"Can we talk for a while? Busy ka ba?" Tanong ko rito.

Simula kasi noon maging sila pakiramdam ko may galit kami sa isa't isa at siguro panahon na para magpatawad at tanggapin ang pagkatalo. Wala naman ako magagawa, masaya na sila kaya dapat maging masaya na lang ako for them.

"Sure," sabi nito sa akin habang nakangiti kaya naman nauna ako maglakad palabas sa boutique.

Napadpad kami sa labas ng Mall kung saan may tambayan kaya umupo ako at sumunod siya.

"Kumusta kayo? Sana ikaw na yung huli, hindi man ikaw yung nauna pero sigurado naman ako na ikaw ang huli." Sabi ko rito.

"Pinaplano ko na future ko sa kaniya kaso parang hindi talaga kami ang meant to be, baka kayo talaga. Tingin mo?" Sabi ko rito saka tumingin sa kaniya at umiwas din.

"Hindi pa ako sigurado," sabi nito kaya natahimik ako.

Bakit?

"Masasabi ko naman na loyal siya pero natatakot ako na baka gawin niya rin sa akin yung ginawa niya sa iyo eh. Hindi naman ako natatakot maiwan kasi alam ko naman anytime puwede niya ako iwan, natatakot ako na baka wala ng dumating." Sabi nito kaya tiningnan ko siya.

"Maganda ka kaya marami ang darating," sabi ko rito.

"Maganda nga kaiwan iwan naman wala rin sense. Minsan naisip ko na lang na sana hindi na lang ako maganda kasi kahit maganda ka at choice nila na iwan ka iiwan ka talaga nila. Ang hirap naman maging babae, tayo na yung talo minsan tayo pa yung nagmumukhang mali. Hays..." Sabi nito saka napabuntong hininga.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon