TWENTY-TWO

174 11 0
                                    

"Mom, Dad, I want you to meet Architect Montivilla." Bungad na sabi ni Klyde pagkapasok sa condo kung saan nag-i-stay ang Mommy at Daddy niya.

Napakunot ng noo ang Daddy niya habang ang Mommy niya ay nakangiti.

"Employee natin siya kaya kilala namin siya son, bakit pinapakilala mo siya?" Tila nagtataka na tanong ni Tito Kris kaya nakagat ko ang ibabang labi ko para iwasan na matawa.

Hindi ko nga rin alam anong trip ng isang 'to, pinuntahan ako para daw makilala ako ng parents niya. Like what the fuck! Adik ka te? Ginagawa mo sa life mo?

"She's Yazmine Montivilla," sabi ni Tita Krsytal dahilan para matawa na talaga ako.

"Tama po kayo it's me nga po," sabi ko habang tumatango. Tiningnan ko ang reaksyon ni Klyde na seryoso lang at tila hindi natutuwa sa reaksyon namin.

"Uy," sabi ko rito saka siya siniko sa tagiliran.

"What?" Tila naiirita nitong sagot.

"Anong trip 'to? Prank ba 'to? Palabas or what? Hindi ko kasi alam what to do. Like ano ba 'tong ginagawa mo?" Naguguluhan kung sabi.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko na naging holding hands kaya napatingin ako sa kamay niya saka sa seryoso nitong mukha.

Nangangamoy seryosong topic 'to. Hmm... What is it? Surprise.

"I want you to meet my soon to be girlfriend, Mom, Dad this is Yazmine Montivilla ang babaeng nililigawan ko." Sabi nito kaya naman napalapit ako sa gulat.

Hindi ako handa like ang sobrang simple ng damit ko kasi akala ko Mall or sasamahan ko lang siya at hindi na magtatagal pa. Kagulat naman siya.

"Nakakainis naman 'to. Wala man lang pasabi, excited masyado." Sabi ko rito saka siya hinampas ng dalawang beses.

"So... Welcome to the Family," sabi ni Tito na balak ako salubungin ng yakap.

Alam ko na saan nagmana ang anak, malamang sa ama.

"Po?" Gulat kung sabi habang niyayakap ako ni Tito Kris.

"I will always admire you for being yourself. Nasaksihan ko yung kabataan mo at alam ko na when you grow up you really passionate at the same time family-oriented. Alam ko naman na maalagaan mo 'tong anak ko kaya wala na akong masasabi. Thank you for allowing my son to suitor you." Sabi nito sa akin kaya ngiti lang ang naisagot ko.

Hindi ko naman alam na impromptu pala 'to dapat nakapag-rehearse ako ng lines ko. Parang pag ngiti lang ang gagawin ko rito.

Nakakahiya ka self!

"Hija, sobrang happy ko kasi ikaw yung niligawan niya. Sobrang bait mo kasi at syempre kilala ko rin parents mo kaya alam ko pinalaki ka nila na mabuti kasi gano'n din sila." Sabi ni tita saka ako bineso at niyakap.

"Pasensiya na po Ma'am and Sir, hindi ko po kasi inaasahan kaya I don't know what to say pero salamat po sa tiwala." Sabi ko sa kanila.

"Just call as Tita and Tito or Mommy and Daddy." Sabi ni Tita Krystal kaya napailing ako.

Wait lang po, kalma lang po.

Don't pressure me po. Mahina po signal ng kalaban. Hinay hinay lang po.

"It's okay hija, masanay ka na lang sa kaniya. Basta masaya kami." Sabi ni Tita.

"May lakad ba kayo ngayon son?" Tito Ask.

"Yes po pero dito na po kami kakain ng lunch, nagluto raw si Mommy ng sinigang kaya mapaparami kain ko." Parang bata na sabi ni Klyde kaya napangiti ako.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon