FOURTEEN

199 11 0
                                    

"Day off?" Tanong ni Diane ng mapansin na naka suot pa rin ako ng pajama at sando.

"Nope, late lang ako papasok since may titapos ako." Sagot ko rito.

"What is that?" Sabi nito saka naglakad palapit sa akin.

"Nice! Ang kyutie naman ng mga yan. Ayan ba yung sa project mo?" Tanong nito.

"Okay na yun, sariling lay out nila yun kaya hindi na ako nahirapan. Atsaka kahit wala ako roon ay alam ko naman okay yun kasi si Eng. Samonte ang nag-ha-habdle." Sabi ko rito.

"Para saan yung lay out mo na yan?"

"Future house, I'm planning to build my own house after 5 years." Natutuwa kung sabi.

"Ay bongga! I know you can do it, ikaw pa." Sabi nito sa akin kaya napangiti na lang ako.

Kilala ata nila ako na hindi sumusuko. Alam nila na gagawin ko lahat makuha lang yung bagay na gusto ko. Ever since this is my dream talaga. Plano ko sana sa Batangas kaso wag na pala masyado malayo sa work, ayoko mawalay sa pamilya ko hindi ako mapapanatag. Atsaka hindi ko na mo-monitor yung kalandian ni Yla, pinusta ko pa naman na iiyak ang isang yun tapos hindi ko masasaksihan.

Hindi puwede yun.

"Ready na ako makita yung future home mo. Yiee. Excited here. Sana ikaw rin ang magtayo nung amin ni Jerome." Kinikilig nitong sabi kaya natawa ako.

"Gaga, wag ka muna excited. Saka mo ako sabihan kapag engaged ka na gaga. Kapag ikaw iniwan at pinagpalit ewan ko na lang." Sabi ko kaya sinabunutan ako nito.

"Kainis ka! Bahala ka na riyan." Sabi nito saka ako binitawan at agad tumayo.

"Kailangan ko na sumibat dahil ang aking Ina ay hinihintay na ako. Marami pa akong kailangan matutuhan." Sabi nito saka kumaway at naglakad palabas.

Agad ko naman tinapos yung sa lay out para makapunta sa site. Plano ko tumambay na muna roon since wala naman din akong magawa rito sa bahay, nababagot lang ako kapag mag isa ako.

Inaatake ako bigla ng anxiety ko about sa past pero I know naman na someday ma-o-overcome ko 'to.

Makakaya mo yan Yazmine.

Nagliligpit na ako ng gamit ng mag-ring ang cellphone ko, pagkatingin ko ay video call galing kay Elle kaya sinagot ko agad at bumalik sa pagkakaupo.

"Yes?" Mataray kung sagot.

"Oh my gosh! Hindi ka na clear skin ate," bungad na sabi ni Yla sa akin kaya pinakyuhan ko.

Siraulo! Imbes na kumustahin ako ay inuna pa talaga mapansin yung mukha ko.

"Sis, wala ba kayong plano itanong if kumusta ba ako? Mga tarantado kayo ha? Nagmana talaga kayo kay Ysabella. Kukutusan ko kayo pagkauwi ko riyan." Sabi ko kaya naman natawa sila.

"We love you ate," sabi ni Ven kaya inirapan ko.

"Sis, wow lang ha? Attitude ka te." Sabi ni Yla kaya naman pinukpok ko ang screen.

"Sirain mo phone mo ate, tama yan." Sabi ni Elle na natatawa.

"Alam niyo kung wala naman kayong sasabihin na matino itigil na natin 'to. May pasok pa ako sa trabaho. Atsaka hindi ko na kailangan maging clear skin, masyado akong busy at dagdag lang sa oras yung skin care." Sabi ko sa kanila.

Noon naman na tambay ako ay may skin care ako, magkakaiba kami ng skin care since hindi same yung sa skin type. May product na hindi tinatanggap ng balat ko habang sila tinatanggap o kaya vice versa.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon