EIGHT

364 16 0
                                    

Nakatingin lang ako sa kisame habang nakahiga rito sa sofa dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok.

After ko malaman yun lalo lang gumulo ang utak ko. Hindi pa nga ako nakaka-recover sa pinapakita ni Klyde tapos all of sudden malalaman ko pa yun.

Matatanggap ko pa kung noon pa lang sinabi na sa akin yun at least may possibility na maagapan at magawan ko ng paraan eh. Puwede naman mag move on si Klyde sa akin at tanggapin na lang niya na magkaibigan lang kami pero hindi ko siya masisi since pinatunayan ata niya ang katagang first love never die.

Tila kailangan ko na naman umiwas para maka move on siya o baka kailangan ko maghanap ng babae na puwede ireto sa kaniya para we're still friend.

"Nalaman mo lang na ikaw first love hindi ka na nakatulog," gulat akong napaayos ng upo ng marinig si Ate Klarissa na may dalang isang basong tubig.

"Inom ka muna mukhang stressed ka na sa mga nalaman mo," sabi nito saka nilapag sa lamesa ang isang basong tubig.

"Thank you po," sabi ko saka 'to ininom. Pinilit ko talaga siya ubusin tingin ko kailangan ko talaga kasi natuyuan ako ng laway dahil hindi na ako nakakapagsalita pa.

"Alam mo ba walang araw na hindi ka sa amin nababanggit ni Klyde he's really in love with you. Remember the time when I told you na he's in love, alam ko naman na sa'yo yun kaso hindi ko sinabi kasi hindi pa kayo okay. Alam mo rin ba na hindi nagkataon na nagkasabay lang kayo papunta rito, planado na talaga yun ni Klyde. Gusto niya masigurado na makakarating ka ng safe at walang nangyari sa'yo na masama na kahit mukha siyang stalker ay okay lang basta ikaw. He really loves you kaso hindi niya maamin kasi alam naman niya na baka ma-friend zone siya kasi alam naman niya na yun lang ang kaya mo ibigay sa kaniya pero naniniwala naman siya na baka sakali magbago. Maghihintay siya hanggang sa oras na handa ka na at mahal mo na siya hindi bilang kaibigan. 10 years ka niya ng minamahal ng hindi mo alam." Sabi nito.

Gusto ko maiyak tangina! Iniiyakan ko yung maling tao habang si Klyde iniiyakan yung first love niya na hindi siya kayang mahalin katulad ng pagmamahal na binibigay niya.

Sorry Klyde, maling tao yung minahal mo. Hindi ako deserving sa pagmamahal mo.

"Tangina!" Naiinis kung sabi.

"Sana sinabi niya para alam ko," sabi ko rito.

Naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang manhid ko. Hindi ko pinapansin yung effort ni Klyde kasi akala ko gano'n lang siya since friends kami at madalas ako mag offer ng tulong sa kaniya lalo na sa school works. Tinutulungan ko siya sa mga subject na mahihirapan siya, I'll do tutor kahit street food lang ang bayad nito sa akin ay masaya na ako as long as nasa tabi ko siya.

Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na may gusto siya sa akin ang akala ko kaya gano'n siya ka-effort sa pagbibigay ng letter dahil solid siya maging kaibigan.

"Hinihintay ka lang naman niya bumalik kaso hindi ka bumalik kaya gumawa na siya ng paraan para hanapin ka." Sabi nito na halos nahihirapan.

"Alam mo ba na kaya siya nag-confess at naglakas ng loob kasi alam niya na wala na kayo ng ex mo. Nag-confess siya para hindi ka na mapunta sa ibang lalaki. He do everything just to make sure na sa kaniya ka pa rin. Sabi niya ikaw ang una at sisiguraduhin niya na ikaw pa rin ang huli hanggang sa dulo. Matagalan man ay ayos lang basta sa kaniya ka pa rin babagsak." Sabi nito.

"Nasasaktan ako pero naiintindihan naman kita eh. Babae rin ako at alam ko na nahihirapan ka sa sitwasyon pero bilang ate niya gusto ko lang ipakiusap sa'yo na kung hindi mo naman siya kayang mahalin sana sabihin mo ngayon pa lang, sobrang tagal na niya naghihintay pero siguro oras na para bitawan ka at palayain ka. Both of you deserve someone's better at baka siguro hindi kayo compatible sa isa't isa. Ayoko pakiusapan ka na sagutin siya kahit ang totoo napilitan ka lang wag lang siya masaktan. Nung oras na pinili niya na mahalin ka tinaggap niya na sa sarili niya na masasaktan siya. Sa part pa lang na friends lang kayo masakit na eh." Sabi nito.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon