TWENTY-EIGHT

159 10 0
                                    

"Anong nangyari sa walang talo talo," iyon ang bungad na sabi ni Yla.

Ka-video call ko siya since wala akong magawa habang siya naman ay saktong vacant time.

"Unexpected nga kasi dai, ikaw kapag na fall ka riyan sa Cejay na yan tatawanan talaga kita." Sabi ko rito.

Syempre nasa tabi ko siya lagi, pinigilan ko naman pero ayoko naman mawalay siya sa tabi ko. Parang habang iniisip ko na mapunta siya sa iba nasasaktan ako.

"Gago ka ate, malabo. Alam ko naman marupok siya kaya babalikan niya yung nauna." Sabi nito saka nakapangalumbaba.

"Paubaya te," natatawa kung sabi.

"Ang paubaya ay yung ikaw ang nauna, hindi ako ang nauna temporary lang ako at any moment puwede iwan kasi hindi na kailangan."

"Sabihin mo nga sa akin bakit hindi mo siya i-ghost, magaling ka naman sa gano'n bakit hindi mo magawa. Matatalo ka sa ginagawa mo dai at bilang concern ate ayoko lang masaktan ka. Oo inaasar kita pero ayokong masaktan ka sa maling tao." Sabi ko kaya pinakyuhan niya ako.

"Ramdam ko pagiging ate mo, thank you po. Don't worry ate I can handle this with my own. Ako lang 'to." Sabi nito kaya inirapan ko.

Nakita ko si Klyde na dumaan sa harapan ko kaya kinawayan ko.

"Mag aral ka na lang ng mabuti, bye na nga." Sabi ko saka siya kinawayan sa camera.

Nagbeso kami kahit sa video call at siya na rin ang pinapatay ko ng tawag.

"Ayaw mo ba umuwi Love?" Tanong nito saka umupo sa katapat kung upuan.

"Past na muna," sabi ko rito.

Pinatay ko na muna ang data saka pinasok sa loob ng bag ang phone ko.

Napayuko na lang ako sa lamesa dahil pakiramdam ko ay stress ako.

Naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin at ang paghaplos sa buhok ko.

"Gusto mo ba umuwi na lang para makapagpahinga?" Sabi nito kaya umiling ako.

"Puro na lang pahinga ginawa ko this past few weeks, sayang binabayad niyo sa akin. Ayoko naman ng gano'n." Sabi ko sa kaniya saka umayos ng pagkakaupo.

"Kung hindi kaya ako dumating sino kaya ang boyfriend mo ngayon?" Tanong nito kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Malay ko," sabi ko saka umiling.

"Kain na lang tayo," sabi ko saka tumayo sa pagkakaupo.

Change topic seloso 'tong bebe ko kaya end of discussion agad.

"KKB, ayoko masanay ng libre. Wag ka aangal." Sabi ko saka sinuot ang bag pack ko.

"Kaya ko," sabi ko ng balak niya kuhanin yung folder ko.

"Alam mo kasi Klyde hindi sa inaano kita or what. Alam ko gentleman ka, pero hayaan mo akong gawin 'to with my own. Ayoko ng ipadala sa'yo samantalang may kamay ako. Boyfriend pa rin kita kaya wag ka na riyan magtampo." Sabi ko rito saka siya hinawakan sa kamay pero dahil siya si Klyde nag-holding hands na lang kami.

"Keri pa naman holding hands," sabi ko pa rito saka 'to tinaas.

Sa kanan kamay ko ang folder habang sa kaliwa naman ay holding hands namin dalawa.

Nagpaalam muna kami na kakain at babalik din. Nagmadali rin agad kami sa pag alis dahil inasar na nila kami pero tawa lang ang sagot namin sa kanila.

"Saan mo ba gusto? Okay naman ako kahit saan ay mali puwera lang sa restaurant titipid ako." Sabi ko rito.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon