ELEVEN

272 14 0
                                    

"Are you okay girl?" Bungad na tanong ni Diane sa akin pagkarating ko.

"Yep," tipid kung sagot saka umupo sa sofa at hiniga ang ulo sa sandalan.

"Kumusta date?" Pag iiba ko sa usapan.

Napapansin ko kasi na may gusto pa siya itanong kaya inunahan ko na siya.

"Fine, kumain lang naman kami at nanood ng sine. Bakit hindi man lang kita napansin doon? Sa ibang Mall ka ba nag punta?" Tanong nito.

Gagi, hinanap pala niya 'ko.

"Nope, magkasama kami ni Arra," pagsasabi ko ng totoo.

Alam ko naman mababanggit din 'to sa kanila lalo na kay Diane kaya wala na akong rason para itago pa.

"So... You meet Kuya Ralph?" Tanong nito na halatang nag aalala.

"Oo, if you're asking if what happen between us. Nothing happens. Sabi ko naman sa inyo wala akong plano makipagbalikan eh. Siguro hindi pa ako fully move on pero hello? I'm not marupok." Sabi ko rito saka maayos na umupo.

"Yeah, strong ata tayo girl." Sabi nito kaya natawa kami.

See? Masaya naman din maging single as long as may mga kalog at loka loka ka na friend na kahit may jowa ay may time para sa iyo.

"Maiba nga rin ako be, may naghahanap sa iyo rito kanina. I think kapatid ni Doc. Klarissa yun since medyo hawig sila." Sabi nito kaya nagulat ako.

Anong ginagawa niya rito?

"Bakit daw?" Kalmado kung tanong.

"I don't know, walang nabanggit eh. Basta ang sabi sabihin ko raw na pumunta siya rito tapos umalis na rin." Sabi niya kaya tumango ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

"Oh!? Saan ka na naman pupunta?" Tanong nito.

"Pupuntahan ko siya,"

"Ahh, kailangan mo ba ng kasama? I will come to you." Alok nito pero umiling ako.

"I'm fine, don't worry. Bago mag dinner babalik ako rito." Paninigurado ko.

"Bilisan mo ha? Dalian mo dai para hindi ako nag aalala." Sabi nito kaya niyakap ko siya at nakipagbeso.

Hinatid ako nito sa may gate kaya nagmadali ako maglakad papunta sa terminal.

"Hindi ako pupuntahan ng isang yun ng walang rason, may importante ata siyang sasabihin." Sabi ko sa isip ko saka napabuntong hininga.

Mabilis akong nakarating sa coffe shop. Dumeretsyo agad ako sa counter kung saan walang customer dahil close yung counter.

"Yes Ma'am?" Tanong ng babaeng napadaan.

"Is Klyde here?" Tanong ko rito kaya napalingon siya.

"Guys, si Sir Klyde ba nandito o wala?" Tanong nito.

Hindi rin niya alam if nandito siya.

"Hindi pa po siya nakakabalik, pero baka pabalik na rin Ma'am saglit lang daw siya." Sabi ng babaeng nasa counter.

"Si Ma'am Krystal Samonte nandito ba?" Tanong ko.

"Wala po siya, tanging si Sir Klyde lang po ang nag ma-manage rito. May appointment po ba kayo with him or sa kanilang dalawa?" Tanong nila kaya napailing ako.

"I'm architect Montivilla, I just want to talk to them. Kahit sino sana sa kanila. Puwede ba na hintayin ko na lang muna si Klyde, wait mag-o-order ako." Sabi ko sa kanila.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon