Chapter 12: Healing

4 1 0
                                    

Isang linggo ang nagdaang at kahit papaano'y naging maayos na ang relasyon namin ni Ace sa isa't-isa. Magaling naman siyang makisama sa amin, miski ang mga barkada niya. Masaya din sila kasama at kausap.

Sa mga nagdaang araw, naging mas madali na ang magreach out sa kanya. Kapag nagkakausap kami sa text lang, madalas ko pa din itanong ang tungkol sa pamilya niya o kaya kung kumusta na siya. Masaya lang din ako na kahit papaano'y nagmomove on na siya sa kanyang problema. I am glad too knowing that he is healing from that pain. Family problem especially for broken family, is no joke. Mas masakit pa nga sa break up kapag ikaw ang nakaranas ng ganito.

Broken family din kami, kaya dalawa na lang kami ni Mama. Si Papa naman sa ibang bahay na daw nagpatuloy maging tatay. Parehong problemang pamilya ang hinarap namin ni Ace, ngalang mas nauna akong makaranas sa kanya.

Hindi ko na maalala si Papa, 'yung hitsura niya, kung pogi ba siya o sakto lang. Kung kamukha ko ba siya o hindi, maliit pa ako no'n nang maghiwalay na sila ni Mama. Hindi ko pa man alam ang buong katotohanan no'n, nasaktan pa din ako na makitang umiiyak si Mama. At 'yun din ang panahon ng umalis ang kababata kong kaibigan na si Jiso. Ang sakit sakit lang nangyari sa akin, una nawalan ako ng tatay tapos sumunod nu'n umalis naman si Jiso. Hindi ko alam kung anong rason ng pag-alis nila, basta't sobrang nalungkot lang ako dahil nawalan na ng tatay at kalaro. I really miss them.

Akala ko 'yun na ang pinakaworst na nangyari sa buhay namin, sa buhay ko pero hindi pala. Nang dahil doon, naging mas matatag ako, lalo na si Mama, na harapin ang pagsubok. Mas naging alert si Mama at mapagmahal na ina sa akin. Binuhos niya ang lahat ng pagmamahal sa akin upang lumaki din ako ng maayos. At hanggang ngayon, nagiging sariwa ang mga tumiklop ko ng sugat kapag binabalikan ko pa ang nakaraan.

Nawala na ang akwardness sa pagitan namin ni Ace. And through time to time, mas nakikilala ko siya ng mabuti.

Isang mensahe ang aking natanggap. Akala ko si Ace na 'yun pero si Ara pala. Nakakapagtakang magsend siya sa akin ng text, e sa chats namin kami lagi nag-uusap.

Ara:
Hoy! Hi! Si Ara 'to! Save mo number ko!

Hindi niya alam na matagal na nakabooked ang phone number niya sa cellphone. Diretso akong nagtipa ng mensahe para sa kanya.

Ako:
Okay! Anong kailangan mo? Nakahiga pa ako, istrobo $<

Ako:
Bakit sana, bes?

Ara:
Nakalimutan mo na? HAPPY FRIENDSARRY!

Napabalikwas ako sa aking kama nang mabasa ang text niya. Sinapo ko angg nahihilong ulo at inaalala kong anong petsa ngayon.

"12th of November!"pagsigaw ko nang maalala na ang date kung kailan itinatag ang aming pagkakaibigan.

Nagtipa ako ng mensahe. Excited na excited ako habang ginagawa 'yun.

Ako:

HAPPY 2nd FRIENDSARRY, BES! <3

Mayamaya ay tumawag na si Ara. Magcelebrate daw kami kahit kumain man lang sa labas gaya ng ginagawa namin kapag ganitong petsa. Pumayag na din ako, at sumaktong walang pasok ngayon.

"Casa Rosa tayo, ha?"sambit niya sa kabilang linya.

"Okay. Mga alas tres nalang ng hapon,"pakli ko. Mga ganitong oras kami madalas lumabas kapag free time, hindi na kasi maiinit kapag gano'ng oras.

Binababa ko na ang tawag matapis ang pag-agree ni Ara sa usapan. Ang saya ko ngayong araw, bumaba na ako at sinimulang gawin ang mga nakaabang na gawaing-bahay sa akin. Parang saglit lang talaga at magdadalawang taon na ang pagkakaibigan namin ni Ara, 'yung una ko siyang nakilala, akala ko hindi kami magkavibes pero mali pala ako dahil hanggang ngayon magkasama pa rin kami.

Kaya ni-treasure ko talaga ang friendship namin. Kahit dalawa lang kami, o kahit siya din lang ang bestfrienf ko, alam na alam kong totoo siya.

"Ang sipag mo ngayon 'nak! Anong nakain mo?"pagbibiro ni Mama nang makita niya akong nagpupunas ng mga panes sa bintana sa may sala.

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa excitement kaya ayon nagmukha na akong shunga sa lapad ng ngiti.

"Friendsarry namin ni Ara ngayon! E magpapaalam po kasi akong aalis mamaya, kakain lang naman po sa labas,"pagpapaalam ko sa kanya.

Binaba mo na ni Mama ang dalang malinis na damit sa single na sofa namin at humarap na sa akin.

"Talaga? O sige payag ako. Anong oras ka aalis?"tanong niya.

Magpapaaga lang ako ng ilang minuto. Doon ko na pang din siguro hintayin si Ara.

"Quarter to 3 ng hapon. Sa Casa Clara lang naman po, 'yung usual spot namin ni Ara kapag lumalabas kami,"pinapaala ko na agad kay Mama para iwas na sa sandamakmak niyang tanong.

Overprotective kasi si Mama sa akin. Mahigpit kapag lumalabas ako, mahigpit sa mga taong sinasamahan ko at mahigpit sa halos lahat ng bagay. Kaya kailangan ko talagang sabihin ang lahat sa kanya para hindi na siya magtaka o magtanong pa sa akin.

Minsan, o kaya madalas naiisip kong sobra na siya sa paghihigpit sa akin. Minsan pakiramdam ko hindi na 'to ang sarili ko. Minsan naiisip kong nasasakal na ako sa kanya, sa paghihigpit niya, pero alam ko naman na inisip niya lang ang kakapakanan ko.

Tinapos ko ang mga gawain at dumiretso na din sa banyo upang maligo. Sinuot ko lang ang dress na matagal nang nabaon sa damitan ko, last year pa kasi 'yun na pinadala ni Tita Jo, malaki pa last year kaya hindi ko nagamit. Mabuti na lang at lumaki na ako ngayon, kaya kumasya na din sa akin.

Matapos kong ni-braid sa side ang ilang hibla ng buhok ko, bumaba na din ako bitbit ang leather na sling bag ko. Nasa loob lang naman no'n ang cellphone, panyo at perfume ko. Hindi na din ako nag-isip kong ano pa bang ilalagay ko, kakain lang naman kami sa Casa Rosa tapos agad din uuwi.

"Kelly, medyo maiksi 'yan dress na suot mo sa'yo. Palitan mo kaya,"'yun agad ang lumabas na salita sa bibig ni Mama ng makita akong pababan ng hagdan.

"Sobrang iksi po ba talaga? Ma... wala na akong ibang isusuot,"pagrarason ko. Alam kong mali pero sakto lang naman sa akin 'tong suot ko. Ayoko namang magpants kasi nasabi ko na kay Ara na dress ang theme namin ngayon. Baka magalit siya kapag iniba ko ang usapan, at imbis na magcelebrate pa kami ay baka masira na ng tuluyan ang friendship namin.

Sana pumayag na si Mama. Hindi naman daring ang suot ko e! Nagcross finger ako sa likod ng damit ko at umaasang pumayag na siya. Please... Please... Please.

"Ayos na 'yan! Basta ang usapan natin, ha?"sambit niya.

Her POVWhere stories live. Discover now