Chapter 17: Merry

3 1 0
                                    

"Ma! Si Ace po 'yan! Kaklase ko!"pagtatama ko kay Mama. Napatayo tuloy ako kahit nahihilo para lang pigilan siya.

Parang bubugbugin niya na si Ace dahil sa gulat. Well, sino ba naman ang hindi ganoon ang magiging reaksiyon kapag may nakita kang hindi mo kilala sa loob ng bahay niyo?

"Tita! Pasensya na..."hindi maituloy-tuloy ni Ace ang mga sinasabi dahil puros sigaw na lang ni Mama ang nangingibabaw sa buong bahay.

"Ma! Tama na!"huling saway. Baka ano pang isipin ng mga kapit-bahay namin dahil sa sobrang lakas ng sigaw niya.

"Ace? S'ya ba 'yong kasama ni Ara nakaraaan?"tanong niya na agad ko naman tinanguan.

"Pasensya na po kayo, Tita! Hinatid ko lang po si Ara dito sa bahay niyo kasi sumama po ang pakiramdam ni Kelly,"paliwanag sa kanya ni Ace.

Napahinga na lang ako ng malalim. Atleast, naintindihan na ni Mama na kaklase ko ang kasama ko, hindi magnanakaw.

Sinapo ni Mama ang noo ko at agad nagbago ang ekspresyon ng mukha niya ng mailapat niya na ang kanyang kamay.

"Ang init mo nga! Mahiga ka na lang dito, Kelly,"nilapit niya ako sa sofa na kanina ko na din hinigaan. Nahihilo pa rin ako kaya nahiga na din ako agad.

"Mabuti na lang at umuwi ka na din agad! Mas maganda dahil kung nandito ka sa bahay, makakapagpahinga ka,"pasalamat ni Mama.

Tumayo na siya at inilagay sa mesa ang kaniyang mga bitbit na supot. Nanggaling daw siya sa palengke pagkatapos niyang ihatid ang package ni Boss Kim, ang amo niya.

Tahimik lang si Ace sa kanyang inuupuan. Halos hindi niya ginagalaw ang katawan at tinitipid niya pa ang paghinga. Mukhang tensed din siya dahil na din sa unang bungad palang ni Mama.

"At... tsaka... salamat pala, Ace. Mabuti na din at hinatid mo si Kelly. Pasensya ka na pala kanina, hindi kasi ako sanay na may bisita sa bahay, tapos lalaki pa. Akala ko magnanakaw na e, kung hindi ko lang nakita si Kelly,"natatawa pa si Mama dahil sa nangyari.

Napangiti si Ace dahil kay Mama. Dahil sa ngiti niya, naging light na ang atmosphere sa pagitan namin.

"Ayos lang po, Tita! Uh...Hindi na din po ako magtatagal, babalik na din po ako sa school,"pag-papaalam ni Ace, tumayo na din siya.

Parang na-disappoint lang ako dahil tinuran niya. May kung anong nasa isip ko ang gustong pumigil sa kanya. Na gustong tigilan siya at sabihing dito lang siya sa tabi ko. Pinigilan kong sabihin ang nasa isip ko.

"Salamat pala, Ace. Baka hinahanap ka na sa klase natin. At kung may maghanap sa akin, alam mo na din ang sasabihin,"tanging paalam ko sa kanya.

Tumango din siya at nagpaalam na din kay Mama. Madali din siyang nawala sa paningin ko matapos siyang lumabas sa pinto.

"Magbihis ka na sa taas. Teka... kaya mo ba? Do'n ka na sana magpahinga,"sambit ni Mama at saka lumapit na sa akin.

Tumayo na ako at dahan-dahan binaybay ang kwarto sa taas. Nagpalit lang ako ng damit at nahiga na din. Mga ilang minuto na lumipas at pakiramdam ko'y umepekto na ang gamot na ininom ko sa clinic. Medyo maayos na ang pakiramdam ko at nawala na din ang sakit ng aking ulo.

Bumangon ako sa pagkakahiga ng nawala na ang aking pagkahilo. Tanghali na ng tignan ko ang orasan, kaya pala nakakaramdam ako ng gutom.

Palabas na ako ng kwarto ng masalubong si Mama, paakyat at may dalang pagkain. Napahinto na lang at bumalik ulit sa kwarto kasabay siyang pumasok.

"Bakit bumangon kana?"tanong niya habang binababa ang bitbit na pagkain.

Nalanghap ko agad ang amoy ko at tiyak na masarap ang luto ni Mama. Well, kahit kailan the best talaga ang mga luto niya!

"Epekto na po ng gamot na ininom ko kanina sa school. Bababa na nga po sana ako,"tugon ko.

"Tama lang at dinala ko 'to! Nagluto lang ako ng sinigang na karne, para may sabaw ka,"tumayo si Mama saka inayos ang plato ko.

Sinabi ko kay Mama na kaya ko na din pero siya pa din ang nag-asikaso sa akin. Siya ang naghain ng pagkain sa tapat ko. Hindi man ako bata pero sa sitwasyon ngayon, baby pa talaga ako para sa kanya.

Sinigang na karneng baboy at cabbage ang niluto ni Mama para sa akin. Humigop ako at as usual hindi ako nabigo sa sarap ng lasa nito. Nainitan ang sikmura ko kaya pakiramdam ko'y gumaling na ako. Mayamaya'y kusa nang lumitaw ang mga butil ng pawis sa katawan ko, dala na din ng init ng kinakain ko.

"Maganda 'yan na lumalabas ang pawis mo! Tapos kapag kaya mo din ang ginaw, pwede kang maligo para mapreskuhan ang katawan mo,"sambit ni Mama habang nililigpit ang pinagkainan ko.

"Mukhang kailan ko nga, Ma!"natatawa kong sabi nang maramdaman na sobrang basa na ang katawan ko ng pawis.

Kinaya naman ng katawan ko ang lamig ng tubig dahil hindi naman ako nakaramdam ng ginaw. Sinuklay ko ang aking buhok at sobrang ginhawa ang dala nito. Bumaba ako para manuod sa telebisyon.

"Hindi ka nilamig?"tanong ni Mama.

Umiling ako at tumabi sa kanya. Nasa sala na siya at nanunuod.

"Presko nga po. Sana hindi na ako lagnatin mamaya,"sabat ko kay Mama.

"Hindi ka na din makakapasok mamayang hapon. Kailangan mo pa din magpahinga,"ani Mama. Hinanaan niya ang volume ng TV para mas magkarinigan kami.

"I-te-text ko na lang po si Ara o kaya si Ace kung mayroong assignment,"pagpapaálam ko sa kanya.

"Maasahan naman si Ara d'yan e Ay maiba ako... si Ace pala 'yun? Mabuti talaga at hinatid ka niya,"pag-iiba ni Mama ng usapan.

"Oo nga po e. Ayaw ko nga sana dahil nakakahiya at makakaabala pa ako pero nag-iinsist pa din siya na ihahatid ako, kaya ayon,"pantay lang ang direksyon ng aking paningin, nakatingin lang ako sa telebisyon.

"Nag-insist talaga?"nanlaki ang mata ni Mama dahil sa sinabi ko. Mukhang bang may mali sa sinabi ko?

"Parang ganoon na din po?"unsure ako sa pagsabi. Natatakot akong may mabuong ideya sa isip niya at mamaya ay masama pa.

Kinuwento ko ang mga nangyari kanina sa school. 'Yung kay Ara, kung bakit hindi siya bumalik, bakit si Ace na 'yung nagdala ng bag ko. Lahat ay kinuwento ko pati 'yung mga nangyari ng mga nakaraang araw. Natawa pa nga si Mama dahil sa kwentong nakakatawa na nangyari sa akin. Ang saya ko na din kahit papaano ay nakakapag-share pa din ako sa kanya tungkol sa buhay at open kami sa isa't-isa.

Nasa kalagitnaan kami nang panunuod ng biglang nagsalita si Mama.

"Nag-insist si Ace. Hindi ba kapag ginagawa ng lalaki 'yun, ibig sabihin may gusto siya sa'yo? Di ba, anak?"

Her POVWhere stories live. Discover now