Chapter 15: Hoping

2 1 0
                                    

Takip-silim na akong dumating sa aming bahay. Nag-aalala talaga ako sa mangyayari dahil tiyak na mapapagalitan ako ni Mama. Bakit ba kasi nakalimutan kong umuwi ng umaga?

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob pero ramdam ko na ang awra ni Mama sa loob, masamang awra.

"Bakit ngayon ka lang? Lagpas pa ng alas sais!"bulyaw agad ni Mama ang sumalubong sa akin. "Alam mo naman may usapan na uuwi ka agad, di ba!"utas niya.

"Sorry po! Nalingat po ako sa oras kasi pumunta pa po kami ni Ara sa kuta,"paliwanag ko. Niyuko ko ang uli dahil sa hiyang nadarama.

"May kasama kayong iba? Huwag kang magsisinungaling,"tanong niya. Hindi ko alam kong papaano ko ba sasabihin na hindi siya mag-iisip ng masama. Ayaw kong magbuo siya ng imahenasyon sa isip niya na mga mali tungkol sa akin. Wala naman masama na kasami namin si Ace. Natahimik ako saglit at mahinang napabuntong-hininga. Pakiramdama ko'y ang bigat ng dinadala ko ngayon at th same time, guilty sa maling nagawa.

"Bakit hindi ka magkwento? Meron no?!"malakas na ang boses ni Mama, halatang naiinis na sa akin.

"Si... Ace lang po, Ma! 'Yung nakita mong kasama ni Ara. Kaklase po namin 'yun at nagkita kami sa kuta... kaya ayon po,"paliwanag ko. Ayaw ko namang saktan pa ako o paluin ni Mama, ang laki ko na kaya ngayon, hindi na bagay.

"Ikaw Kelly, ayaw kong dumidikit kayo ni Ara sa mga lalaki. Isipin n'yo muna ang pag-aaral niyo bago ang magboyfriend boyfriend,"kahit papaano'y humuhupa na ang galit ni Mama.

"Ma, huwag na kayong magalit. Nasa kuta din lang kaming tatlo. Kahit tanungin niyo pa po si Ara,"paliwanag kong muli.

At dahil kampante naman siya sa mga paliwanag ko, hindi na si Mama nagsalita ng kung anu-ano pa. Alam niya naman sigurong hindi ako magsisinungaling pagdating sa kanya.

"Basta tandaan mo lagi ang sinasabi ko,"may diin niyang sabi.

Dumiretso na akong kwarto matapos matanggap ang medyo-slight na sermon niya. Nagbihis lang ako ng pambahay at nagpahinga ng sandali. Saka ko naalalang i-text ang mga naiwan kong kaibigan. Kinuha ko ang aking cellphone at una ko munang ni-sendan ng mensahe si Ara.

Ako:
Nakauwi na ako. Kayo?

Nagsend din ako ng mensahe kay Ace para sigurado lang kung ano nang lagay nila. Alam kong magtataka 'yun dahil sa mabilisan kong pag-alis.

Isang mensahe ang aking natanggap mula kay Ara.

Ara:
Pauwi na din. Pinagalitan ka ba? :(

Ako:
Slight lang. Don't worry, bes

Hindi ko pa natatanggap ang memsahe ni Ara nang magtext na si Ace.

Ace:
Nakasakay na si Ara

Ako:
Oo nga. Nagtext na din sa akin. Ikaw?

Nagtipa ulit ako ng mensahe kay Ara.

Ako:
Sorry hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Hindi pa tayo sabay umuwi :<

Ara:
Ano ka ba? Sorry din HAHAHA kainis kasi 'yung fort e

Ako:

kaya nga e HAHAHA

Ace:
Kakasakay lang

Ako:
Ingat na lang. Sorry di na ako nagpaalam ng maayos kanina

Ace:
Ayos lang. May curfew ka pala? HAHAHA

Ako:
Oo e. 6 sa bahay, napag-usapan kasi

Ace:
Be a good girl

Napahinto ako sa pagtipa ng reply. I felt something happening inside me. There something that makes me blushed. Umiling ako para tanggalin ang feeling na 'yun. Pakiramdam ko kasi umiinit ang aking pisngi.

Ako:
HAHAHA ingat ka na lang ulit sa pag-uwi. Mag-aasikaso lang ako

Bumaba na ako para daluhan si Mama sa pag-ayos ng hapag-kainan. Naabutan ko siyang naglalagay ng plato sa mesa, kaya nagpresenta ako na ako na lang ang gagawa no'n. Masaya kaming kumain hanggang matapos. Hindi na galit sa akin si Mama at balik na siya sa huwisyong normal mode niya.

Ni-check ko lang ang ibang requirements sa mga subjects namin. Mabuti na lang at hindi masyadong maraming note works ngayon, kaya mabilis lang din akong natapos.

Hindi pa man malalim ang gabi pero mas pinili ko na lang humiga sa malambot kong kama. Nagbrowse lang ako ng mga social media accounts ko, pero medyo boring pa din, pero bigla kong naalala 'yung account ni Ace kaya ni-stalk ko siya sa kanyang IG account.

Walang larawan ng mukha niya ang nasa feeds niya. More on nature at sa school 'yung kuha ng mga litrato na pinost niya, wala ni isang mukha ng mga tao.

Bigla ko na lang pinindot ang follow button nang hindi inaasahan. Siguro interested lang ako sa mga future posts niya at siguro dahil kaklase ko siya. Gusto ko sanang i-unfollow pero naisip kong nag-notify na 'yun sa kanya. Ang pangit naman ng labas no'n kapag in-unfollow ko pa siya.

Mayamaya'y nag-notify din ang pagfollow niya sa akin. Napanganga talaga ako dahil sa bilis ng pangyayari. Active siya sa kanyang IG ngayon ng tignan ko. Tapoa bigla na lang siyang magsebd ng message doon sa akin.

itsace: hi! :)

seen

itsace: bakit ni-seen lang? HAHA

seen

itsace: nakasagot ka na sa asgn. natin?

peachyYou: oo. Katatapos lang nga.

itsace: same. Nahirapan lang ako sa Arts haha hindi kasi ako magaling do'n e

peachyYou: kaya mo 'yan! Gabi na matutulog na ako

peachyYou: baka malate ako ng gising e. Matulog ka na din

itsace: Goodnight, Kel :)

I don't deny the fact that there is a big possibility that I will fall in love to Ace. Kaya alam ko kung kailan ko lilimitahan ang sarili. Kaya habang maaga puputulin ko. Pero napapansin ko sa mga nagdaang linggo na madalas kaming magkatext pakiramdam ko'y nagiging marupok ako sa kanya. Para siyang isang magnet at napakabilis ko ma-hook sa kanya.

Napakarami kong iniisip tungkol sa magiging future ko. Iniisip ko kung ano bang mangyayari kapag nalabag ko ang mga pinangako ko kay Mama. Ano kayang iisipin ng iba kapag hindi ko naabot ang mga pangarap ko?

Sa dami nang iniisip ay dinalaw na din ako ng antok. Ang tanging hinihiling ko lang na sana kung saan man ako dalhin ng hinaharap ko, sana masaya ako do'n. Matapos ang hiling ko'y sabay ko na ding pinikit ang mga mata.

Her POVWhere stories live. Discover now