Her POV

91 1 0
                                    

This is a work of fiction. Any names, businesses, events and organisations stated below is the product from author's imagination. Any resemblance to any of following stated above is not intended and purely coincidental.

All rights reserved. No parts of this book may reproduced, distributed, publish, copy or print, unless there is permission from the author. Plagiarism is a crime,and that's stealing!

Please bear in my mind that this story is a draft. Expect errors like wrong grammars, wrong used of punctuations and overall writing mistakes.

Credits for the owner of photos that I have used for my cover art.

This story contains mature contents. Be aware of it!

Copyright ©2020 by Lustrousmind/ItsAced


PROLOGO

BUMUSINA na ang bus na sasakyan namin. Kanina pa ito naghihintay sa amin, kaya siguro naiinip na ang driver. Masyado kasing late dumating ang iba kung kaklase kaya ito, bago palang kami aalis.

"23, last number!"sigaw ng kaklase kong nakapwesto sa dulo ng bus na iyon. Siya ang huling bilang sa naghead-count.

Naupo na ang lahat. Nagsimula na din magpatugtog ang driver ng jazz na music sa loob. Yes, they did enjoy it. Naupo na din ako sa pwesto, katabi ni Ma'am Sheryl.

Siya ang coach namin sa Science Competion. Nasa late 30's lang ang edad niya kaya medyo sunod pa sa aming mga estudyante niya. Mabait at kwela din si Ma'am kaya nga halos lahat ng estudyante sa school namin gustong-gusto siya. And I don't have doubt about it. Magaling siyang guro, bukod sa mga nalalaman niya, the best ang teaching style niya.

Sumenyas ako sa driver na hinaan muna ang music dahil magsasalita ako. Agad niya din sinunod ang sinabi ko.

"Guys? Alalahin ninyo na ang outing natin ay para magsaya lang tayo. Stressful this week kaya magpasalamat tayo at inapprove ng Admin ang trip natin,"paliwanag ko sa kanila.

Ngumiti sila at nagsimulang magpalakpakan na parang graduation na sa sobrang lakas nito at may kasama pang hiyawan.

Pupunta kami ngayon sa beach. Sa isang resort na pagmamay-ari ng kapatid ni Ma'am Sheryl. Hindi pa ako nakarating doon, o kahit ng sinumang sa mga kaklase ko. Pero base sa mga narinig kong kwento, maganda daw ang beach na iyon.

"Nandito na tayo!"sigaw ni Ma'am Sheryl nang tumigil na ang bus.

Sumilip ako sa bintana, hindi ko pa din nakikita ang dagat dahil sa mga ilang punong nakaharang doon pero ang mga punong niyog na nagsisitaasan ay natatanaw ko na. Naamoy ko na din ang mga buhangin at ang alat ng tubig dagat. Woah! I'm super duper excited!

Nagising na din ang ilang nakatulog na mga kaklase ko. Apat na ang oras din ang time travel kaya nakatulog ang marami sa amin. Sumabay pa ang nakakaantok na music na ni-play ng driver kaya lalong na trigger ang antok namin.

"Mandi, may laway ka na, oh?"biro ni Trolle sa kagigising lang na kaibigan niya. Sila ang mga malapit kong kaklase. Si Mandi ay mas matanda sa akin ng isang taon, madalas kaming magkwentuhan sa classroom pero hindi talaga kami close as friend.

Sinipat ko si Ace na nakatunganga pa sa kanyang inuupuan. Halos ipikit niya pa ang mga mata dahil sa antok. Siya ang boyfriend ko for a year. First boyfriend.

Ni-snob niya lang ako na parang hindi talaga kilala. Tss. Siya na nga itong inaalala, tapos magtataray pa.

"Tulungan mo naman ako,"pagmamakaawa ko na may kasama na ding pagpapabebe.

Her POVWhere stories live. Discover now