Chapter 10: Unlucky

5 1 0
                                    

Magkaharap kaming apat sa mesa. Magkatabi sina Ace at Harry, si Ara naman ang katabi ko. Tahimik lang kaming kumakain at walang may balak na basagin ang katahimikang namamagitan sa amin.

Ang akward lang dahil ang ingay ng mga kapwa ko estudyante sa loob habang kumakain. 'Yung iba nagkukuwentuhan, tapos mayroon din nagtatawanan sa kabilang mesa. Tanging sa pwesto lang namin ang walang kibo, mukhang nabagsakan ng langit at lupa ang sitwasyon namin ngayon.

"Mukhang matatapos tayong kumain nang hindi nagsasalita?! Bago 'yun, ah!"sa wakas hindi din napigilan ni Ara na sabihin ang mga ito.

Napatigil sa pagkain ang dalawa at sabay na tumingin kay Ara. Nagpalitan pa sila ng tingin, napapaisip kung bang required na kailangan mag-usap kapag kumakain. Sinapo ko ang baso sa aking gilid at lumagok ng tubig mula doon. Iniisip kong hindi lang  talaga sila sanay.

"Sorry...huling sinabi ni Ara nang mapansin ang kahihiyang ginawa, well, hind naman literal na kahihiyan.

"Ayos lang, Ara, natatawang sabi ni Harry. Katatapos niya lang din kumain ng sabihin niya 'yon.

Inaantok akong pumunta sa table ni Sir Peps, teacher namin sa Filipino, para ipasa ang pinapaggawa niyang output sa amin. Nagpapasalamat na din ako at sa wakas ay makakauwi na din ako sa amin. Pakiramdam ko'y sobrang dami ng ginawa ko ngayong araw. Drain na drain na talaga ang utak ko, mabuti na lang, e kahit papaano'y may napiga pa din akong sagot para sa output.

Napalapad ang aking ngiti matapos lagyan ni Sir Peps ing check ang notebook. Hindi niya din binalik sa akin kaya malaya akong lumayo sa mesa niya. Ayos na din pala 'yung mga nasulat ko, kung hindi, talagang magsusulat na naman ako ng libo-libong salita para sa talatang 'yun.

"Bilis bilisan niyo, guys. Ilan na lang kayong natitira,"sabi ni Sir Peps sa iba ko pabg kaklase na nagsusulat. Iilan na nga lang sila nandoon kasama pa si Ara.

Nagwave ako ng kamay tanda para magpaalam. Mauuna na ako sa kanya, antok na talaga kasi ako. Matabang siyang ngumiti at mabilis ding binaling ang paningin sa kanyang sinusulat.

"Goodbye, Sir!"masaya kong pagpaalam. Napatungo na lang ang guro sa sinabi ko.

Nagising na lang ako nang marinig na ang katok sa aking pinto. Nakatulog pala ako dahil sa sobrang kaantukan kaya diretso akong nahimbing ng makarating sa bahay. Napapansin ko lang sa mga nagdaang araw ay mas mabilis na akong maantok at makatulog.

"Anak? Gising na,"boses ni Mama ang agad kong narinig.

Bumangon ako kahit hilo pa man. Mga ilang segundo pa bago ako nagsalita at tumayo para pagbuksan siya. Napapikit-pikit pa ang mga mata habang lumalapit sa pinto.

"Naku'ng bata ka... bawal matulog kapag magtatakip-silim,"panenermon ni Mama.

Alas-sais pasado na nga nang tignan ko ang oras sa aking wall clock. At madalas itong sinasabi sa akin ni Mama na bawal daw ang matulog kapag hapon o kaya'y magtatakip-silim. Napakamot pa ako sa ulo dahil sa realization pero huli na din. Nakatulog na ako ng mahimbing.

"Sumunod ka sa baba, kakain na tayo. Luto na ang ulam na niluto ko,"at agad din bumaba si Mama.

Napakurap pa ako dahil sa antok na nararamdaman. Nakapagtataka din kung bakit sobrang aga namin maghapunan ngayon. Ano kayang pumasok sa ulo ni Mama at nakapagluto ng maagang hapunan? May tanong man sa isip pero agad na din bumaba, mahirap na't baka masigawan pa.

"Tumawag ang Tita Jo mo, kinakamusta ka,"bungad ni Mama habang nasa gitna na kami ng hapag-kainan.

Naglagay muna ako ng kanin sa plato, at hinarap si Mama. "Ano pong sabi?"

"Ayos lang naman tayo dito. 'Yun lang naman e,"

"Si Jiso po, nakausap niyo?"naging excited ang tono ng pananalita ko.

Si Jiso ang batang kapitbahay namin no'n. Bata pa din sila nang umalis dito at lumipat sa Romblon, doon na siya pinag-aral ni Tita Jo. Hindi na kami nagkita mula noon at tanging sa phone calls nalang nagkakausap. Sa palagay ko binatang-binata na talaga 'yun, at syempre miss ko na din.

Natapos kaming kumain. Ilang saglit lang akong nagpahinga sa sala at nauna nang nagpaalam kay Mama. Hindi pa naman ako inaantok sa panunuod pero gusto ko lang na ihiga ang aking katawan.

Nihiga ko ang katawan sa aking kama saka nagkulikot ng cellphone. Agad akong napangiti ng makita ang text ni Ace, ngumiti ako dahil papaano alam niya na kung paano magreach out.

Ace:
Thank you kanina. May kasama ako kanina sa lunch, sorry hindi talaga ako nakipagkwentuhan sa inyo

Ako:
Ano ka ba? Ayos lang! Si Ara maingay talaga 'yun alam mo naman kapag nasa klase diba?

Nagsent na ang message ko at nagtipa akong muli.

Ako:
Kumusta ka na?

Agad-agad din siyang nagreply. Napalawak pa ang ngiti ko dahil nararamdaman ko din kahit paano ay maayos na siya.

Ace:
Nag-usap na kami. Salamat pala sa'yo! :>

Nagblush ako nang mabasa ang reply niya. Ang saya ko ngayon dahil sa goodnews ang mensahe niya.

Ako:
Sabi ko naman sayo kaya mo yun eh

Ace:
Thanks! Ililibre kita sa Lunes

"Oh shit!"

Dumulas ang pagkakahawak ko sa aking cellphone at diretso itong tumama sa mukha ko. Sobrang sakit ng ilong ko at pakiramdam ko'y napuruhan talaga ng todo. Paano kasi si Ace, ililibre niya daw ako e!

Tinapos ko na din ang text namin sa isang goodbye. Nag-iinit pa din ang pisngi ko sa huli niyang mensahe. Minabuti ko na lang ipikit ang mata at kahit mahirap, pinilit kong matulog.

Ang bilis lang nang pagdating ng araw at Lunes na naman ngayon. Late akong dumating sa fla ceremony, first time kaya bukod sa hindi ko alam ang gagawin, nahihiya ako. Bakit kasi ako ginising ni Mama? tapos 'yung alarm ko, hindi ko pala na-set kagabi! Hays!

Kung may invisibility power lang ako, siguradong wala na ako sa ulupong ng mga estudyanteng pumipila sa tapat ng flag pole. Kakanta ulit kami ng Lupang Hinirang, 'yung magkukumpas kapwa ko din estudyante. Mabuti nga't hindi ako ang napili, kilala pa naman ako ng ibang babaeng dahil kay Ace. Nasa gitna ang field na kinalalagyan namin, at ang pakiramdam ko ay an daming mga mata ang nakatuon ang atensyon sa akin. Sobrang nakakahiya talaga o dahil hindi lang ako sanay. Pero parehong nakakahiya  ang dalawa rason. I-che-check ko na talaga ang alarm ko bago matulog, ayaw ko na maging late.

Her POVWhere stories live. Discover now