Chapter 11: Possibility

1 1 0
                                    

"Pa'nong late bes?"pang-aasar ni Ara.

Kakapasok ko palang sa loob ng classroom, asar agad ang sasalubong sa akin. Tinampal ko siya sa braso saka nagmadaling umupo. Nakakahiya sa klase, late na nga tapos haharapang pa sa harap.

"Tuloy mo lang 'yan. Masasapak kita,"inis kong sabi kay Ara.

Agad niya na ding ni-zip ang bibig. 'Yung tipong kahit paghinga sa bunganga, hindi na makakalabas. Kinuha ko ang notebook at hinabol pa ang mga nakasulat sa blackboard.

"Pakopya ako ng iba, ha?"hindi ako tumitingin kay Ara, patuloy lang sa pagsulat.

Hindi siya kumibo kaya napatingin ako sa kanya. Nakazipped ang bibig niya at mukhang takot na magsalita.

"Okay na. Sorry,"sinabit ko ang buhok niyang nagkalat sa kanyang tenga.

"Ayaw ko din masapak no! Oo, papakopyahin kita ng mga nasulat ko,"sambit niya. Nagpasalamat ako sa kanya. At nagpatuloy lang sa pagsusulat hanggang sa nag-break time na.

"Bes, tara sa canteen,"nagmadali si Ara sa paglakad pero napatigil din siya ng hinarang ni Ace.

Oh my!

Naalala ko ang napag-usapan namin ng nagdaang araw. Oo, tama! Manlilibre pala ang lalaking 'to. Nilayo ko ang paningin sa kanila pero nanatiling bukas ang tenga sa pag-uusap nila. Hindi naman gano'n kalayo ang distansya nila sa akin kaya malinaw kong naririnig ang sinasabi nila.

"Hi, Ara! Pwede ko bang mahiram si Kelly sa'yo?"dinig kong tugon ni Ace.

Nakakablush naman!

"Ha?"napanganga pa habang kunot ang reaksiyon ng noo ni Ara. Wala talaga siyang ideya, hindi ko pa nasasabi sa kanya pero mukhang doon na din ang punta nitong usapan.

Napatingin si Ara sa direksyon ko kaya lumapit na din ako. Kalmado lang kahit may kunti kaba akong nararamdaman.

"Tara na! Libre na kita,"bakas sa boses ni Ace ang excitement.

Napatango na lang ako at sumunod sa mga halbang niya. Naiwan ko tuloy si Ara na magulo ang kaisipan.

"I'll explain later! Sorry,"habol na sambit ko. Kumaway ako kahit alam kong magkikita pa din kami sa canteen. Naku! Napakamot ako sa ulo. Bahala na kung anong gawin ni Ara sa akin mamaya.

"Burger gusto mo?"turo ni Ace nang makarating na kami sa canteen.

Napakalaki ng burger na naroon. Mahirap ubusin kahit isang piraso lang. Healthy burger naman dito kaya pumayag ang canteen na magtinda ng ganito.

"Okay na 'yan!"pakli ko. Hindi ko bet ang burger ngayon, pero hindi ko naman pwedeng tanggahin ang offer niya. Siya na nga'ng nanlibre tatanggihan ko pa, nakakahiya kung gano'n ang gawin ko.

Isang burger at shake ang inabot niya sa akin. Naupo kami sa mesa at doon kumain. Masarap naman ang lasa ng burger, nakaka-tatlong kagat palang ako, pero feeling ko busog na ako. O kaya dahil lang sa kaba na meron ako ngayon, kaya pakiramdam ko ang bilis kong mabusog? Lalo pa akong kimabahan ng pumasok si Ara, nakataas ang mga kilay, at tutok sa amin ni Ace. Jusko!

Nasa akin pa rin ang atensyon ng mga babaeng estudyante sa loob ng canteen. Hindi dahil sa maganda ako,  kundi dahil kasama ko si Ace. 'Yung ultimate crush nila, na may crush sa akin... noon. Ang haba ng buhok ko!

"Pwede naman sa room na lang natin 'to kainin,"suggestion ko.

"Bakit? Ayaw mo dito?" nagtatakang tanong ni Ace.

Umiling ako. "Hindi! Mukhang mabubulunan ako dahil sa dami ng tumitingin sa atin, este, sayo!"

Naglibot ang tingin ni Ace saka niya narealize ang sinasabi ko. Tumayo na din kami agad at lumabas ng canteen. Pero ang mokong na 'to balak pa din palang magpapansin. Kumakaway pa at panay ang ngiti sa mga babae.

Papasok na kami ng room pero huminto muna ako saglit at nilingon siya. Nasa hulihan ko pa siya kaya huminto na din siya.

"Salamat sa libre,"ngumiti ako.

"Ayos lang! Pasok na tayo,"aya niya.

Umiling ako. "Mauna kana. Kailangang mauna ka at hindi tayo magkasabay, may mapapansin sila kung sabay kasi tayong pumasok, di ba?"

Gaya nga ng sinabi ko, naglakad siya hanggang marating niya ang pinto ng classroom at nagmadaling pumasok. Sumunod din ako nang ilang saglit, at nadatnan kong wala din reaksiyon ang klase... maliban kay Bes Ara... nagtataray na agad ang kanyang mukha.

"Uuwi ako sa lunch!"matigas na sabi niya.

Napakunot ang noo ko. Wala akong alam kung bakit sinabi niya 'yon!

"Ha? Edi wala akong kasama mamaya?"panghihinayang ko.

"Si Ace, libre naman,"mataray pa din ang awra niya.

Gets! Nagseselos lang pala talaga ang bestfriend kong 'to!

"Gagi! Wag kana umuwi!"pagpipigil ko sa kanya.

"Wait. Pag-isipan ko lang,"sambit niya.

A FEW HOURS LATER...

"Sinigang na lang daw sabi ni Ma'am Isabel. Ta? Okay na 'yun?"si Ara ang nagsalita, mabuti't napapayag ko siyang hindi na umuwi kung hindi, mag-isa talaga akong kakain ng malungkot.

Tumango ako at humanap na ng pwesto para sa aming dalawa. Meron naman libre, kaya doon ko nalang nilagay ang mga bag namin.

"Hoy babae! Kanina ko pa talaga gustong i- open up 'to sa'yo, kaso may klase e,"awtomatikong sabi niya ng makaupo na.

"Okay. Okay. I-explain ko na! Teka.. iabot mo muna 'yung ulam ko," naglahad ako ng kamay at dinawat din ang ulam kong sinigang.

"Bilis! Buong kwento ha?! Walang labis, walang kulang,"may aksyon pa siya habang sinasabi niya 'yon.

"Eto na nga!"ani ko at nagsimulang magkwento.



"Feel ko, mafafall ka talaga kay Ace! Kumusta na lang kaya ang mga promise mong 'no boyfriend until I'm not degree holder', aber?"pag-papaalala ni Ara sa akin, mukhang ako ang sapul ngayong araw.n

"Hotseat ba 'to? Tito Boy Abunda, ikaw ba 'yan?"natatawa kong sabi.

"Pero... baka lang kasi,"pagpipilitan niya.

Napangiti na lang ako pero totoo deep inside, may ganoong instinct akong nararamdaman. Pero kahit ano pa man 'yun, kailangang i-set aside, dream over dream guy. Isa pa, I am too young for this thing. Kung paglandasin man kami ni Ace, tadhan na 'yun sa mga susunod pang taon. Pero ngayon, hindi ko pa iniisip ang mga bagay ma gano'n.

"The only fact that I know, possibleng magiging crush ko lang si Ace,"depensa ko kay Ara at nagpatuloy na kami sa pagkain.

Her POVWhere stories live. Discover now