Chapter 8: Flawed

2 1 0
                                    

Almost everyone believes that every man should be strong and brave, pero para sa akin hindi lahat. Hindi dahil sa against ako para sa mga paniniwala at norms ng tao pero base sa mga nasaksihan ko kanina sa reaksyon ni Ace, doon ko masasabing may kahinaan din sila.

Hindi ka talaga makakapaniwala sa kwento ng buhay ng isang tao. Kagaya ko, katulad kay Ace na masayahin ay mayroon din palang mga sakit na tinatago.

My family is breaking...

Paulit-ulit pa din ang sinasabi niya sa isipan ko.  Ramdam ko ang sakit ng sabihin niya 'yun. Hindi ako makapaniwalang masyado na palang mabigat ang dinadala niya sa kalooban. Kinuha ko ang aking cellphone at agad na ni-text siya. Umaasang kahit sa message lang ay magkwento din si Ace. Natatakot ako kung saan pa pwedeng humantong ang lahat ng ito.

Ako:[i'm here kapag gusto mo lang magkwento]

Agad kong ni-send ang message. Yes, itong pagtetext-text nga nalang ang isa kong pwedeng paraan makapag-communicate sa kanya. Inantay ko ang reply niya pero mukhang hindi niya gagawin 'yun. Muli akong nagtipa ng mensahe.

Ako:[hoy! Basta, nandito lang ako if ever kaillangan mo ng kausap]  

My message sounded like I am a friend to him. Napatingin ako sa orasan sa may kwarto. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi, pero baka kaya hindi na nakapagreply si Ace ay dahil tulog na o kaya ayaw talaga. Napikit ako habang nahiga sa kama. Iniisip ko lang naman kung paano ko na naman siya kakausapin bukas sa school. Napapansin kong sobra akong apektado sa kanya, kaya napatanong din ako sa sarili kong tama pa ba ang ginagawa ko. Tama nga ba 'to? O masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya?

Binaybay ko ang hagdanan pababa sa sala. Naririnig ko pa naman'ng umaalingawngaw ang TV, malamang nanunuod pa din si Mama. Gusto ko lang naman i-share sa kanya ang nangyari ngaying araw, at magtanong sa kanya tungkol sa mga bagay- bagay.

"Hindi ka pa pala natutulog? Gabi na kaya,"paalala niya nang makita agad ako. Patay na ang ilaw sa baba at tanging liwanag lang ng TV namin ang nagbibigay ng ilaw sa sala. Gusto kasi ni Mama na patay ang ilaw kapag siya lang ang nanunuod plus volume 3 na electric fan para iwas-lamok.

"Hindi pa din po ako makatulog. May itatanong lang din ako sa'yo,"naupo ako sa tabi niya.

Kinuha ni Mama ang remote at sadyang hininaan ang volume ng TV. Hindi pa man malalim ang gabi ngunit medyo malakas na din ang tunog nito. Isa pa, nag-uusap kaming dalawa. Baka hindi niya marinig ng maayos ang sasabihin ko, di ba?

"Tungkol sa school?"tanong niya pero hindi inalis ang paningin sa telebisyon.

"Hindi po. Tungkol sa classmate ko,"mahinang sambit ko.

"Bakit? Ano 'yun?"

"May classmates kasi akong lalaki... tapos... uhm... may family problem. Kinausap ko po siya tungkol do'n at nagadvice! Kinumusta ko na din kanina sa text, off-limits na ba ako, Ma? I mean, sobrang pakialamera ko na ba sa buhay ng kaklase ko?"seryoso akong nagkwento kay Mama. Napatingin na siya ngayon sa akin at gulat dahil sa narinig mula sa akin.

"Kelly, tama lang ang ginawa mo! Mas mabuti nga'ng kinumusta mo na 'yun. Baka mamaya iba na ang pumasok sa isip at malaman na lang natin na nagpakamatay na dahil sa bigat ng problema, di ba? Kaya tama ang ginawa mo,"paliwanag ni Mama na nagpagaan sa damdamin ko. Nakaramdam ako ng kakampi at safety sa mga sinabi niya. Tama! Walang mali sa ginagawa ko!

Napangiti ako at napayakap sa kanya. I feel safe kapag nasa tabi ko si Mama. Siya lang ang meron ako kaya ti-ni-treasure ko ang lahat ng bagay na nang nangyayari sa amin. She's good at advicing someone, kaya alam kong tama na pakinggan at sundin ko ang sinabi niya.

The next morning, late pa din si Ace na dumating sa school. Kaya mas lalong lumalakas ang loob kong kausapin pa siya dahil kung magpapatuloy pa ang problema niya, hihilahin siya nito pababa. Masasayang ang pinaghirapan niya. Paano ang kanyang academics kung lagi siyang lutang sa klase? So on and so far, do'n na din ang bagsak kung hindi pa 'to puputilin.

Nakita kong kinampayan siya ng advicer namin. Napapansin din siguro nito ang pagkalate ni Ace nitong nagdaang mga araw. Umupo siya sa tapat ng mesa ng guro namin at doon sila nag-uusap. Seryoso ang kanilang pinag-uusapan dahil sa kunot ang noo ni Ma'am habang nakikinig kay Ace. Malayo ang distansya ko sa kanila dahil nasa first row pa ako kaya hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. Ngumiti na lang ako nang magtama ang mga mata namin ni Ma'am. Masaya lang akong may panibago naman akong kakampi at siya 'yun! Isa pa din siya sa tutulong sa kung anong problemang kinahaharapan ni Ace.

"Lingon ng lingon? E di ba dati, hindi mo ginagawa 'yan? Mamaya stiffed neck abok mo," pang-aasar na naman ni Ara ng mahuling palagi akong tumitingin kay Ace sa likurang bahagi. Gusto ko lang makita siya sa bawat segundo, kung anong ginagawa niya o kahit ano. Lingid kasi sa kaalaman ng iba, ilan lang din ang nakakaalam sa nararanasan ni Ace.

"Ibang usapan naman 'yon! Alam mo naman binabantayan ko si Ace, may problema 'yan,"paliwanag ko kay Ara. Kailangan kong i-direct to the point agad dahil kung hindi dadagdagan niya pa ang pang-aasar sa akin.

Lumaki ang mata ni Ara dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwalang may problema pala si Ace. Hindi ko pa muna pwedeng ikwento sa kanya hangga't hindi ko pa alam ang "totoong kwento" kaya kailangan ko si Ace na makausap. Maari kasing kumalat sa campus, at baka lalo niya pang problemahin ito, hindi natin alam.

"Hindi ko alam. Kaya pala gano'n ang ganap niya ngayon! Nakakalungkot naman,"pagkadismaya ng aking kaibigan. Hindi na kami muling nag-usap bagkus itinuon na namin ang paningin sa harap at dahil magsisimula na din ang klase.

Her POVWhere stories live. Discover now