Chapter 20:

6 1 0
                                    

The long wait is over! Huling araw na lang namin magkaklase na magkasama at magbabakasyon na. Napakapagod ng nangyari kahapon sa aming recognition day, pero worth it pa din ang paghihirap ko buong taon dahil sa dami nang natanggap kong awards. Kasama ko sina Ace at Ara sa mga nakatanggap ng maraming parangal. Halos lahat naman kami nag-effort ngayon taon, sa pagreview para tests at quizzes at sa lahat-lahat, kaya sobrang saya namin sa success na naranasan.

Kasalukuyan kaming nasa stage ngayon, bumalik kami para magligpit at maglinis ng mga ginamit namin na tela. 'Yung ibang  mga kaklase ko, nagsimula nang maghakot ng mga upuan pabalik sa mga classroom, pero kami, naka-toka sa stage para magligpit dito.

Maaga pa kaming bumalik kanina para sana maaga din matapos pero hanggang ngayon, narito pa din kami. Sadyang napakarami talagang kailangan gawin dito, at mukhang mahahapunan pa kami.

Tanghali na at pinatawag na din kami ng aming guro para sa lunch. Sponsor daw ng school ang tanghalian namin para sa kung sino pang bumalik na estudyante at tumulong. Libre naman kaya napagdesisyunan na namin na dito nalang kumain.

"Saan ka magbabakasyon, Kelly?"si Ara ang nagbukas ng usapan. Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain ng magsalita siya.

"Uh... Hindi ko pa alam. Pero baka sa probinsya ng mga Tita ko,"hindi ko pa din kasi alam kung anong plano ni Mama. Hindi pa din kami nakakapag-usap ni mama tungkol do'n.

Syempre, hindi din nakalampas si Ace kay Ara na tanungin siya. Sinabi lang naman niya na baka sa bahay lang din nila siya magbabakasyon. Okay na daw ang magkaroon ng quality time ang pamilya nila. Napangiti habang kumakain dahil sa sinabi niya. Atleast ngayon, masaya na siya't nalampasan niya ang naging dagok sa pamilya niya.

Nagkwentuan pa kami ng ilang topics tungkol sa bawat buhay namin at plano ngayong bakasyon.  Napagplanuhan din ng grupo ang get together pero kapag nasa Fourth Year na daw kami next year.

"Next year na lang! Dito ka naman mag-aaral, di ba?"hinarap ko si Ara para hintayin ang sagot niya.

Days had passed until the school break started. Gaya nga ng plano, nagbakasyon kami ni Mama sa probinsya. Sa Probinsya nina Tita Jo. Doon niya kasi gustong magbakasyon kaming mag-ina. At dahil hindi na din iba ang turing nila sa isa't-isa doon na nga kami pumunta.

It took four hours of travelling in bus to reach our destination right from the airport. Pagod na ang katawan ko sa tagal ng byahe bago namin narating ang bahay nina Tita Jo. Nahirapan pa kaming hanapin ang bahay nila, mabuti na lang at ni-guide niya din sa pamamagitan lang ng phone calls. Nakarating na daw si Mama dito noon, ng dalaga pa sila ni Tita Jo, pero nalimutan niya na ang lugar dahil sa tagal na din ng taon na lumipas.

First time ko dito sa Romblon kaya parang iba ang feels ko. Agad agad ko din na-miss ang bahay namin. Katulad sa Palawan, maraming rice fields din dito at iba pang sakahan. Puros green fields din ang nakita ko habang nagbe-byahe.

"Kelly! Ang Tita Jo!"

Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay ni Tita. Patuloy lang kasi ako sa paglingon-lingon sa paligid, ni hindi ko nga narinig ang boses ni Tita na tumatawag sa amin.

"Kelly? D'yos ko, ang laki mo na! Tara... tara na sa loob!"bakas sa boses ni Tita ang excitement na makita kami. Halos mangiyak na siya ng tignan ko ang kanyang mata.

Ngumiti na lang ako at sumunod sa kanila. I really miss Tita Jo too!

"Mare, dalaga na pala talaga 'tong si Kelly! Ang laki at ang tangkad, ha?"hindi pa din magkamayaw si Tita sa akin. Nahihiya na tuloy ako sa kaniya. Si Mama naman ay puros tango na lang ginagawa.

Matapos namin mailagay ang mga bagahe sa isang kwarto, bumalik na kaming muli sa sala nila. At katulad ng madalas na mangyari no'n, nagkwentuhan na si Mama at Tita ng mga nangyari sa kanilang buhay.

Ilan taon na din ang lumipas simula ng umalis sila sa amin. Maraming mga nangyari sa buhay namin na hindi nila nalaman. Maraming kwento din ang dumaan na hindi nakarating sa kanila. Kaya tama lang na iwan ko muna ang dalawang 'to para makapag-usap ng maayos.

Pagod pa din ang katawan ko, at naghahanap pa din ng pahinga. Kaya mas pinili kong bumalik sa kwartong 'yon matapos magpaalam sa kanila.

Matapos kong magpalit ng damit ay nahiga na ako sa kama. Ginawa ko na lang ulunan ang mga bag na dala namin. Mukhang hindi pa din ginagamit ang kwartong iyon kaya wala ibang gamit. Mukhang ka-re-renovate lang din ng kwarto kaya malinis at wala pang ibang nakalagay sa loob.

Agad naman niyakap ng kama ang katawan ko ng lumapat na ito. In that moment, I feel I am at home. Ventilated ang kwarto at ang malakas na hangin ng habagat ang nagpapalamig sa kwartong 'yon dahilan para lalo akong dalawin ng antok.

"Tita! Nandito na pala kayo? Anong oras po kayo dumating?

Naalimpungatan ako sa boses na narinig. Hindi man ako siguro pero alam kong pamilyar ang taong nagsalita sa akin. Nasa labas lang sila at hindi ko makita kong sino s'ya. Hindi pa man ako nakakabalik sa huwisyo, pinilit kong idinilat ang aking mata. Antok pa din ako, pero may kung anong pumasok sa isipan ko para maging interesado sa narinig.

"Sinong pong kasama ninyo?" mula sa boses ng lalaki iyon. Napatayo na ako sa kama ng marinig ang boses ni Mama. Tiyak naman akong si Mama ang kinakausap niya.

"Si Kelly,"sambit ni Mama.

"Si Kelly po?"may galak ang boses niya ng sabihin ang pangalan ko. Halatang hindi siya makapaniwala base sa tono ng pananalita niya.

"...oo. Nasa kwarto siya, nga lang nagpapahinga pa. Napagod sa byahe namin,"sabat ni Mama.

Bigla na lang akong kinabahan sa narinig. Plano ko pa sanang lumabas na, pero parang mga tuod ang paa ko't ayaw gumalaw para maglakad. Dahil sa kaba, pinilit kong muli mahiga.

I'm not ready.

For how many years passed...

Am I ready to see childhood friend now?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her POVWhere stories live. Discover now