Chapter 1: Just Gossips!

23 1 0
                                    



"Totoo ba talagang nanliligaw si Ace sa'yo? Balita ko lang, ha?"sinipat ni Ara ang braso ko para madivert lang ang atensyon ko sa kanya.

"Ha? Sa'n mo naman narinig 'yan?"sinipsip ko pa ang kabibili ko lang na juice. Nasa canteen kami ngayon ni Ara, break time kaya ito talaga ang madalas naming pinupuntan. 'Yun nga lang magastos!

"Te, kalat na kalat na sa room natin! Baka nga buong campus na ang nakakaalam," malakas na sambit niya kaya napatingin din sa amin ang ilang mag-aaral na malapit sa amin.

"Shh. 'Wag mo nga'ng lakasan ang boses mo! Baka marinig tayo,"nilapit ko ang mukha ko kay Ara para tanging siya lamang ang makarinig.

"Sasabihin mo na ba? Oh my gosh, I'm excited! So ano nga?"halos magtitili na si Ara dahil hindi niya na din makontrol ang kapanabikan.

Totoong nanliligaw sa akin si Ace. Actually, magdadalawang linggo na simula nang i-chat niya ako sa facebook. Hindi ko alam kung paano niya ako nakilala basta ang bilis lang nang mga pangyayari at ngayon nanliligaw na.

"Kelan mo balak sagutin?"

"Hindi ko pa alam. Bakit ba napakainteresado mo? Tsaka wag ka ngang maingay,"binalik ko ang pagsipsip sa straw.

"Weh? Hindi alam! Pero baka mamaya mabalitaan kong kayo na pala! Naku, Kelly ha!"paninermon niya sa akin.

Nanliligaw sa akin si Ace pero hindi ko pa alam ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil masyadong mabilis ang pangyayari, ayaw ko naman sasagutin ko siya ng hindi ko naman talaga siya gusto. Ayaw kong isipin ng iba na sinagot ko lang siya dahil kilala sa campus namin.

Tumunog ang bell ng school hudyat na tapos na ang aming break time. Nakita ko pa kung paanong bigla nalang hinigop ni Ara ang natirang juice na binili namin kaya't halos mabulunan na.

"Sayang pa 'yun! Ang mahal kaya ng juice, twenty pesos, diba?"defensive na sagot niya tapos ni-shoot sa basurahan malapit sa amin ang basyo. "At alam mo na, bawal ang pagkain sa klase ni Sir James,"dagdag niya.

Mabilis din naming narating ang susunod na klase. Naroon na ang mga kaklase namin, tanging kami nalang ni Ara ang hinihintay.

"Sorry,"nagmadali akong umupo. Nakakahiya dahil sa amin na ang buong atensyon ng klase. Hindi naman kami sabing na huli na, sadyang hot seat lang talaga namin.

Nagpatuloy ang klase namin sa Physics. Nakakaantok ang klase dahil puro sulat lang ang pinaggawa ni Sir James. Dagdag pa dahil busog ako sa mga kinain namin ni Ara lalo na 'yung juice.

Inikot ko ang paningin sa buong classroom. Abala ang lahat sa pagkopya ng mga isinusulat sa blackboard. Wala namang kaaya-ayang tingnan at tanging pagihip lang ng hangin ang aking nararamdaman hanggang sa magtapat ang paningin ko kay Ace.

Nakatingin din siya sa akin at unti-unting lumalapad ang ngisi sa kanyang pisngi. Kumukurap kanyang mga mata at for sure nagpapa-cute sa akin.

Inirapan ko siya at ibinalik ang paningin sa harap. Mabuti na lang at nandito ako sa unahan at nasa dulo siya. Atleast, hindi na ako matetempt na tignan pa siyang muli. Ace is handsome, no doubt. He's good companion, magaling sa academics, popular and everything else. Pero hindi lang naman iyon ang rason upang sagutin ko siya. The reason should be that I am falling in love to him.

Natapos ang klase namin. Last subject ang Physics sa klase namin sa umaga. Tinignan ko ang aking cellphone para i-check ang oras. 11: 48. Nagmadali kaming tumungo ni Ara palabas ng gate, nakikipag-unahan sa grupo ng mga estudyante.

"Hindi na kayo elementary students para paulit-ulit na sabihang huwag magtulakan kapag nasa gate, di ba?!"bulyaw na naman ni Manang Dor, ang pang-araw na guard namin.

Medyo naging payapa ang mga estudyante. Actually, First year students lang naman talaga ang magugulo. Siguro dahil isip bata pa sila o ano, kaya ang titigas ng mga ulo. Pero kaming mga third year students medyo maayos-ayos na din.

Hinila ko si Ara kaya tuluyan na kaming nakalabas ng gate. Pawis na siya ng tignan ko at parang nahihilo. Siguro dahil na din sa init at ingay ng pakikipagsiksikan.

"Ayos ka lang ba, Ara? Namumutla ka,"pag-aalala kong tanong.

"Okay na ako. Masikip lang kasi kanina kaya nahirapan akong huminga. Pero... okay na ako!"kinuha niya ang panyo sa bulsa ng palda at pinunas sa kanyang mukha.

Kung hindi lang naman kasi namin kailangang mauna, hindi na kami makikipagsiksikan sa bilang ng mga estudyante. Kaso nga lang, kailangan dahil kapag huli kami. Wala na. Wala na kaming makakainang canteen sa labas. Or else kaya kailangan pang maghintay, bale second batch na.

Pasalamat na lang at nauna kami. Kaya ngayon, nakangiti kami ni Ara habang papasok sa canteen ni Ma'am Isabel. Limitado lang kasi ang canteen sa labas ng school. 'Yung canteen naman sa loob, mahal ang mga ulam kaya mas pinipili ng mga bata kung saan ang mura. Mas mura, mas makakatipid.

Suki na kami ni Ma'am Isabel. Hindi siya guro pero nakasanayan na siyang tawaging "Ma'am" ng mga kumakain doon. At dahil sa parang gusto niya din kaya nagtuloy-tuloy na.

"Adobong manok po, dalawang piraso,"magalang na sambit ni Ara. Kailangang mabilis kung hindi mauubusan kami ng o-order'ng ulam. Ayaw naman naming kumain ng noodles na Homi o Maggie.

Matapos makuha ang ulam, nakahanap na din ako ng table namin. Nakakalungkot lang dahil may nauna nang umupo sa paborito naming mesa kaya napilitan na akong maghanap ng bakante. Mabuti't mayroong dalawa pa sa dulo. Nilapag ko na ang bag namin, kumuha ng utensils pati pitsel ng tubig at baso. Kailangang nasa harap na namin para hindi na kailangan tumayo pa.

"Ara, dito tayo,"turo ko sa kanya. Naupo na ako habang pinagmamasdan siyang papalapit bitbit ang dalawang platito ng ulam. Kaya niya naman kaya hindi na ako tumayo para tulungan siya.

"Hoy! Kelly, bakit hindi nalang dito kumain sina Ace at barkada niya?"biglang tanong ni Ara habang binubuksan ang takip ng lunchbox niya.

"Shunga! Mayaman 'yun si Ace! Umuuwi siya kapag tanghali, nalimot mo na?"natatawa ako habang sinasabi iyon.

"Wow. Alam na alam ah,"sarkastikong reply niya sabay subo.

"Ikaw lang nga ang hindi nakakalam. Kumain ka na nga lang,"sambit ko.

"Umuuwi pala siya?"tanong niyang muli. Napaayos siya ng sarili.

"Oo nga. Ang kulit mo,"tinignan ko siya at dahil magkaharapan kami, nagawa ko siyang tarayan ng sagad.

"Eh sino pala 'yun? 'Yung umu-order?"matigas niyang sabi.

Napalingon naman ako sa bandang cashier. Nandoon siya at nag-aabot ng bayad. Nagulat ako at may kasamang hiya sa sinabi ko Ara dahil sa nakita ko ang imahe ni Ace.

"Siguro nga mali ako, Ara,"

Her POVTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon