Chapter 7: Reach Out

3 1 0
                                    

"Here he comes,"sambit ni Ara. Napatingin din ako sa bintana ng marinig 'yun. Napangiti ako sa di alam na kadahilan nang makita ko siyang nagmamadaling tumakbo papunta sa room namin. Pawisan na siyang dumating. Halatang naghahabol talaga sa oras. Hindi pa din naman nagsisimula ang klase. At malamang, hindi din siguro napansin ng iba 'yung pagdating niya.

Nabuhayan ako ng pag-asa ng makita siya. Mabilis ko lang binaybay ng paningin ang imahe niya at binalik din agad ang tingin sa blackboard nang makitang umupo na siya sa kanyang silya.

"Sabi ko sa'yo e! Tiwala lang, dumating din,"bulong ni Ara sa akin.

Mabilis lamang ang takbo ng oras sa klase namin. Hindi ko namalayang last subject na lang pala kaya unti-unti na akong kinakabahan para mamaya. Natapos ang klase namin sa Consumer Chemistry kaya agad na din nagsiuwian ang mga kaklase ko. Ang nakakainis pa ay pinalinis ang cleaners namin ngayong araw, kasama pati ako do'n.

Padabog akong nagwalis sa loob ng classroom. Mahina lang naman, 'yung tipong ako din lang ang makakakirinig. In short, masama ang loob ko. Malas pala talaga ako! Hindi ko alam kong nakauwi na ba si Ace. Sayang na naman ang araw kung hindi ko pa din siya makakausap. Minadali ko ang pagwawalis, halos wala pang sampung minuto ay tinapos ko 'yun. Iniwan ko pa ang iba kung kasamahan, nagtataka kung bakit ako magmamadali. Basta't bahala na sila, babawi na lang ako sa susunod.

"Una na ako, guys!"paalam ko sa kanila. Promise naman na babawi ako next time.

Binaybay ko ang pathway pababa. Halos wala nang estudyante akong makita. Lakad-takbo na ang ginawa ko para lang magbakasakaling nandoon pa din si Ace at makakapag-usap kami.

Pero mukhang wala na. May mga namataan pa akong grupo ng kalalakihan malapit sa gate. Palabas pa lang sila, at dinig ko ang mga tawanan nila. Wait? Mga kaklase ko pa 'yun ah! Tsaka... mga barkada ni Ace 'yon! Palabas na sila na talaga sila ng gate. Mga anim sila sa natatanaw ko, hindi pa naman madilim ang kapaligiran pero medyo malayo pa ang agwat ko sa kanila para makita sila ng klaro. Isa pa, lahat sila'y nakasuot ng uniporme at same height. Hindi ko alam kong nandoon pa ba si Ace o kasama ba nila siya. Hindi ko na sila maabutan kung hahabulin ko pa sila, kaya iisa na lang ang naiisip kong paraan.

" Ace!"buong lakas kong inipon ang boses at sumigaw ng walang pagpipigil. Naisip ko pa kung OA ba ang ginawa ko dahil sa lakas ng pagsigaw.

"Ace! Sandali!"bahala kong anong isipin nila at ni Manong Guard.

Nakita kong lumingon silang lahat sa'kin. Ilang segundo din lang ay naglakad na palabas ng gate. At wala man lang response akong napansin. Akala ko wala siya doon dahil nagpatuloy lang silang maglakad, pero mayamaya ay nakita ko ang isa na nagpaiwan.

"Nandoon siya," napangiti ako bigla at nilakad na lang hanggang makalapit sa kanya. Nawala na lahat ng hiya sa pagtawag sa kanya pero hindi ang nararamdaman kong kaba. Habang papalapit, lalo din lumalakas ang kabog ng aking dibdib.

"Hi..."nahihiya kong bati nang makalapit na sa kanya. Ang akward lang magbitaw ng salita dahil hindi ako sanay na kausap niya. Miski siya'y ramdam din ang nakakailang sa pagitan namin.

"May kailangan ka sa akin?"normal ang boses niya. Pero hindi ko pinokus ang atensyon sa boses niya. Masusi kong pinagmasdan ang hitsura niya. May mga eyebags nang lumilitaw sa baba ng mata niya, kaya mas lalo akong napasigurong hindi siya okay.

"Pwede mag-usap tayo?"gusto kong lagyan ng diin ang pagtanong. 'Yung sana kapag narinig niya, susunod siya agad. Humakbang ako nang kunti palapit pa sa kanya. I just want to tell him that I am sincere for what I  have said.

"Sige. Okay na ba dito? May makakarinig sa atin,"sambit niya at ang guard ang tinutukoy.

Mukhang hindi naman namin naagaw ang atensyon niya. Nagsusulat siya ngayon sa record book niya kaya ayos lang kahit dito pa kami mag-usap.

Tumango ako at ngumiti. Salamat naman at pumayag siya.

"So? Anong sasabihin mo? Kung tungkol lang 'to sa gusto mong itigil ko na ang pagpapapansin sa'yo, okay na sa—"

"Hindi tungkol d'yan!"pagputol ko sa sinasabi niya. Hindi ko alam na hindi pa pala siya nakakamove on sa topic na 'yun. Natawa ako nang makita ang reaksiyon niyang hindi makapaniwala.

"Sorry. Akala ko tungkol do'n e,"paliwanag niya. "Ano bang sasabihin mo?"

Naubo pa ako bago nagsalita. Ano ba 'tong dila ko, feel ko na-frost na siya ngayon?!

"Okay ka lang ba talaga?"panimula ko. Kabado pa man din pero 'yun lang ang pwede kong gawin para magbukas ng usapan.

"Ano bang tanong 'yan?"napakunot ang noo niya. Cute pala siya kapag ganoon, isang bagay na agad kong napansin.

"Seryoso nga! Ayos ka lang ba talaga? Lately, actually, isang linggo na parang nagla-lay low kana, tapos nitong nagdaang araw, mukhang hindi ka na okay,"seryoso kong sambit. Tuloy-tuloy lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Hindi na siya nakatingin sa akin matapos niya akong marinig. Pilitin ko mang hulihin ang kanyang mata, sadyang malikot talaga ito. Kaya mas nagkakatotoo ang aking iniisip, hindi siya nasa maayos na kalagayan.

"Hindi ka okay, Ace. Na-fe-feel ko. Kasi, bakit nalate ka na, kahit hindi mo naman gusto 'yun di ba? Tapos... hindi ka na din masayahin sa loob ng classroom! Ano ba ang problema, Ace?"hindi ako magaling sa mga ganito ka-seryosong usapan pero patuloy pa din ako sa kakasalita. Hindi ko na naiisip kung tama pa ba ang sinasabi ko, basta lahat ng 'yun ay galing sa aking puso.

Namamasa na ang mga mata ni Ace ng tignan ko. At habang nakikita siyang ganoon, may dinadalang mabigat sa loob ng kanyang damdamin, unti-unti na din akong nasasaktan, dahan- dahan ay nararamdaman ko na ang nabubuong luha sa mga mata ko.

"Anong problema mo, Ace? Nandito lang ako! Alam kong wala ako sa posisyon magsalita sa harap mo pero makikinig ako sa'yo,"pilit ko pa din pinapakalma ang sarili. Ito ang ayaw ko sa aking ugali, mabilis akong maattach sa mga bagay, kaya mabilis din ako naapektuhan nito. Gaya sa kung paano ako naapektuhan sa nangyayari kay Ace.

"My... my family... is breaking,"'yung lang ang tanging salitang binitawan niya saka tumakbo palayo sa akin.

Her POVWhere stories live. Discover now