Chapter 5: Early Bird

4 1 0
                                    


Nakauwi na ako't lahat-lahat pero nandito pa din 'yung guilt sa puso ko. Hindi ako mapakali sa kama. Paikot-ikot lang ako pero ni isang saglit ay hindi nawala sa isipan ko ang nangyari. May kailangan akong gawin iyon ang sinasabi ng utak ko, kaya kahit labag sa kasunduan ko, kinuha ko ang aking telepono at nagtipa ng mensahe. Ito na lang ang maari kong gawin at makahingi man lang ng tawad sa kanya.

"Kasalanan mo 'to! Kaya ngayon magtetext ka na sa kanya,"bulong ko sa sarili habang nagtitipa ng mensahe.

Ako: [Pasensya ka na sa sinabi ko kanina! Nadala lang ako ng kainisan. Peace na tayo, ha?]

Wala nang dalawang isip at ni-sent ko na agad sa kanya. Nilapag ko ang cellphone sa aking tabi at nahigang muli. Hihintayin ko lang ang reply niya, tiyak magrereply naman 'yun!

Mahigit sampung-minuto na ang lumipas pero hindi pa din ako nakakarecieve ng reply niya. Nilalamok na nga ako sa kahihintay pero wala pa din. May balak pa ba siyang magreply back? Naku! Ang lalaking 'yun baka kailangan ko pa ulit magreply!

Muli akong nagsent sa kanya ng paghingi ng tawad. Hindi na ako muling nahiga bagkus lumabas ako sa kwarto para lang uminom ng tubig. Bigla akong nauhaw sa pagtitipa lang ng mensahe.

Hindi ko pa natapos ang paglagok sa baso nang flash na ang cellphone ko. May mensahe at mula na 'yun kay Ace. Agad kong binasa ang mensahe:

Ayos na 'yun! Sorry, last na 'yung pangungulit ko

Ilang beses kong binasa ang text niya para magsink in ng mabuti sa isipan ko. Pero habang paulit-ulit na akong nagbabasa, hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko. May kung ano sa loob ko na nalulungkot, na naaawa at nanghihinayang.

Nagulo na ang huwisyo ko kaya hindi ko alam kung kailangan ko pa bang magreply. Pero mas minabuti ko na lang na magtext back ulit. Nagpasalamat lang akong muli sa kanya at pinatay na ang aking cellphone.

"Bes Kelly, bakit kaya late si Ace? Malimit lang naman na late 'yun, di ba?"nagtatakang tanong ni Ara. Hindi ko pa nakukuwento ang mga nangyari sa akin nitong nagdaang mga araw.

"Ha? Oo nga e! Baka nalate lang magising,"alibi ko pero wala naman akong ideya kung bakit. Hindi naman siguro dahil sa nangyari kahapon? Oo nga, baka na-late lang ng gising!

7:00 na ng umaga nang dumating siya sa classroom. Usually, nasa range lang naman ng 6:00 to 6:30 kapag dumating siya kaya higit na mapapansin ang mga early birds kapag wala pa sa klase.

"Uy! Late si Mr. Early Bird, ah? Anong nangyari?"pambibiro sa kanya ng mga barkada niya. Ito talagang grupo ni Trolle, kaaga-aga pang-iinis ang ginagawa.

Tamang ngiti lang si Ace sa kanila. Pero dumiretso naman siya agad sa silya niya at naupo. Madalas ay nakikipag-usap pa siya bago makarating sa upuan pero ibang-iba talaga ang kilos niya ngayon. Napansin ko ang ibang reaksiyon ng klase, maski ang bestfriend kong si Ara ay napakunot ang noo sa galaw niya.

Tinapunan ko muna siya ng tingin bago binuklat ang textbook sa aking harapan. No new, still innocent Ace look pa din siya.  Tahimik siyang na nagbabasa ng textbook habang yakap-yakap ang bag. Nakakalito lang palang isipin na kapag ang galaw ng tao, ay nagbago, malaki pala ang chance na mapapansin 'yun.

"Ace?"boses ni Ma'am Sheryl, teacher siya namin ngayon at may pa oral recitation'ng nagaganap.

"Ace? Mr. Dumenguez?"tawag muli ni Ma'am She pero wala pa din response si Ace sa mga tawag nito.

Nakatingin lang siya at tulala sa tapat ng bintana. Pokus na pokus sa iniisip. Hindi niya pa din narinig ang tawag ni Ma'am hanggang tapikin siya ng katabi.

"Yes, po?"gulat na response niya.

"Ayos ka lang ba, Ace? Tulala ka ngayon, ah?"miski ang aming guro ay napapansin na din ang asta ni Ace ngayon.

"Opo. Opo. Ano nga po 'yun, Ma'am?"pagbabalik niya sa topic. Mas naging alert na siya ngayon at maaliwalas na ang mukha.

"Differentiate Convergence Plates and Divergence Plates,"sambit ni Ma'am.

Agad niya naman iyon na sagot. Na-amaze din halos lahat sa sagot niya. I mean, 'kompleto talaga ang sagot niya kagaya sa libro. Sadyang ang tagal niya lang makalimot, nakaraang araw pa kasi namin ni-tuckle, pero parang fresh pa din sa kanya 'yun.

Masayang natapos ang klase ni Ma'am Sheryl na sinamahan niya pa ng mga hugot na halos kami nakarelate at relatable naman sa topic namin. Napapahalakhak pa nga ang buong klase kapag nagpapatawa din ang ibang kong kaklase. May mga naghahagikhik pa din habang palabas kami ng classroom. Sinapo ng tingin ko si Ace. Nauna na siyang lumabas sa amin at seryoso ang mukha. Hindi ko nga siya nakitang natawa sa loob ng klase.

"May problema siguro si Ace,"panimula ko kay Ara. Hindi ko na kayang hindi pa ikwento sa kanya. Baka nagkaganoon si Ace ngayon kasi nasaktan talaga siya sa mga sinabi ko. Kaya gusto kong humingi ng advice kay Ara kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Hindi kaya epekto pa 'yan ng pagbasted mo sa kanya?"sabi niya habang nag-iisip ng malalim.

Natawa ako nang bahagya. Hindi talaga basta-basta ang naiisip nito si Ara, kahit kailan sabog ang mga ideya. Nasaan naman kaya dumalaw ang utak nito ngayon?

"Ano 'yun, late reaction lang?"sabat ko.

"Malay mo, di ba? At tsaka ano ba talaga ang nangyari? May ginawa ka ba? Nahihirapan na ako, ha?"sunod - sunod niyang tanong. Kahit siya nga'y, nahihirapan na din sa akin.

"Ganito kasi... nasabihan ko siya nang masama kahapon, dala ng kainisan kaya baka nasaktan siya sa mga sinabi ko! Pero humingi naman ako ng tawad sa kanya kagabi,"paliwanag ko.

"Nagmeet kayo kagabi?"

"Tss. Hindi! Text lang, baliw! Ta, anong gagawin ko? Kasalan ko ba kung anong nangyayari sa kanya?"nag-aalala kong sabi.

"Hala? Lagot!"gulat na sabi niya.

"Hoy! Bakit? Ako ba ang may sala do'n?"hindi na ako mapakali sa bench na inuupuan namin. Parang may kung anong kumikiliti sa mga paa ko.

"Oo, siyempre ikaw ang may kasalanan,"paninisi niya sa akin.

"So, ano nang gagawin ko?Tulungan mo ako, bes,"pagmamakaawa ko sa kanya. Feel ko isa na siyang santo kung hingan ko ng tulong.

"Puntahan mo kaya siya tapos kausapin ng sincere. Ayon siya o,"tinuro niya pa si Ace sa kabilang bench, malayo sa amin.

"Sure ka? Gagana ba 'to?"tumayo na din ako pero nakatingin pa rin kay Ara. Tumango siya at sumenyas na puntahan ko na si Ace.

Naglakad ako palapit kay Ace. Hawak niya ang telepono, at may kausap ata. Napahinto lang ako nang nasa tapat niya na ako. Nag-iisa lang siyang nakaupo doon. Binaba niya ang hawak na cellphone ng makita ako.

"Ace..."nanginginig ang labi ko, hindi ko yata kayang tapusin ang sasabihin. Tumingin ako kay Ara sa likod at nagthumbs up lang siya.

Napasinghot ako bago muling nagsalita. Tinipon ko na ang lahat ng lakas ng loob para hindi na ako mahiya pa. Hindi lang ako sanah ma ganito kapersonal ang pag-uusap namin. Iba sa kung paano ko siya kausapin sa classroom, pero madalas hindi kami nagkakausap.

"Ace... uhm... okay ka lang ba? Sor—hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang tumunog ang phone niya. Agad niya itong sinagot kaya nawala ang pokus niya sa akin, gusto ko pa sanang tapusin ang usapan pero agad din siyang tumayo at patakbong pumunta sa guard. Naloko na! Hindi pa nga ako nagsisimula.

Her POVМесто, где живут истории. Откройте их для себя