Chapter 9: Tandem

2 1 0
                                    

Napangiti ako matapos marinig ang sinabi ng aming guro. Sa wakas may magiging dahilan na din ako kay Ace kapag lumapit ako sa kanya mamaya at syempre gagamitin ko ang oras para magkausap din kami bukod pa sa i-rereport namin.

"Bes, partner tayo, ha?"mabilis pa sa alas kwarto ang pagkasabi ni Ara matapos sabihin 'yun ng aming guro. Kaya mabilis na napawi ang ngiti at iniisip ko ng dahil sa kanya. Hinarap ko siya saka tinaasan ng kilay.

"Ayoko! Sa iba ka naman, lagi na lang tayong duo,"sabat ko sa kanya. My decision is final and irrevocable, Goal ko lang ngayon ay makapartner si Ace.

"Sinong i-papartner mo, aber? Tayo na lang, please,"pagmamakaawa niya. FYI, hindi na gumagana sa akin ang mga pa-puppy cute eyes niya, tss.

"Si Ace, para makausap ko na din,"bulong ko.

"Huh? May partner na ata siya si Liam, see,"tinuro niya si Liam na lumapit kay Ace. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Ara. Well, gagawan ko 'yan ng paraan.

"Ah, basta hindi tayo partner,"tumayo na ako at nagbabadyang lumapit kay Ace nang magsalita pa si Ara.

"Fine. Pero bakit naging interested ka na? Good companion lang ba talaga o love na?"pang-aasar niya na agad ko ding ni-snobbed.

Nagpatuloy lang ako sa naisip hanggang makalapit na ako kina Liam at Ace na ngayon ay nag-uusap.

"Liam, gusto daw ni Ara na maging partner ka? Ayos lang ba kung switch na lang tayo, kayo tapos kami naman ni Ace, ano?"pagsisinungaling ko. Binaling ko ang direksyin ni Ara at napangiti. Akala niya siguro siya lang ang magaling sa mga pang-aasar. See you later, bes!

Agad naman tumango si Liam, halatang crush niya naman si Ara kaya go na go din. Mabilis niyang iniwan ang silyang inuupuan na agad ko ding inupuan. Nakanganga lang si Ace dahil sa mga nangyayari.

"Hi! Pasensya na si... Ara kasi 'yun...,"nahihiya kong sabi. Siguro karma na 'to ng pinanggawa ko kaya kahit dila ko'y namimilipit na kapag magsasalita.

"Hindi ayos lang! "gulat niyang sabi.

"Pero pwede pa rin tayong magswitch kung ayaw mo sa 'kin,"pahabol ko.

Umiling siya sa akin tapos hinarap ang librong nasa arm chair ng upuan namin. Tahimik siyang magbabasa para sa irereport namin, samantalang ako nama'y nagsusulat sa manila paper na binigay ni Ma'am sa amin bilang visual aid.

Fifteen minutes as an allotted time for the activity is a long time for the both of us. Tapos na akong magsulat, natapos na din namin ang plano para sa mahandang presentation, kaya wala na kaming ginagawa. Fast learner si Ace and also, advance reader kaya wala na kaming napagtalunan tungkol sa topic. May tiwala naman ako sa ginawa namin.

"Uuwi ka mamaya?"I tried to be in my casual tone.

Napataas siya ng kilay na parang hindi pa sigurado kong siya bang tinatanong ko. Pero nang tapunan ko siyang aking tingin agad niya din itong sinagot.

"Not sure,"pakli niya.

Ganito ba talaga siya sa normal na estado ng sarili niya? Hindi pa din siya nakakacope up sa problema nila. O baka nahihiya siya sa akin? Dati n'ya akong crush kaya baka lang naman'yun. Napakunot din ang noo ko dahil hindi ko gets ang sinabi niya.

"S-sorry! I mean, not sure kung uuwi ba ako. Si Harry kasi nang-ayang sa bahay na lang daw nila ako kumain,"paliwanag ni Ace. Tuloy-tuloy niyang natapos ang sinabi kaya pakiramdam ko na kanina ay nag-aadjust pa siya sa akin. Remember, ngayon lang kami nagkausap ng ganito kaya kahit sabihing casual man, iba pa din kasi hindi namin nakasanayang kausap ang isa't-isa.

Nasa third quarter na kami nang school year at ngayon pa lang kami magbu-build ng friendship. Hindi ko siya kaklase last year kaya wala akong ibang alam tungkol sa kanya.

"Sabay ka na lang sa amin ni Ara sa labas, mas malapit pa,"hindi ko alam bakit gano'n na lang ang sinabi ko. Kanina halos pumipilipot ang dila ko tapos ngayon parang wala nang preno. Kelly, dahan-dahan lang!

"Nevermind. Offer ko lang haha,"mabilis din ang response ng utak ko nang makita ang kunot na ekspresyon ng noo ni Ace. Halatang naguguluhan sa akin o kaya nawewerduhan pa sa mga sinasabi ko.

Nagsimula nang magreport ang ibang grupo. Tahimik na lang akong nakinig sa kanila. Mahirap na at baka magtatanong sila sa akin tapos wala akong masagot, nakakahiya 'yun. Kaya iba pa rin kapag nakikinig ka.

Last kaming reporter kaya ginalingan na namin. Napansin kong medyo bumalik na ang huwisyo ni Ace dahil sa pagiging active niya sa pagdidiscuss, pero napawi din agad nang matapos na kami. Mahirap talagang magmove on lalo na kapag family problem na ang idi-deal mo.

"Hoy! Bes! May kasalanan ka sa akin,"panenermon ni Ara, nagliligpit siya ng mga nakapaskil na visual aid sa harap.

Napaisip naman ako saka tumawa ng maalala ko 'yung ginawa ko. At base sa nakita ko kanina, maayos naman ang tandem nila ni Liam, perfect match nga daw e!

"Maayos naman kinalabasan ng report ninyo! Magpasalamat ka pa dapat sa akin," kontrabida ang feels ko ngayon, at sanay na din si Ara sa mga kaartehan at katarayan ko tulad nito.

"Nakapag-usap kayo?"bulong niya sa akin. Hindi  pa tapos ang aming kaklase, at nasa harapan pa kami habang nagbabaklas ng mga manila paper. Agad akong bumalik sa upuan ng hindi man lang sinagot ang tanong ni Ara.

"Sasabay ka ba sa amin o tuloy kayo kina Harry?"tanong ko kay Ace habang lumalabas sa classroom. Maglu-lunch na din kami ni Ara, nagbabakasakaling sasama siya sa amin.

"Hindi na kami kakain kina Harry kaya baka sa canteen na lang sa labas,"sagot niya saka tumingin kay Harry.

"Doon pa rin ba kayo kila Ma'am Isabel?"pagsulpot ni Ara. Gulat nga ako sa babaeng 'to, parang kabute lang.

Tumango si Harry sa kanya. At nginitian ko si Ara dahil doon. Trip ko lang talagang asarin siya ngayon. Mabuti at nandyan si Harry, may pang-asar na ako sa kanya.

Sabay na kaming nagtungo sa gate. At kagaya ng madalas mangyari dito sa canteen ni Ma'am Isabel, punuan na ng dumating kami mabuti't may mesa pa din para sa amin.

"Ang swerte ko talaga, bes!"

Her POVWhere stories live. Discover now