CHAPTER 23

763 48 31
                                    

Trapped (8)

🌻🌻🌻

Masayang nagtatatakbo patungong gate Rhianne habang hawak hawak ang isang tupperware. Sabado, alas dyes ng umaga at hindi gawnong mainit sa labas. Kusang bumukas ang gate nila at bumungad sa kaniya ang isang binata at dalaga.

"Cousin-in-law!" itinaas nya ang dalawang braso, "Ghorl!" bumeso sya kay Chalondra na medyo gulat pa din sa kaniya, "Hihihi~ welcome to our home sweet home~ Tara sa loob!" at inakay nya ang dalawa patungo sa loob.

"Good morning, ate." nahihiyang pagbati ni Chalondra, hanggang ngayon ay nahihiya pa din sya kay Rhianne paano kasi napakakomportable nito sa kaniya.

Tinapik nito ang balikat nya, "Rhianne nalang, nakakatanda kapag tinatawag akong ate." nilukot nito ang ilong, "Ilang taon ka na ba?"

Pinagdikit nya ang labi, "21, ikaw po?"

Tumaas ang isang kilay nito, "Ahh...wag mo na tanungin." pinahaba pa nito ang nguso at parang nadismaya, "Wag na din 'po' at hindi pa naman ako 30 years old."

Natawa ng bahagya si Jojo, "Medyo lang?" nakarating na sila sa living room at doon ni Rhianne pinaupo ang dalawang bisita nila.

Nagbeautiful eyes ito sa kaniya, "Yes, cousin-in-law~" inipit nito sa kilikili ang tupperware, "Same age lang kayo ng Darling ko~ diba?" tanong pa nito saka pinagdikit ang palad.

"Oo." pinasadahan ni Jojo ang loob ng kaniyang bahay, "Ang laki pala ng bahay mo. Kasama mo si couz dito?" naisip tuloy nya na ang sarap sarap ng buhay ng pinsan nyang kuhol sa bahay ng syota nitong bakla.

Ngumisngis ito at tinapik ang balikat nya, "Ano ka ba, maliit lang iyan. At true, kasama ko nga ang Darling ko~ ditis pati ang mga kyotaels." sagot ni Rhianne na mukhang kinikilig at papatirik na ang mga mata.

"Nasaan sya ngayon?"

Nakangising tinakpan nito ang labi gamit ang mapilantik na kamay, "Tulog pa nga, alam mo na pagod." kinindatan sila nito, "Hihi~"

Nagkatinginan si Jojo at Chalondra dahil sa nakakalokong ngisngis na lumabas sa maharot na bibig ng vaklang feeling may fifi na may pangalang Rhianne.

"Oh, dito muna kayo at maghahanda ako ng makakain." niyakap nito ang tupperware at nagflying kiss din sa kanila, "Gigisingin ko na din ang Darlington~" pagkasabi noon ni Rhianne ay nagtatatalon itong nagtungon sa kusina habang bumubungisngis.

Naawang ang bibig ni Chalondra habang si Jojo naman, "Okey." sumama ang tingin, "Cha, pigilan mo ako mamaya baka mabugbog ko ang pinsan kong sinungaling." may inis nitong saad at at naghawi ng buhok.

Ang laki laki ng bahay ng syota ng kaniyang pinsan, kung tutuusin Señorito ang buhay ni Bok dito. Nakakapagtaka lang kung paano nabihag ni Rhianne ang tomboy na pasaway na kagaya ng pinsan nyang si Bok.

"Bakit?" tanong ni Chalondra, wala naman kasi sya masabi kay Rhianne dahil welcome na welcome sila sa bahay nito, saka mukhang mabait din ang dalagang binata.

Sumandal si Jojo sa upuan, "Ngayon ko lang nalaman na dito pala sya nakatira sa syota nyang bakla. Ang putangina kumakapit na sa bakla, ang yaman yaman pala ni Rhianne. Puta..." nagsalubong ang kilay nya at napaisip, "Akalain mo...dati asar na asar sya sa mga bakla tapos ngayon...putangina nya talaga." dismayado nyang saad, sukat dinedeny pa ni Bok na syota nya si Rhianne, ito ang ebidensya nagsasama na sila sa iisang bubong.

Naguluhan ang dalaga, "Anong ibig mong sabihin?"

Nagbuntong hininga sya, "Ngayon lang ako nakakitang tomboy na namamakla." napangiwi sya, "Tanginang pinsan ko. Sabagay, ang sarap ng buhay nya dito." napanguso sya, ang swerte kasi ni Bok at maginhawa ang buhay nito dito sa bahay ni Rhianne parang walang bad vibes, good vibes lang.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Where stories live. Discover now