CHAPTER 61

461 31 9
                                    

Wish (1)

🌻🌻🌻

"Anak!" pagkalabas ni Bok ng kaniyang kwarto ay agad syang tinawag ng ina. Galing sya sa ikalawang palapag ng bahay at pababa ng hagdan.

Isang araw ang lumipas nang sya ay umuwi sa kaniyang bahay, aaminin nyang naging emosyonal ang kaniyang pagbabalik sa kaniyang ama't ina na sabik sa kaniya. Sya din, masaya sya na nakauwi na sya at muling makakasama ang mga magulang na matagal na nyang hindi nakasama. Malungkot, aaminin nya din na hindi nya iyon maiwasan sapagkat naaalala nya ang naging pamilya nya sa maikling panahon. Ang mga naging anak nya na si Peanut Butter at Jelly at ang pawang naging asawa nya na si Rhianne.

"Ma..." maliit na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi at humalik sa noo nito. Nakabestida ito ng kulay kahel at di maiwasang may maalala sya sa kulay na iyon.

"Good morning! Halika na mag umagahan na tayo. Padating na si Barbara at ang kuya mo." hawak hawak nito ang braso nya at nagtungo sila sa kusina, "Paano excited makasama ka." hindi namna ganon kadami ang pagbabago sa kanilang tahanan, siguro yung ibang mga kasangkapan at nagbago ng pintura sa loob.

Hinawi nya ang buhok at naupo, "Talaga ba..." naisip nya na marami silang pwedeng gawin magkakapatid, ito na ang tsansa nya.

Tinabihan naman sya nito, "Oo, excited nga kasi makasama ka ulit. Miss na miss ka ni Tolome lalo na ni Ara."

"Mabuti naman Ma, miss ko din sila." bulong nya baka kasi may makarinig.

"Ayos ka lang ba? Kumusta ang tulog mo?"

Nakanguso syang yumakap dito, "Yes Mama ko." parang bata nyang sagot at pinahaba pa ang nguso, "Bakit parang kabait mo? Ikaw ba si Duvata?" nagtataka lang sya ha, bakit hindi sya nito minumura?

Dinagukan sya nito agad, "Eh putangina, kakauwi mo malamang."

Natatawa syang umayos ng upo, "Okay, ikaw nga si Duvata." ayan tuloy ang aga aga nyang inaapi ng nanay.

"Kakain na ba?"

Napatingin sila parehas sa nagsalita mula sa kanilang likuran, "Pa!" ang ama nya masaya naman nya itong sinalubong, "Good morning!" namiss nya kaya silang yakapin kaya abot ang yakap nya, pasensya na.

"Good morning." nakangiti nitong ginulo gulo ang buhok nya, "Luto ko 'yan lahat para sa'yo." itinuro nito lahat ng pagkain sa lamesa.

"Di nga?" napahawak sya sa tiyan ng bahagya iyong tumunog, tangina umaga pa lamang ay pawang buong araw ng pagkain. Namiss nya ang luto ng kaniyang Papa.

"Oo." hindi talaga say makapaniwala, inakbayan nya ang ama.

"Naninibago ko sa inyo." tinapik nya ang dibdib at pinatunog ang dila.

Nag alala naman si Papa Diego, "Nahihiya ka ba?"

"Uhm, di naman po masyado. Naninibago lang." kinusot kusot nya ang mga mata, bumibigat ang puso nya sa di malamang dahilan.

Hinila sya ng ina, "Ay sus, nahihiya ka e. Yakapin mo nga ako ulit at ikiss." nginusuan sya nito.

"Ayaw ko nga." nakabusangot nyang sagot at nagtago sa likod ng tatay.

"Putanginang 'to." malutong na sambit ni Mama Duvata kaya napangiwi si Papa Diego.

Bago pa say makurot ng ina at lumayo sya kasama ang ama, "Pa, mamaya punta ko sa'yo ha. Tulungan kita sa sho--"

"BOK!!!" natigilan si Bok ng may malakas na sumigaw mula sa sala.

Si Barbara!!!

Hindi pa man sila nagkikita ay malakas na itong sumigaw, "PUTANGINA MO!!!" syempre hindi na sya nagulat, nang makita na nya ang kapatid ay kita rin nya ang pagkasabik nito sa ekspresyon nga mukha.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Where stories live. Discover now