CHAPTER 20

720 41 5
                                    

Trapped (5)

🌻🌻🌻

Sa pagbukas ng mga mata ni Bok ay naramdaman nya ang bigat at higpit sa bandang leeg nya. Namulagat ang mga mata nya sapagkat pusod ni Rhianne ang unang bumungad sa kaniya. Saka nya napagtantong nakatulog sa kandungan nito, para syang palaman sa sandwich.

"Putangina..." nasambit nya at sinubukang kumawala kay Rhianne ngunit medyo hilo pa sya.

Naparami nanaman ang inom nya ang hilig kasi uminom ni Vin at sya pa ang sinasama pero okay lang, ang dami nya kayang napulutan at pagkatapos nyang makalima hindi na nya maalala ang kaniyang ginawa. Hindi rin nya alam kung paano sya nakauwi at kung paano sya napadpad sa kandungan ni Rhianne.

Ito talagang si Rhianne ang hilig syang pagsamantalahan.

"Hmm..." gumalaw naman ito ngunit nakapalupot parin sa leeg nya ang mga hita nito.

Tinapik nya nga ng malakas iyon, "Hoy!" sigaw nya habang magulo pa ang buhok, bakit halos hubad na ang katawan ni Rhianne?! "Hoy Ricky! Gumising ka!!" naalibadbaran sya bukol malapit sa mukha nya.

Tangina, ginawa nya bang unan ang bukol ni Rhianne!? Kadiri amputa!

Mas humigpit pa ang yakap nito at halos masubsob na sya sa ano, "Putangina! Anong ginawa mo sa'kin!?" isang beses pa nyang tinampal si Rhianne, "RICKYYYY--" malakas nyang sigaw at agad nya ring isinara ang bibig kasi malapit na sya sa ano!

Nag-inat ang vakla, "Hmmm...ang ingay." pagkatapos ay bumangon at nakangiting tinapik tapik ang ulo nya, "Darling ko~" malanding tawag sa kaniya nito at gulo gulo din ang buhok gaya nya.

Nag-iinit ang dugo nya, malakas ang kutob nyang may ginawang masama si Rhianne sa kaniya, "Good morni--"

"Putangina!" nakahinga sya ng maluwag nang sa wakas ay nakawala siya, "Bakit nasa kwarto mo ako!? Anong ginawa mo sa akin kagabi ha!?" halos sakmalin na nya ito sa galit.

Sumingkit ang nga mata nito at inayos ang roba, "Huh..." nilapitan pa sya nito, "Bakit ako ang tinatanong mo Darling ko~? Why don't you ask yourself?" makahulugan itong ngumiti sa kaniya saka itinaas ang roba hanggang balikat.

Ngunit matapang sya, "Di ako nakikipagbiruan sa'yo."

Nagbeautiful eyes pa ito, "Ako din naman." mabilis pa sa isang pitik ay kinabig nito ang batok nya, "Good morning, muah!"

Nakangiwi nyang pinunasan ang labi nang mabilis sya nitong halikan ng may kasamang ngisi. Putangina!! Kadiriiii!!!

Sa galit nya'y idinikit nya ito sa head board ng kama at hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso, "Hayop ka! Sabihin mo! May nangyari ba!?" ubos pasensya nyang tanong.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman nyang sa kanilang dalawa ni Rhianne mas mukhang ito pa ang ginahasa dahil sira ang suot nitong roba, gulo gulo ang buhok, mukhang puyat at higit sa lahat may mga tsikinini sa katawan.

Imbis na maasar ito sa kaniya ay natuwa pa ito sa ginawa nya, "Hmmm...nangyaring ano?" naglalandi ang tono nito saka pinaglaruan ang kwintas nya.

Bigla syang kinabahan sa nabubuong ideya sa isip nya, "E-Edi ano..." lumuwag ang kapit nya dito at nanlumo.

Namumungay ang mga matang humawak sa magkabila nyang pisngi ang vakla, "Ano 'yon Darling ko~?"

Kusa nya itong binitawan, "Ano...ganon..." putangina wag nyang sasabihing...

Dumikit ito sa kaniya, "Hmmm?" pasimpleng humimas sa braso nya si Rhianne, "Kung di mo kayang sabihin, pwede mong gawin sa'kin hihi~" kinindat kindatan pa sya nito.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Where stories live. Discover now