CHAPTER 14

665 51 31
                                    

A Mommy's Duty (5)

🌻🌻🌻

Lunes, alas nuebe ng maaga ay nakabihis na si Rhianne at handa ng pumunta sa kaniyang boutique. Nasa loob sya ng living room ng kaniyang bahay at inaayos ang lamang ng hobo bag. He's wearing an orange small scarf, orange midi dress and orange stilettos. His red hair is in a messy bun. Orange is life.

He clung his bag on his arms, "Manang K! Alis na po ako, kayo na ang bahala sa bahay." aniya at chineck ang phone, "Mga five po ang uwi ko. Thanks."

"Sige ingat!" rinig nyang sigaw ni Manang K mula sa kusina.

Papaalis na sana sya ng may maalala sya, "Teka, nakalimutan ko yung sketch pad ko!" agad syang nagtatakbo patungong third floor, "Wittt!" tili ng vaklang di-sampal at binilisan ang takbo.

Lintik na stilettos nyang suot, halos madapa dapa sya sa taas non. Pero keri lang, tiis ganda dahil balita nya gwapo ang kliyente nya mamaya. Divah, perks ng nagmomove-on.

Pagbukas nya ng pintuan ng kwarto ay nagdidiretso sya sa kama kung saan naroon ang sketchpad nya, "Aja!" hinalikan nya iyon saka muling lumabas ng kwarto, "Babye sa room ko~" nakanguso nyang sambit bago maisara ang pintuan.

"Aalis ka na?"

Rhianne froze.

Kinagat nya ang ibabang labi at dahan dahang nilingon si Bok, wala ng iba, "H-Huh?"

Gusto nyo sanang iwasan ito ng tingin kaso, ang hot ngayon ni Bok. Nakauniform kasi ng pang waiter at kitang kita nya ang tattoos nito, hays habang tumatagal sumasarap, charot. Wala naman sigurong nagmomove on nagnanasa pa din sa pinagmomove on-an, natatanging sya lang.

Lumapit pa ito ng husto sa kaniya, "Aalis ka na ba?" ulit nitong tanong.

Nanlaki ang butas ng ilong nya ng maamoy ang mabangong si Bok, syet, no! "U-Uhh...uu." tugon nya at niyakap ang sketchpad.

Ibinulsa nito ang kamay, "Hatid na kita."

"Huh?"

Did he hear her right? Ihahatid sya ni Bok? Wag naman ganon, parang sasabog ang puso nya sa mga sinasabi ni Bok, nakakafall masyado.

Tumango ito, "Sabay na tayo, aalis na din ako." inayos nito ang suot na backpack, "Tutal malapit lang naman yung boutique mo sa Restaurant." dagdag pa nito saka naghawi ng buhok.

Pinasingkit nya ang mata, "Ihahatid...mo...ako?" dahan dahan nyang sambit at itinuro ang sarili.

"Oo." nilagpasan sya ni Bok, "Tara?"

Umiling sya, hindi pwede, "M-May sasakyan naman ako..." lumunok sya ng mariin at tinignan ito sa mata, "Ukie lang."

Mahihirapan sya kapag nagkataon, ang nagmomove on dapat marunong magpigil at maging matalino. Hindi dapat pinaiiral ang pagiging marupok sa panahong ganito, maliwanag Rhianne!

Kita nya ang pagkagulat ni Bok sa kaniyang isinagot, "Ah..." marahan itong ngumiti at tumango, "Sige, mauna na ako garod."

Natigilan sya saglit, tama nga ba ang desisyon nya? "Ukie..."

Nagtaas ito ng palad, "Bye." at nagsimula itong lumisan patungong hagdan.

"Babye..."

Napatitig na lamang sya sa dinaanan ni Bok at pinakiramdaman ang tibok ng puso. Ngayong alam na nya ang katotohanan, bakit ganito pa'rin ang epekto ni Bok sa puso nya? Mali, mas naging malala pa ang pagkasabik nito kay Bok. Iba na.

He heavily sighs, "Bakit naman ganon sya..."

🌻🌻🌻

50 Shades of Orange Studio
10:00 AM

Switch Series 2: Sincerely Yours, Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ