CHAPTER 8

812 54 18
                                    

Ang majitim na balak (3)

🌻🌻🌻

Ilang beses pa pumikit si Rhianne nang marinig nya ang magandang boses ni Bok na tinawag ang maganda din na pangalan nya. Hinawakan nya ang dibdib nya at doon nya nalamang mas bumilis pa ang tibok mula roon.

Syet. Parang anghel itong nasa harap nya ngayon. He can't take it anymore, Bok is damn hot!

Kusang tumayo ang kaniyang katawan mula sa upuan, "B-Bok..." dahan dahan nyang sambit at pinamulahanan.

Bok is the only person who can make him stuttered like this. He snap out on his mind, that beautiful voice is still playing inside his head. Ano bang ginawa sa kaniya ni Bok para maging ganito sya ka desperado--desperada? Wala naman. Wala namang ginagawa si Bok pero, nahulog sya.

"Nandito ka?" magkasalubong ang kilay nitong tanong sa kaniya.

Nanataling nakatitig sya sa perpekto nitong mukha, "M-Malamang...nakikita mo naman siguro." pinagdikit nya ang labi.

Ang gwapo ni Bok pero kinulang sa common sense, char.

Napapoker face ito, "Ginagago mo ba ako?"

Nagising si Rhianne sa tono ng boses nito, "Ay hindi! Halika nga dito." hinila nya si Bok at kumapit sa braso nito, "Ano ba iyan, ang ganda ganda ng boses mo Bok. Picture naman tayo oh, isa na ako sa fans mo hihi~" ngumisngis sya at nagpicture picture sila ni Bok kahit naguguluhan ito.

"Salamat." anito at hinawi ang buhok, "Napadpad ka dito?"

Napatigil sya sa tanong nito, "Ah...eh...kasi nga..." sumingkit ang mata nya at nag isip ng palusot, "Anis...tawag dito...nag kuwan ako...tawag don?" nakalukot ang ilong nyang tumingin kay Bok.

Hindi naman nya kasi pwede sabihin na nandito sya kanina pang ala una para mapanood ng live si Bok. Buya!

"Ginagago mo nga ako?" pinagkrus ni Bok ang braso.

Alanganin syang ngumiti at hinampas ito ng pabiro sa dibdib, "Hindi! Ikaw naman na block mental ako syet...ikaw kasi ih." nakangisi nyang iniipit ang hairlaloo sa likod ng tenga.

"Mental block." pagtatama nito.

"Ay oo." napangiwi sya sa kashungahan, "Maupo ka nga kasi dyan. Mag usap tayo diba tapos naman na ikaw?" tinulak tulak nya ito sa harap nyang upuan. Kailan talaga mag usap.

"Oo." tumango ito at naupo, "Ano bang pag uusapan natin? Kung tungkol kay Peanut butter at Jelly--"

Umiling sya agad, "Hindi naman sila ang pag uusapan natin." aniya at naupo na din. Magkaharap na sila ng Bok ng buhay nya.

Nagsalubong ang kilay nito, "Tungkol saan?"

Ngumiti sya ng pilya, "Tungkol sa ating dalawa."

"Huh?"

"Chour." pagbawi nya agad at may kasamang haplos sa braso nito, "Ang ibig kong sabihin, baka pwedeng i-treat kita ngayon? Dinner?" tumingin sya sa phone, sakto at alas sais na. Early dinner sya ni Bok, hm.

Nagbago ang timpla ng mukha ni Bok, "Hmm...bakit?" tanong nito at hinimas ang baba.

Napaisip si Rhianne, "P-Para sa..." mabuti nalang at nakaisip sya ng very bright idea, "Para sa pagliligtas mo ng buhay ko."

Pinalakpakan nya ang sarili sa kaniyang isip. Ang galing nya talaga magpalusot. Si Bok kaya magaling maglusot? Char.

Nakangiting humawi ng buhok si Bok, "Wala lang 'yon." sabi nito at dinukwang sya, "Pero...san mo ba ako i-ti-treat?" interesado nitong tanong.

Switch Series 2: Sincerely Yours, जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें