CHAPTER 66

537 34 20
                                    

WISH (6)

Unchained Melody

🌻🌻🌻

"Nasaan si Director V?"

Medyo hinihingal pa si Bok, ang aga nyang pumasok at kakatapos nya lang takbuhin ang tatlong palapag ng building sa kakamadali.

Sumagot si David, "Nasa Meeting room, Star." itinuro nito ang itaas.

"Sige salamat." agad syang nagtungo sa elevator.

Yesterday was a mistake. That was her biggest regret this year—sell her most beautiful creation which is the painting called 'The other half'. Clearly, hindi sya nag iisip—hindi nya naisip na pagsisisihan nya ito.

Punong puno ang elevator, "Wait wait--" napapadyak sya nang sumara na ito, "Aish!" napahilamos sya ng mukha, this is a bad bad day!

Ginulo gulo nya ang buhok at nagsalitang mag isa, "Bakit ba kasi ang tanga tanga ko pre?" pagtatanong nya sa sarili at pumamewang.

Kagabi ay hindi sya nakatulog ng maayos dahil sa mga gumugulo sa kaniyang isipan. Hindi naman kasi ibig sabihin noon ay totoo ang mga nasabi nya, siguro naging hobby lang din nya mag overthinking nitong mga nakaraang linggo.

Hindi na sya makapaghintay at muling nagdesisyon na akyatin pa ang hagdan patungong 4th floor at meeting room. Exercise na din ito, pero kailangan nya din ng tulog dahil kung tutuusin hindi naman sya nakatulog.

Agad na nyang tinawag ang Director malayo pa lang ito sa knaiyang paningin, "Director V!" kakalabas lang nito ng meeting hall.

"Director V!!!"

Sa wakas ay nakalapit din say dito, "Oh!" nakakunot ang noo ng Ginang, "Star? Bakit?" may pag aalala nitong tanong.

"Director V..." hinihingal nyang sambit at humawak sa dalawang tuhod, "T-Tapos na po ang meeting?"

"Oo kakatapos lang, may problema ba?"

Umayos sya ng tayo at inayos nya din ang sarili, "Ano po kasi..." hinawi nya ang buhok at muling huminga.

Tumango si Director V at inabutan sya ng bottled water, "Congratulations nga pala ulit sa Exhibition kahapon." maligayang saad pa nito, alam nyang proud na proud ito sa kaniya dahil isa ito sa una pa lamang ay naniwala na sa kaniya.

"Thank you po ulit." sinubukan nyang ngumiti at uminom, tamang tama at uhaw na uhaw na sya, "Tungkol po don.." pagsasalita nya pagtapos uminom ng tubig saka nahihiyang humawak sa batok.

"Hmm?"

"Sino po yung naging buyer ng painting?" ito ang kaniyang sadya, maybe she got a chance on taking it back...?

"Ah...10 million." natigil si Bok, "Wag kang mag alala makakarating sa Charity mo ang 50%, 20% sa kompanya at 30% on your account. Salamat Star."

"Wala po iyon, Director V." tumango tango sya at nag angat ng tingin, "Pero 10 million po?"

10 million? Oh my gas, saan naman sya kukuha ng ganon kalaking pera?!

Marahan itong natawa, "Oo, maraming nagulat. Umalis ka kasi agad e." kaya naman kasi sya umalis kaagad ay nalulungkot sya, hindi nya kaya noh.

"Sino po?"

"Ahh..." dahan dahan itong umiling, "Iyon nga, hindi na nagpakilala. Pasensya na talaga Star, maski ako hindi ko din nalaman kung sino, weird nga."

"Talaga po..." nagbuntong hininga sya.

"Oo, pero kung sino man iyon, malamang na fan na fan mo iyon." Director V tap her right shoulder, "10 million..."

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon