CHAPTER 13

616 43 15
                                    

A Mommy's Duty (4)

🌻🌻🌻

"Bakit?"

Sabado, alas otso ng umaga ay nasa kaniyang kwarto si Rhianne at nakatingin sa malayo habang umiinom din ng orange juice. Nakaupo sya sa sarili orange lazy sofa, facing the glass wall as the sun rises from above. He's alone, wearing his orange shorts satin bathrobe and his red hair is messy and the temperature of his room is warm, he hear nothing but a medium sound of an old songs from his phonograph.

"Bakit 'di ko napansin?" he ask himself, questions that still going around inside his mind.

"Bakit nya hindi sinabi agad?"

Hanggang ngayon, isang araw na ang lumipas mula nung nalaman nya ang masakit na katotohan. Oo't masakit iyon para sa kaniya. Alam nya kasi sa sarili nyang gusto na nya si Bok, pero hindi lang gusto. Higit pa doon.

"Bakit nya ako ini-glorious?" dahan dahan nyang hinawakan ang labi.

Nang nahalikan sya ni Bok, para syang idinala nito sa ulap. Akala nya lalake at tama si Peanut butter at Madam Morissette, kagaya nya nga ito. Parehas silang mga kaluluwang naligaw ng katawan.

"Bakit..." napatingin sya sa kamay nyang nahawakan ang malambot at maliit na hinaharap ni Bok. First time nyang makadakma ng boobs!

Nanlaki ang butas ng ilong nya, "Bakit ang gwapo naman ni Bok!?" napatayo sya ng wala sa oras, "At ang galing nyang humigop!"

Napatakip sya ng bibig, "Ibig sabihin...nakipaglaplapan ako sa isang shiboli?" nanlaki ang mata nya, "Ibig sabihin..." napangiwi sya ng bongga.

"Isa 'rin akong tomboy!?"

Nahimasmasan ang vaklang di-sampal, "Char."

Nagugulo lang ang utak nyang matagal ng magulo kakaisip sa mga nangyari nitong nakaraang mga araw. Lalo na kapag nakikita nya si Bok, naging mailap sya dito at hindi nya talaga ito kinakausap unless si Bok ang mag iinsist.

Lumakad sya patungong verandah at napabuntong hininga na lamang sya ng makita ang magandang tanawin mula doon. Ang dami pa naman nyang nabubuong pangarap kasama si Bok, pero bigla iyong naglaho ng parang bula.

"Darlin--" huminto sya kaagad, "Hindi. Hindi ito tama, hindi pa magugunaw ang mundo." aniya.

Buong buhay nya, wala pa syang nababalitaang may isang bakla at tomboy na nagkatuluyan at ikinasal. Malamang, pagtatawanan lang sila. Ang galing kasi magbigay ng false hope nitong si Morissette, asang asa sya tuloy. Bakit nagpapaniwala sya sa mga hula hula, parang tanga lang. Ang tagal nyang niloloko ang sarili nya.

Lumabi sya, "Makaka-move on din siguro ako." pinalakas nya ang loob, "Tama."

Para sa opinyon nya, mas maganda na iyon na lamang ang gawin nya. Leave the past behind.

Dumako ang tingin nya sa ibaba, bumilis ang tibok ng puso nya sa nakita, "At sino naman ang kausap ng Darling ko--este ni Bok?" nagsalubong ang kilay nya, "Vavae?"

Pinigilan nya ang pag usok ng ilong ng makitang may kausap na babae si Bok sa labas ng gate nya, nakita nya pa ang pag gatok nung babae kay Bok ngunit hindi naman ito gumanti. Sa tantsa nya, mas matanda ito kay Bok ng hamak. Maganda ang hugis ang katawan at makinis ang balat.

"Ano bang pake ko?" humawak sya sa noo habang nakapilantik ang hinliliit, "Hindi sya lalake Rhianne. Tomboy sya at bakla ka, mali 'yon."

Tumalikod sya nang maramdaman ang pagkirot sa dibdib, "M-Mali..."

🌻🌻🌻

Pagkatapos maligo ni Rhianne ay dumiretso sya sa sala ng kaniyang bahay kasama nya si Jelly doon at kasalukuyan itong nanonood ng Cocomelon habang dumedede doon sa single sofa bed nyang orange. Sya naman ay may tinatapos na design ngunit hindi sya mapalagay kasi, sipat na sipat nya si Bok sa glass wall patungong garage nya.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora