CHAPTER 39

1.1K 46 20
                                    

The Visitors (1)

🌻🌻🌻

Unang gabi ni Mario at Motmot sa bahay ni Bok at Rhianne. Hating gabi na, masama ang loob ni Bok habang yakap yakap at pinagigitnaan ang yawang tibo ng dalawang anghel na bumaba pa galing sa langit.

Nakabusangot sya sapagkat halos gawin na syang kama ni Mario habang ito pa ay naghihilik isama pa ang nagkikiskis nitong paa sa unan na kulambot ang balot, ayos katabi si Motmot dahil ito ay tahimik at steady lang sa pagtulog.

Pang isang daang beses na nyang buntong hininga, "Hmmm...Putangina." kinuha nya ang phone at nakitang may message pa si Rhianne sa kaniya.

From: Sexy Pookie 🍑💦

Good night Darling ko~
I love you so much with crunchy putangina, see you in my wet dreams 💦 hihihi~ 🥴🥴

Hindi nya alam ang magiging reaksyon, matatawa ba sya o maiinis, "Uhhu... Ricky..." tinignan nya ng masama ang dalawa, "Tangina 'tong dalawa, epal." bulong nya at marahas na inalis ang pagkakayakap sa kaniya ni Motmot at Mario.

Agad syang bumangon ng kama, "Aish!" ginulo gulo nya ang buhok. Hindi pwede ito!

Hindi na kasi sya nakapalag ng buhatin sya ni Mario at Motmot saka dinala sa guess room. Ilang oras na syang nakabusangot at naghahanap ng tamang tsempo.

Dahan dahan nyang inalis ang kumot at dahan dahan din syang tumayo, ni hindi sya makahinga upang hindi rin makagawa ng ingay. Nang sya ay makaapak sa sahig ay dahan dahan din sya naglakad patungo sa pintuan ngunit nanigas sya sa kinatatayuan ng may magsalita.

"Bossing..." nanlaki ang butas ng ilong nya at nakabusangot na nilingon si Mario na gulo gulo ang kulot na buhok.

Naghikab ito at naupo sa kama, "San ka pupunta?"

"Iihi, sama ka?" walang emosyon nyang tanong.

Nginusuan sya nito, "Hmmp.. may cr dito bakit ka pa lalabas?"

Bumuga sya sa hangin at umirap, "Hindi gusto ng pwet ko yung inidoro dyan, bye." agad nyang binuksan ang pintuan at umalis.

Bago pa nya iyon isara ay nakita nya ang pagbusangot ni Mario, "Hmmmp~" lumabi ito at nagtalukbong, umirap sya pagkasara nya ng pintuan.

Mabilis syang naglakad pababa ng hagdan at nagtungo sa kwarto ni Rhianne, "Tangina, paano naman ako makakatulog ng maayos, e ako yung ginagawa n'yong kamang dalawa?" hinawi nya ang buhok at ginugulo iyon, "Aish!"

Akala ba nila ang gagaan nila? Hindi! Malaking tao si Mario at mabigat ito. Hindi sya makapaniwala na kasama nya ang dalawa sa iisang bahay.

Para syang binabangungot.

Pagkatapat nya sa pintuan ng kwarto ni Rhianne ay agad syang nagsalita, "Sexy!" kinatok nya iyon ng malakas, "Buksan mo ang pintuan, ako ito."

Ilang segundo ang lumipas ay walang nangyayari, "Hoy! Bilis!" inip na inip na ang lolo nyong mainit ang ulo.

"Sexy!"

Napakunot ang noo nya, alam nyang hindi pa tulog si Rhianne dahil naaamoy nya ang singit nitong amoy lupa.

"Ricky!"

Naguluhan sya sa nangyayari, "Tangina..." napaisip sya, tutal ilang linggo na ang lumilipas at ilang buwan na silang magkasama ni Rhianne. Kabisado na nya ang vaklang may tililing.

"Pookie."

"Hihi~" may ngumisngis mula sa likod ng pintuan, "Sino po sila?"

Napabuntong hininga sya, sabi na nga nya e. Alam na nya ang style nito.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Where stories live. Discover now