CHAPTER 10

720 42 17
                                    

A Mommy's Duty (1)

🌻🌻🌻

Halos tumirik ang mga mata ni Rhianne nang makaramdam sya ng pagkataranta matapos nyang makita nya ang oras sa malaking wall clock ng kaniyang bahay. Humawak sya sa kaniyang noo habang nakapilintik ang mga daliri. Naluluka sya at hindi pa sya tapos sa pag aayos ng mga kailangan ng mag-aama. Magda-dalawang oras matapos sumagot ni Bok ng 'okay, in' ay tumirik ang mata nya dahil pumayag ito.

Nasa kitchen sya ngayon ng kaniyang bahay at hindi malaman ang uunahin. Si Bok kasi ayaw umalis sa isip nya, nilalandi sya masyado.

"Mga ate ghurl! Bilisan nyo ang pagkilos!" pumalakpak sya ng ilang beses, "Ang mga bagong damit, ilagay na sa cabinet ng Darling ko~ at mga babies~" napakagat sya ng kuko habang tinitignan ang mga trabahador nya sa boutique na kasama nya sa pag aayos.

Anim na babae iyon at mga pinagkakatiwalaan nya ng tunay. Agad nyang pinagtatawag ang mga iyon at isinara muna ang boutique nya. Masyadong important sa kaniya sila Bok, matapos nilang mag mall at mamili ng mga pinabibili ni Jelly ay bumalik agad sila sa bahay nya.

"Ang mga pinamili, pakilagay na sa kitchen ng makapagluto na akiz." pumamewang sya, "Nasaan nga pala ang mga inorder kong study table? Dumating na ba? Yung bedsheet? Yung mga pillows? Nailagay nyo na din ba ang TV sa kwarto? Syetness, ano na?" umarte ang vaklang di sampal habang naglalagay ng apron.

Hinarap sya ni ate ghurl number 1, "Okay na po ate Rhianne." sagot nito at ngumiti, "Yung bedsheet po hindi pa nailalagay nasa labas pa po." nakakaloko nitong sabi kaya sya napanganga.

"Susko, i-akyat nyo na sa kwarto. My golly! Matuturn off sa akin ang Darling ko~ faster!" pinandilatan nya pa ito.

Napakamot ng ulo si ate ghurl number 1, "Opo, opo." at hinila nya si ate ghurl number 3 para pumunta sa labas.

Napapikit sya at sinimulang i-ponytail ang buhok, "Syetness kinakabahan ako, bakit hindi pa kasi nagtetext ang Darling ko~ nasaan na kaya sila huhu~" binuksan nya ang phone ngunit walang text ng Darling nya, napabuntong hininga sya at bumwelo, "Pochi!? Nahanda nyo na ba ang mga ingredients?" pagtawag nya sa Secretary na kasalukuyang kasama nya sa kitchen at naghuhugas ng kamay.

Nagpunas ito ng kamay at binalingan sya, "Yes ate Rhianne." itinuro nito mga nakahandang ingredients sa island counter, "Iluto ko na po ba?"

Rhianne's kitchen layout is peninsula with two island counters, 440 square feet to be exact. He really loves to cook.

Umiling sya at ipinilatik ang kamay, "Ay hindi. Akiz dapat ang magluluto para maturn on sa'kin ang Darling ko~" napanguso ang vakla at nagtungo sa counter.

"Okay...ano pa po ang gagawin ko?"

Sumingkit ang mata nya, "Hmmm...pakihanda ang susuotin ko mamaya hihi~" ngumisngisngis sya saka pinatirik ng slight ang mata.

Nagsalubong ang kilay ni Pochi, "Ano pong isusuot?" tanong nito.

Napatakip sya ng bibig sapagkat ay kinilig ang werlogs nya, "Ihhh~ yung binili ko kanina..." lumapit sya sa tenga nito, "...Orange..." kumindat kindat pa ang vaklang tigang. Ilang minuto syang nagdecide kung ano ang maganda at talagang kababaliwan ng taong makakakita sa kaniya na ganon ang suot.

Napangiwi si Pochi sa kaniyang naiisip, "S-Sure ka teh?" paninigurado nito.

Nagbeautiful eyes naman sya, "Nemen." tugon nya at inihanda ang pot, "Ihanda mo na din ang hot tub hihi~" at dahil nga darating ang Darling nya, kailangan mabango at fresh sya para turn on!

"O-Okay..." napatango tango na lamang si Pochi at sinunod ang amo. Nakatitig lamang ang tatlong pang ate ghurl kay Rhianne na hindi na napigilang tumirik ang mata.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon