CHAPTER 41

940 43 47
                                    

The Visitors (3)

This chapter is dedicated to rustinreds, kanina pa sya naghihintay at ito na nga. Thank you sa'yo! Lovelots, Darling~

-🌻💕

🌻🌻🌻

Ika-apat na araw ni Motmot at Mario sa bahay ni Bok at Rhianne. Nasa loob ng kwarto ang tatlong Bossing at nag aayos ng mga sarili, nagsusuot ng relo si Motmot, si Mario naman ay nagsusuot ng sapatos habang si Bok naman ay abot ang himas sa buhok na may kasama pang jel.

Magpupunta sila sa mall para makapag unwind kuni sila. Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos ang dalawang anghel na galing pa sa maliwanag na langit, nakatingin silang dalawa sa kaibigang hindi maipinta ang pagmumukha habang himas ng himas sa buhok.

"Bossing ang bugal mo." sambit ni Mario.

Mas nagkunot pa ang noo ni Bok, "Sandali kasi!"

Bumusangot ito, "Bossing wag ka na magpapogi at may syota ka na."

"Wag kang epal, Mario." inirapan nya ito at nagpatuloy sa ginagawa, "Maraming chixx doon, nako...tiba tiba nanaman."

Napaawang ang bibig nito, "Isusumbong kita kay Rhianne!"

Napatingin naman sya kay Mario, "Gago, wag." itinapat nya ang hintuturo sa ilong, "Shhhsh ka lang parang di tayo bestfriend. Bestfriend tayo diba?"

Hindi naman ito nakapalag, "Oo Bossing, pero...hindi tayo mga cheater." kinalbit nito si Motmot na kasalukuyang nagtitipa sa phone, "Diba?"

Nagthumbs up ito bilang tugon, "Hm-mhm! A Butchelor is not a cheater but a lover." he quoted.

Nanlaki ang butas ng ilong nya, "Nye nye nye~" dumila sya at muling tumingin sa salamin.

"Bossing."

Umayos ng tayo si Bok. Motmot ayan ka nanaman.

"Oo na." ibinaba nya ang suklay at humarap sa dalawa, "Pogi na ba ako?" isinandal nya ang bisig sa salamin at nagpose.

"Hmm...yep." si Motmot ay laging nagsasabi ng totoo, pero itong si Mario parang kumokontra yung itsura.

"Medyo ang tapang ng pabango mo, Bossing."

Napawi ang angas nya at inamoy ang sarili, "Gago mabango 'yan. Mahal 'yan saka bigay sa akin ni Ricky iyan." ipinakita nya ang pabangong iyon at muling ibinalik sa lalagyanan.

"Pahingi?" inilahad nito ang kamay.

Agad sya umiling at nilock pa iyon, "Huh! May sarili kang pabango, Bossing 'yon ang gamitin mo hindi yung nanghihingi ka." pagdidimot nya, hingin na ni Mario ang lahat wag lang ang pabangong binigay ni Rhianne.

Napanguso ito at sumagot naman si Motmot, "Okay...should we go now?"

"Mauna na kayo." aniya at muling tumingin sa salamin, parang hindi bagay yung sapatos nya. Gamitin nya nga yung sapatos na ibinigay ni Rhianne.

"We can't."

Nagsalubong ang mga kilay nya habang kinukuha ang sapatos sa loob ng cabinet, "At bakit hindi, mauna na kayo susunod ako." tinanggal nya ang isang sapatos.

Nagkatinginin si Motmot at Mario, "Hindi kami pwede mauna Bossing, kasi sa'yo kami aangkas."

Napaangat sya agad ng tingin, "Ano!?"

Anong angkas angkas!?

Pinagdikit ni Motmot ang labi, "Mhm...kasi Bossing, hindi pa gawa ang big bike nya."

Napabuga sya sa hangin at nagsuot ng sapatos, "Edi ikaw na lang ang mag angkas kay Mario."

"We decided to ride with you." malaanghel na ngumiti si Motmot.

Switch Series 2: Sincerely Yours, حيث تعيش القصص. اكتشف الآن