CHAPTER 7

749 47 6
                                    

Ang majitim na balak (2)

Buwan 🎼🎶

🌻🌻🌻

Kinabukasan, hila hila ni Rhianne ang kaniyang kaibigan at kumareng si Ammira na nakabusangot. Nasa daan sila at nagmamadali, na late kasi si Rhianne dahil tambak sya ng gawain sa trabaho, buti nga nakahanap pa sya ng oras para mang stalk kay Bok. Syempre, sinama nya si Ammira kasi matapang ang hiya nitong kaibigan nya.

"Mare bilisan mo naman lumakad lakad dyan." sabi nya at binilisan pa ang paglalakad.

Ang bagal kasi lumakad ni Ammira, "Kalma ka lang kasi mare." sabi nito habang magkasalubong ang mga kilay, "Makikita mo din naman sya."

Napakagat sya ng labi, "Ihhh! Ang tagal!" huminto sya saglit at hinarap ang kaibigan, "Nauubusan na ako dugo at enerhiya sa katawan." saad nya at nag kunwaring nanghihina.

Totoo naman, wala sya sa mood this passed few days. Para bang kailangan nya talaga na makita si Bok upang magkaroon ng lakas at lumaban sa buhay. Charot.

Walang emosyon syang tinignan ni Ammira, "Napakalandi mong bakla ka."

Natatawang nagsimulang maglakad muli si Rhianne, "Mare, hindi paglalandi ang tawag dito." ngumisngis sya, ayan malapit na sila sa Restaurant nararamdaman na ng santol nya si Bok.

"Ano nga?"

Nagfinger heart sya at ngumuso, "Pagmamahal."

"Gaga." nginiwian sya ni Ammira.

Itinirik nya ang mata, "Hihi~ Bilis!" aniya at nagtatakbo sa loob ng Restaurant, "Doon tayo!" itinuro nya ang isang table na nililinis pa lamang ng isang waiter.

Nilukot ni Ammira ang ilong, "Ang daming tao..." sabi nya nang makita ang dami ng mga costumers, sabagay ay lunch break ngayon, "Waiter ba sya?" tanong nito sa kaibigan pagkaupo.

Maarteng umupo sya sa harap ng kaibigan, "Uu, nasaan na ba ang Bok ng buhay ko?" dumikwatro sya at pasimpleng tumingin tingin sa paligid, "Nararamdaman ko na sya." sumingkit ang mga mata nya at kinuha ang menu saka tinakip sa mukha nya.

Tinapik sya ni Ammira, "Asan ba? Ano bang itsura? Napakadaming nagkalat na waiter oh." may pagkairita nitong tanong sa kaniya at nagmasid sa paligid.

Ipinilintik nya ang mga daliri, "Nandyan lang iyon." sagot nya at seryosong tinignan ang kaibigan, "Sya dapat ang mag asikaso sa atin, okay?" minulagatan nya ito ng mata, kailangan talaga na si Bok ang mag-e-entertain sa kanila, para malaman nya kung gentleman ba ito or ano. Naturingan na ito ang true love nya, ay kailangan sigurado sa hinaharap.

Umirap si Ammira, "K."

Mahaba ang ngusong tumayo si Rhianne, "Nasaan ba kasi ang baby ko--" namulagat ang mata nya nang makita si Bok, may hawak hawak itong tray at nakangiti. Jusq, huminto ang mundo ng vaklang di-sampal nang lumingon pa ito sa gawi nya, "S-Syetness..." napakapit sya ng panty at natatarantang umupo saka tinakpan ang mukha ng menu.

Kinalbit kalbit nya si Ammira na busy sa pagpili ng kakainin, "M-Mare, Mare! Mare! A-Ayan sya! Ayan!" pasimple nyang inginuso si Bok na nasa bandang likuran nya.

Para syang nasobrahan sa kape kaninang umaga at nagpapalpitate ang puso nya sa sobrang-hindi nya maipaliwanag ang nararamdam. Basta ang alam nya, masaya syang makita si Bok!

Nagsalubong ang kilay nito, "Sino? Iyon?" itinuro pa nito si Bok kaya agad nyang tinapik ang kamay.

Hindi nito pwedeng malaman na sya ang pinag-uusapan nila dahil mission failed mag nangyari iyon, "O-Oo yung may tattoo!" muli nyang nilingon si Bok at malapit na ito sa kanila, tinakpan nya agad ang bibig, "Ihhhh!"

Switch Series 2: Sincerely Yours, Onde histórias criam vida. Descubra agora