CHAPTER 29

666 59 29
                                    

Chances (6)

🌻🌻🌻

"P-Puta.."

Nakangiwing humawak sa ulo si Bok matapos nyang magising at makaramdam ng sakit sa ulo. Nakapikit pa din sya dahil may kalabuan ang paningin. Gulo gulo ang higaan nya pati na sa lapag ay puro kalat, parang binagyo ang kwarto.

Matapos nyang makita ang kabuuan ng kaniyang silid ay naawang ang bibig nya habang hinihilot ang sentido, "Anong nangyari kagabi?" pagtatanong nya sa sarili.

Napatingin sya sa phone, alas dose na ng tanghali. Muli syang napamura at naupo sa dulo ng kama. Kailangan nyang maalala ang nangyari kagabi dahil hindi maganda ang pakiramdam nya.

Ganiyan ba talaga ang tingin mo sa'kin, Bok?

Tumayo sya kaagad nang makarinig ng pamilyar na tinig mula sa kaniyang isip. Dumiretso sya sa banyo kahit imiikot ang paningin at dali dali ding naghilamos ng mukha at nagmumog.

Magiging okay ka din.

Sa pagkakaalam nya, inaya n'yang uminom si Chris at Vin. Tapos, uminom s'ya ng marami hanggang sa malasing at hindi na malaman ang ginagawa.

Bye.

Magkasalubong ang kilay nya at tinitigan ang sarili sa salamin.

Hindi ka makakapagtapos ng pag aaral.

Jinx.

Iniyukom nya ang palad at naging matalim ang tingin sa sarili. Ang alam nya galit sya kagabi.

Galit na galit sya.

H'wag mong sirain ng lalo ang buhay mo.

Doon ka sa nababagay sa'yo.

Mariin nyang ipinikit ang nga mata. Bumilang sya ng hanggang sampo, huminga ng malalim at muling dumilat.

"Tangina." bulong nya sa sarili.

Mabilis sya nagtungo sa labas at binuksan ang pintuan, "Lilith?" pagtawag nya sa dalaga nang makita itong naglilinis ng sahig.

"Kuya?" agad naman itong tumayo.

Ilang beses sya pumikit at pinaglaruan ng ngipin gamit ang hikaw sa dila, "M-May ginawa ba ako kagabi?" tanong nya at umiwas ng tingin.

"Ahh.. hindi ko alam kuya pero baka alam ni ate Rhianne kasi sya ang naghintay sa'yo makauwi."

"Talaga?"

Tumango naman ito, "Opo, kuya. Nandoon sya sa baba kasama si Peanut butter at Jelly. Sabi nga din nya wag na muna daw kita gisingin kasi pagod ka daw."

Ilang beses sya kumurap at muling humawak sa ulo, "A-Ah ganon ba. Sige salamat." aniya at nahihilong dumiretso sa kusina.

Pagod? Paano nalaman ni Rhianne na pagod sya? Wala naman syang sinasabihan na pagod na sya sa buhay nya. Tanging sarili lang nya ang nakakaalam non, wala namang nagtatanong kasi sa kaniya kung, kung kaya nya pa.

Pagkarating nya doo'y kaagad syang sinalubong ni Jelly. Nakasuot pa ito ng apron na kulay pink at nakapusod ng maayos ang buhok with bandana.

"Daddy Bok! You're awake now! Come and join us." masigla nitong bati kaya agad syang yumuko para humalik dito.

"Good morning."

Napatingin sya kay Rhianne, nakatalikod ito mula sa kaniya at nag aayos sa hapag kainan. Ganon din ang suot nito kay Jelly kulay orange na bestida. Kusang nagsalubong ang mga kilay nya nang maglakad sya palapit kay Peanut butter kung saan ito nakaharap. Hindi sya pinansin.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Место, где живут истории. Откройте их для себя