CHAPTER 19

646 38 5
                                    

Trapped (4)

🌻🌻🌻

"Ang sakit huhu~"

Ilang minuto ng ngumangakngak ang pinsan ni Bok na si Jojo. Dahan dahan nitong dinadampian ng yelong nasa panyo ang black eye.

Malakas nyang tinapik ang likuran nito, "Putangina mo kasi, hayop ka. Magtatago ka pa ha..." gigil nyang sambit.

Nakaupo sila ngayon sa isang bench at hinayaan ang pila. Magtatago pa kasi si Jojo, kaya tinuluyan na nya, ayan napala.

Mahina nitong sinuntok ang braso nya, "Tangina mo, masakit. Papagalitan ako ni Mama, sasabihin nanaman nakipag basag ulo nanaman ako." humihikbi nitong sabi saka tinakpan ang bibig.

Umirap sya at ginalaw galaw ang mga daliri, "Sasabihin ko kay tita na putangina mo, muntik na ako mapahamak dahil sayo." aniya, mukhang napalakas nga ang suntok nya sa pinsan nya. Pasensya nya, bukod sa galit nya dito ay galit din nya kay Rhianne ang ugat ng suntok na iyon.

Suminghot singhot si Jojong uhugin, "Ako pa sinisi, ginusto mo din naman."

Kaya pala ito nandito kasi mag-eenroll din. Sa katunayan, magkabatch sila at parehas na kurso din ang kinukuha.

Kinuwelyahan nya ito, "Ginusto? Gago ka ba!? Muntik na akong marape ng bakla!" nandidiri nyang sabi at ngumiwi. Naalala nanaman nya ang nakakabangungot na si Barbie. Aba, ilang gabi din syang hindi makatulog.

Tinampal ni Jojo ang kamay nya, "Tangina mo, sa'kin nya kaya sinisingil yung mga ginastos nya sa'yo." inirapan sya nito, "Kaya ako nagtatago, tangina mo."

Umayos sya ng upo at napaisip, "Hmm...nasaan na kaya si Barbie?" hiling nya kasi ang kapayapaan sa isipan ni Barbie magmula noong takasan nya ito. Medyo nakonsensya naman sya kasi.

"May bago ng jowa 'wag ka mag-alala." pinakyuhan sya nito, "Tangina mo kasi."

Natawa sya, good for Annabelle, "Patingin nga ako ng requirements mo. Baka may kulang ako." sabi nya at agad kinalutkot ang brown envelope ni Jojo.

"Putangina ka. Hinahanap ka nila Mama, umuwi ka naman daw doon satin." sabi nito at pasimple kinatukan sya.

Pinalaki lang nya ang butas ng ilong habang iniisa ang papeles ni Jojo, "Saka na pag marami akong sweldo." halos masamid sya sa sarili nyang laway sa nakita, "Amputa! Pfft--BWAHAHAHAHAHA!!!" hindi nya mapigilan sa makita.

Agad kinuha ni Jojo ang 2x2 nyang picture, "Wag mong pagtawanan. Putangina mo ha. Bobo kasi yung nag-edit amputangina. Wala yung isa kong tenga ampota." nakabusangot nitong sambit at nagtampo sa isang sulok.

Sumasakit ang sikmura nya sa itsura ng pinsan nyang batugan, "Pfft--ang pangit mong hayop ka!" pinaghahampas nya ang hita nito habang tumatawa.

Sinamaan sya nito ng tingin, "Tangina mo, patingin ako ng iyo!" agad nitong hinablot ang brown envelop nya na ikinatagil nya sa pagtawa.

"Ayoko!" ngunit mabilis pa sa kamay ng magnanakaw ang kamay ng pinsan nya, "Putangina, Jojo!"

Tinitigan nito ang 2x2 picture nyang bagong develop, "Pfft! Amputa! BWAHAHAHAHAHAHAHA!" namula na ito kakatawa sa pagmumukha nya.

Sya naman ang bumusangot, "Putangina mo ha."

Hinampas pa nito ang hita nya, "P-Para kang--pffft!" agad nyang hinabot ang picture, "Para kang baklang nag-aalok ng sim card!" sabi nito at mangiyak ngiyak na.

"Tangina mo, tangina mo."

Kinabog pa nito ang likod nya, "Di bagay sa'yo, couz! Pfft!!"

Kahit labag sa loob ay ipinalkat nya muli iyon sa form, "Putangina kasi, sabi ko sa photographer yung panglalakeng formal ilagay. Bawal naman daw amputa." napairap sya at dinamdam ang 2x2 picture nyang pagkaingat ingat nyang tinatago. Hayop na Jojo 'to.

Switch Series 2: Sincerely Yours, Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon