Paano niya nagawang pilipitin ang pangalan ko sa puntong kahit ako ay masasaktan nito?

Lumapit sa akin si Mr. Lucescu. Inalalayan niya ako at pinaupo sa may pintuan.

"Are you all right?" Hinawi ni Mr. Lucescu ang buhok ko at tiningnan akong mabuti.

Hindi ako sumagot at nilagpasan ang matingkad na blue eyes niya para sa violet eyes ng anak niya. Hindi ko na maintindihan ang emosyon sa mukha ni Alec. Parang naglalaban ang galit, hinanakit at kahihiyan sa mga mata niya.

Lumingon si Mr. Lucescu sa nakaluhod niyang anak. "Alam kong galit ka sa akin pero hindi tamang saktan mo ang mga kaibigan mo."

"Shut up."

"Now, now, Alexandria. You should apologize to Ms. Jaranilla."

"I SAID SHUT UP!"

Alam kong nakatatanda siya sa amin pero medyo naiintindihan ko na yung galit ni Alec. Kahit ako gusto ko na siyang sabunutan sa casual na pagbanggit niya ng pangalan namin. Parang nang-aasar ang tono ng boses niya at imbis na pang-address sa amin ay tila nagiging mababang titulo ang pangalan namin. Sobrang taas siguro ng tingin niya sa sarili niya na hindi niya napapansin na lumalabas na sa pananalita niya ang pagka-matapobre niya.

"Wala kang karapatang bumalik sa buhay ko matapos mo kaming layasan." Giit ni Alec. "Nagawa naming mabuhay na wala ka. Kayang kaya kong ipagpatuloy yun. Wag mo akong dinadawit sa problema mo dahil lang palpak yung isa mong anak."

Tumayo si Mr. Lucescu at huminga ng malalim. Sa pagkakaupo ko at pagkakaluhod ni Alec, parang dumoble ang tangkad niya. "I won't deny Leonora's the intended heir. But like I told you, I wasn't always absent in your life. Who do you think gave you those books?"

"¡¿Cómo te atreves?!"

"Wie kann ich es wagen?" Natawa si Mr. Lucescu. "Ich bin nur dein Vater."

Wala akong maintindihan sa sinabi nila. Pero lalo lang nanggalaiti ang ekspresyon sa mukha ni Alec.

"Alexandria, I'm always trying to make it up to you. Kahit noong bata ka pa. Ikaw lang naman tong tinatanggi pa rin ako hanggang ngayon."

"As if hindi mo kami tinanggi noon?"

Muling humingang malalim si Mr. Lucescu. "Looks like today's no good either." Lumingon siya sa akin. "Despite Alexandria's rejection, my offer still stands with you, Ms. Jaranilla. You don't have to give me an answer right away. Think about it for now."

Hindi ko siya sinagot at nginitian niya lang ako bago naglakad papalayo. Pareho sila ni Alec na labas ang pangil pag nakangiti pero kung ang pagka-bampira ni Alec ay nakakabighani, nakakakilabot naman si Mr. Lucescu. Parang si Edward Cullen at Nosferatu.

Agad na tumayo si Alec at nilapitan ako."Sophie,"

Tunog patawad ang pangalan ko at sa pagabot niya sa pisngi ko, napaurong ako. Galit at nasasaktan pa rin ang mga mata niya.

"You met him before?"

Umiwas ako ng tingin. Pakiramdam ko mapapaso ako sa nagbabaga niyang mga mata.

"So, alam mo na pala."

Hindi ako nagsalita at pumasok ng bahay si Alec. Sinundan ko siya sa pagdirecho niya sa kwarto ko.

Binuksan niya yung cabinet na siyang naglalaman ng mga damit ko at kinuha yung mga blouse na nakasampay. Ihinagis niya ang mga iyon sa kama. "Pack your stuff."

"Ha?"

"Pinagkatiwalaan kita pero nagsinungaling ka sa akin." Nanginginig ang boses niya kahit walang emosyon ang mukha niya.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now