Possibilities

9.4K 372 25
                                    


Polar Opposites by JellOfAllTrades

Chapter 14

Pagkalabas na pagkalabas ko ng classroom ay nadatnan ko si Louisse na nag-aabang sa akin. Mukhang pagod na pagod siya at parang ilang araw nang hindi nakakatulog ng maayos.

"Louisse?"

"Hey, Sophie. Can we talk?"

"Sure." Tango ko kaagad. "Mukhang problemado ka ah? San tayo?"

"Sa back garden tayo. Okay lang ba?"

"Oo naman. Wala naman na akong klase ngayon. Ikaw ba?"

"Tapos na din."

"Oh, sige tara."

Naglakad kami papunta sa back garden. Nasa likuran iyon ng St. Joachim building kaya medyo malayo layo siya. Usually mga may-lovelife ang tumatambay doon kasi malayo siya at walang masyadong professor ang dumadaan doon.

"Ano bang problema?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Ako?"

"Ay, nako. Mahirap yan, Louisse." Biro ko.

Natawa si Louisse, pero yung pilit na tawa lang. "Mahirap nga."

"Pero seryoso, ano ngang problema mo?"

"Alam ko namang alam mo na eh. Sabi nila Ed ikaw ang nakakasama ni Leone nitong nakaraan."

"Oo, ako nga. Pero side ni Leone ang narinig ko. Yung sayo, hindi pa. Kaya speak up."

"I love her and she means the world to me. Pero hindi yun makita ng parents ko." Panimula ni Louisse nang makarating kami sa back garden at makahanap ng bakanteng table. "Akala ko hahayaan na nila kami. But they're suddenly worried na hindi pa rin kami naghihiwalay eh malapit na kami grumaduate."

"Baka kasi they were expecting na hindi kayo magtatagal ni Leone?"

"Exactly."

"So, why can't you just prove to them na mali sila?"

"Bakit ang dali daling sabihin niyan?" Naluluha niyang sabi.

Naawa na ako sa kanya kaya hinagod ko yung likod niya. "Sophie, wala naman talagang madali sa relasyon niyo ni Leone. Alam mo naman yun diba?"

"Oo naman. Kaso, ang hirap hirap kasi gusto kong ipaglaban si Leone pero ayokong saktan sila mommy."

"Mahal mo pareho pero kailangan mong pumili, Louisse. Hindi pwedeng hindi, kasi pag ginawa mo yun, pareho silang mawawala sayo."

"A-a-alam ko yun." Hagulgol ni Louisse.

"Sige, let's say Leone said yes to the pretend break up niyo. Naisip mo na ba ang mangyayari?"

"Baka mawala si Leone sakin."

"And?"

"Baka lalong magalit sila Mommy sakin pag nagkabalikan kami ni Leone after graduating."

"Or?"

"Leone would stay, would wait and my parents would understand."

"Kita mo naman pala eh!"

Humagulgol lang si Louisse.

"Louisse, hindi ko sasabihin sayo kung anong dapat mong gawin kasi base sa iyak mo ngayon, nakapagdesisyon ka na. Tama ba ako?"

Umiyak lang siya ng umiyak at hindi ako binigyan ng sagot kaya alam ko na kung anong susunod na mangyayari. Hindi ko kailangan maging experto sa pag-ibig para malaman kung anong tumatakbo sa isip ni Louisse.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon