The Neutral Polarity

8.5K 380 36
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 15


Naglalakad ako papunta sa trabaho ko nang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay tumatawag si Leone.

"Sophie?" Garalgal ang boses niya.

"Oh, Leone. Okay ka lang?"

"I talked to Louisse just now."

"Oh," Napatigil ako sa paglalakad ko. Mukhang sinabi na ni Louisse yung plano niya kay Leone. "Anong sabi niya?"

"She wants to continue the pretend break up kahit kinausap ko na siya about the possibilities." Halata ang sakit sa boses niya.

"Eh anong sabi mo?"

"For a moment I wanted to break up with her. Kasi alam mo yun, I thought, if she really loves me, she won't do this to me."

Napakurap ako at napatingin sa cellphone ko. Tama ba yung narinig ko? Kasi ang alam ko si Leone hindi magagawang hiwalayan si Louisse. Isip bata kasi minsan si Leone, pero halata naman na mahal na mahal niya si Louisse kaya nagagawa niyang magpaka-mature kapag kinailangan ng relasyon nila.

"Did you?" Halos bulong na lang ang tanong ko.

"Of course not. I just..." Napabuntong hininga si Leone sa kabilang linya. "I just love her too much to break up with her. I know naman na mahal niya din ako. But if you'll make her choose between her family and me, hindi niya magagawang piliin ako."

"Leone..." Narinig kong suminghot si Leone sa kabilang linya, senyales na umiiyak na siya.

"I'm sorry, Sophie."

"Oh, bakit ka nagso-sorry sakin?"

"Kasi ginugulo pa kita eh alam ko namang busy ka ngayon."

"Alam mo, Leone. Basta para sa inyo nila Louisse, palagi akong may time." Ngiti ko, hoping na mapapangiti ko din siya.

"Thank you."

Nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko at paglingon ko, si Alec. Anong ginagawa nito dito? San to galing?

"Sophie Jaranilla." Walang gana niyang bati sa akin.

"Teka lang, Leone." Tinakpan ko yung cellphone ko at hinarap si Alec. "Bakit, Alec. May kailangan ka?"

"Nagugutom ako."

Napakunot ang noo ko at muling inilapat ang cellphone ko sa tenga ko. "Leone, can we talk later? May gagawin lang ako."

"Sure. I'll drop by later. Pahingi akong cheeseburger ah?" Sabi ni Leone. "I want to see you din eh."

"Sure, anong oras?"

"Mga eight siguro. May gagawin pa ako eh."

"Okay. See you later."

"Laters!"

Binaba ko na yung cellphone ko at hinarap si Alec. "Ano ngayon kung gutom ka na?"

"Kain tayo." Mula sa pagtingin sa malayo ay tumingin siya diretsyo sa mga mata ko at isang word lang ang nababagay sa nagbabaga niyang pagtingin. Intense.

"May trabaho pa ako." Nagsimula na akong maglakad papalayo. "Next time na lang, Alec."

"Eh di dun na lang ako sa fastfood niyo kakain. Pagsilbihan mo ako."

"Wow, pagsilbihan talaga?"

"Oo. Trabaho mo yun diba?"

Umiwas na lang ako ng tingin. Wala ako sa mood makipagasaran sa kanya. Masisira lang araw ko.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now