Epilogue: A Moment in Time

1.4K 101 3
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Epilogue

"Bakit ang ganda mo? Ang swerte ko naman masyado."

"Mas maganda ka kaya?"

Lumapit si Alec sa akin at akmang hahalikan ako pero umiwas ako. "Naka-lipstick ka. Ayoko ng kissmark sa pisngi."

"Sa labi na lang? Naka-lipstick ka rin naman."

Tiningnan ko siya at pinag-isipan yung suhestiyon niya. Hindi ako sanay na naka-make up ang girlfriend ko. Maganda na siya pero parang mas maganda siya ngayon. Pero na-realize kong mejo maraming nakatingin sa amin. Kahit kailan ay hindi ako nasanay sa mga tingin ng tao sa amin.

"Mamaya na lang after ng ceremony?"

Nalungkot siya sa sagot ko. "Fine. But I want two kisses."

"You can have as many as you like pag nag-behave ka."

"Palagi naman akong behave?"

Nasa may lobby kami ng convention center at naghihintay na papasukin kaming reception hall. Katulad ng mga nakapalibot sa amin ni Alec, naka-itim na toga kami para sa graduation ceremony namin. May mga pamilya din sa paligid, mga proud na magulang sa magtatapos nilang mga anak at excited na mga kapatid. Saglit na kumirot ang puso ko dahil na-miss ko sila Mama at Papa. Kung sana lang ay andito din sila para i-celebrate ang pagtatapos ko.

"May hinahanap ka ba?"

Napatingin ako kay Alec. Pareho kaming walang pamilyang maimbita para sa okasyon.

Inayos ko yung tassel ng cap niya dahil nakaharang ito sa mukha niya. "Na-miss ko lang sila Mama."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Miss ko rin si Mama pero I'm here, Pi. You're not alone."

"And I'm here for you too."

Hindi mapigilan ni Alec na halikan ang kamao ko. Bahagyang namarkahan ito ng lipstick niya.

"Oops, sorry. I forgot."

"Sabi ko sayo mamaya na ang landi eh."

"As if naman mapipigilan niyang landiin ka, Sophie?" May sumagot sa likod ni Alec. Napatingin kami sa nagsalita at nakita si Louisse.

"LOUISSE!"

Naitulak ko si Alec para yakapin si Louisse na ngayon ko lang ulit nakita pagkatapos noong pag-atake sa amin ni Rose. Maliban sa pagpapaiksi niya ng buhok ay parang walang masyadong nagbago sa kanya.

Niyakap niya akong mahigpit.

"Congratulations sa inyong dalawa!"

"Thank you!" Sagot ni Alec.

"Nakita mo na si Leone?" Tanong ko kay Louisse pagkabitaw ko sa kanya.

"Yep. I saw you two and decided to come greet you habang hinahanap niya sila Jecko sa other side."

"Kelan ka pa nakabalik?" Tanong ni Alec at lumapit para mabilisang yakapin si Louisse.

Napangiti ako kasi halatang hindi inaasahan ni Louisse na si Alec ang mauunang lumapit sa kanya. Medyo awkward niyang ibinalik ang yakap ni Alec.

"Kagabi lang." Hinawakan niya si Alec sa balikat at tiningnan itong mabuti. "I must say, Alec, you've changed since I last saw you."

Ngumiti si Alec at inakbayan ako. "I did say palagi na akong behave."

"Ikaw lang pala magpapa-amo dito."

"Hay nako, pasaway pa rin siya palagi. But she's getting better."

"You make me sound like an animal. Like a horse." Reklamo ni Alec.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now