Sound Wave

11K 438 9
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 6
Sound Wave

Ilang beses na akong muntikang madapa sa sobrang pagkalutang ko ngayong araw. Paano ba naman kasi, late na akong nakatulog kagabi dahil sa pagaalaga kay Alec tapos hindi pa ako nakatulog ng maayos sa maliit niyang sofa!

Dahil nga mababaw ang tulog ko, nagising agad ako sa unang sulyap ng araw sa bintana. At bago pa man magising si Alec at makita akong nasa pamamahay nya ay umalis na agad ako. Hindi naman kasi ako sure kung pano siya magrereact. Better safe than sorry.

Pumasok ako sa una kong klase at sa pangalawa na walang nangyayari. Pagdating ng lunch break agad kong nakita sila Leone sa usual table nila.

"Ayan na pala si Sophie!" Medyo malakas na sigaw ni Edmund, o kung tawagin nila ay Ed, ang bassist ng banda. "Sophie, halika dito. Ikaw magdecide sa aming apat kasi ayaw sumali ni Louisse."

Napalapit ako sakanila. "Ano ba yun?"

"Kung ang lason ba, nagexpire na, mas magiging malakas na lason ba ito o mawawalan to ng bisa?" Tanong ni Ronald o simply, Ron, ang lead guitarist ng banda.

Natawa naman ako bigla sa tanong nila.

"Si Jecko saka ako, sa tingin namin mas lalakas siya." Sabi ni Ed.

"Kami ni Leone mas hihina." Dagdag ni Ron.

"At ako naman sa tingin ko nasisiraan na ng bait itong apat na ito." Nakasimangot na singit ni Louisse.

Napangiti na lamang ako sa magkakabanda.

"Hayaan mo na sila, Sophie." Sabi ni Louisse sakin.

"Sige na, Sophie! Tie breaker lang!" Angal naman ni Leone.

Napakamot ako ng ulo. "Anong lason ba pinaguusapan niyo?"

"Lahat ng lason." Sagot ni Jecko.

Napabuntong hininga ako. "May iba't ibang klase kasi ng lason. Merong iba na mas lumalakas ang epekto pag nag expire at meron naman na mas humihina. Eitherway, ang lason ay lason pa rin kahit pa nagexpire na yan."

"So?" Napakamot ng ulo si Leone, halatang hindi naintindihan yung punto ko.

"Parepareho kayong tama."

"Pare pareho kamong may tama na." Irap ni Louisse.

"Galit ka na niyan, baby?" Paglalambing ni Leone kay Louisse.

Sinupalpal lang ni Louisse ang nguso ni Leone at saka umisog papalapit sakin.

"Layuan mo muna ako. Nakakairita ka." Sabi ni Louisse kay Leone.

"Boom! Aray!" Tawa nila Jecko.

"Okay ka lang?" Tanong ko naman kay Louisse. Ngayon ko lang kasi siya nakitang magkaganito.

"Masakit puson ko."

"Oh...PMS?"

Tumango lang si Louisse at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi na muna siya ginulo ni Leone kasi mukhang sanay na siya na nagkakaganito ang kasintahan.

"Sophie, please sabihin mo sakin na free ka mamayang gabi." Biglang sabi ni Leone.

"Bakit?"

"May gig kasi kami sa Sound Wave. Baka lang naman gusto mong pumunta."

"Oo nga, Sophie! Diba sabi mo di mo pa kami napapakinggan live?" Dagdag ni Ed. "Pumunta ka na!"

"Wala naman akong pera eh." Palusot ko. "Next time nalang."

"Ay sus. Alam mo ba kung saan yung Sound Wave?" Tanong ni Ron.

Tumango ako. Hindi pa ako doon nakakapunta pero naririnig ko naman na sikat ang lugar na iyon at puntahan ng mga estudyante.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now