Polar Shift

9.2K 412 29
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 19

Papasok na akong school nang mapansin kong nakatayo si Leone sa tapat ng apartment ko. Naka white sando siya, black ripped jeans at black leather boots at sa kanang kamay niya hawak niya ang isang black na polo. Sa unang tingin ay matatakot ka sa kanya dahil sa poker face niya, tangkad niya at sa green eyes niya na tila nanlilisik sa bawat dumadaang tao, pero kung matagal mo na siyang kilala or at least ay pamilyar ka na sa itsura niya ay malalaman mong mabait si Leone at hindi kayang manakit ng ibang tao. 

Nang makita niya akong lumabas ng apartmeent ko ay agad na nagliwanag ang malungkot niyang itsura kanina lang.

"Sophie! Good morning!" Bati niya sa akin nang makalapit ako.

"Good morning din sayo." Ngiti ko. "Good mood ka ata? May nangyari ba?"

"Wala naman," ngiti niya sa akin, yung mata niya, naniningkit. "Tara, sabay na tayong pumasok."

"Okay," sumang ayon na lang ako at naglakad na nga kami papasok ng school. "Ano palang pumasok sa isip mo at napagtripan mong sumabay sa akin? Nasaan si Kuya Dino at di ka sa school nagpahatid?"

"Gusto ko lang maglakad ngayon, Sophie. Bawal na ba yun?"

"Wala naman akong sinabing bawal. Naninibago lang ako." Lumiko kami sa isang kanto at nakita agad namin ang St. Anne University. "Pero seryoso, bakit ka good mood ngayon? Kahapon lang mugto pa yang mata mo kakaiyak dahil kay Louisse tapos ngayon ngiting ngiti ka."

"Ayoko na mag mukmok, Sophie. I need to get my shit together kasi pag lalo ko lang dinibdib yung kunwariang break up namin ni Louisse, lalo lang akong masasaktan." Sagot ni Leone at ipinatong ang polo sa kanang balikat niya. "Kaya naman magfofocus na lang ako sa ibang bagay. Like writing news songs, going out with you and the guys and then maybe studying a new instrument."

"Pano si Louisse?"

"We'll talk when we find the time and then maybe go out on secret dates if we can squeeze it."

Napangiti ako sa sagot niya. "Well that's real mature of you, Leone. That's good."

"Thank you."

Pinisil ko yung braso niya, "nauntog ka sa pader kagabi ano? Kaya ka nagising sa katotohanan?"

"Grabe! Hindi ako nauntog! Nadapa kaya ako!" At natawa na lang kaming dalawa sa usapan namin.

Dahil good mood nga si Leone ay kinulit niya ako sa kung anong magandang instrumento daw ang maganda pag-aralan. Dahil wala naman akong alam sa musika ay nag-suggest na lang ako ng mga instruments na alam ko, only to find out na marunong pala tumugtog si Leone ng gitara, bass, piano, drums, violin at cello. Tinanggap na lang niya yung suggestion ko na flute nang marealize niyang hindi pa siya marunong tumugtog ng wind instrument.

Hinatid ako ni Leone hanggang sa classroom ko at nagpaalam nang papasok sa klase niya. 

Masaya ako't mukhang handa na si Leone na harapin ang buhay niya na itinatago ang relasyon nila ni Louisse. Although sa tingin ko ay step back ito sa relasyon nila, kung makakaya naman nila ay parang isang malaking hakbang naman ito dahil maaaring matanggap na ng pamilya nila ang relasyon nila.

Paupo na ako sa pwesto ko nang may tumapik sa balikat ko. Nang lingunin ko ito ay nagulat akong makita si Alec.

"Sophie," bigkas niya sa pangalan ko na para bang nasasaktan siya.

Pero bakit siya nasasaktan?

"Uy, Alec, okay ka lang ba?" Tanong ko at agad na hinaplos ang leeg niya para tingnan kung nagbalik ang lagnat niya noong isang araw.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now