Genetic Mutation

3.1K 282 56
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 26

Nang matapos ako mag-aral para sa quiz ko ay nakita kong nakatulog na si Alec sa sofa. Nilapitan ko siya at tinapik ang paa.

"Di ka ba uuwi?" Tanong ko sa kanya nang magising siya.

"Uuwi." Inaantok na sagot niya habang kinukusot ang kulay ube niyang mata.

Pinagisipan ko saglit kung aalukin ko siyang matulog dito pero hindi ko alam kung magandang ideya ba yun. Baka halikan niya ako habang tulog ako.

Nagunat si Alec at tumayo na. Nginitian niya ako. "Kumusta review mo?"

"Okay naman,"

"Makakaperfect na?"

"Siguro."

Tumango si Alec at kinuha yung libro niya. "Sige, uuwi na ako. Pwede ba kitang ihatid bukas?"

"Pag tumanggi ba ako hindi ka pupunta?"

Ngumuso si Alec na tila nagpapaawa sa akin. "Ayaw mo ba?"

"Ayokong magpahatid."

"Seryoso?"

"Seryoso ako. Wag mo akong ihahatid."

"Fine." Nagtatampong sagot nito at lumapit na sa pintuan. "Pwede ba ako sumabay sayo ng lunch?"

"Sa canteen ako kumakain ng lunch kasama sila Leone. Kaya mo bang sumabay samin?"

Pansin ko ang pag tikom ng bibig ni Alec, tila nagiisip kung anong isasagot.

"Hindi mo ako pwedeng pagbawalan makipagkita sa mga kaibigan ko." Pagpapangaral ko sa kanya dahil alam kong aangal na naman siya sa pagsama ko kila Leone. "Kung gusto mo akong ligawan, matuto kang makisama sa mga kaibigan ko."

"Eh pano kung ayoko."

"Eh di lumayo ka na lang. Mas gugustuhin kong tahimik ang buhay ko kesa ginugulo mo sa pakikipagaway mo kay Leone."

Humingang malalim si Alec. "Fine, go be with your friends. Hindi na lang siguro ako sasama sayo sa lunch mo."

"Okay, thank you."

"How about dinner?"

"Dito ako sa bahay nagdidinner."

"Ipagluluto kita." Alok ni Alec. "Anong gusto mong ulam?"

Naalala ko yung gulo ng kitchen niyang puno ng basura mula sa cup noodles at take out na kinakain niya noong panahong may sakit siya. "Akala ko ba hindi ka marunong magluto?"

Sumama ang tingin ni Alec sa akin. "Pwede naman ako mag-aral. Magsesearch lang naman ako ng recipe online. Isipin ko na lang chem lab lang pag nagluluto na ako."

Ngumiti ako at nakakita ng oportunidad na pagtripan ang katalinuhan niya. "Sige nga, magluto ka ng kare-kare bukas?"

Kumunot ang noo ni Alec. "Seryoso ka ba? Di ba mahirap yun?"

"Akala ko ba magsesearch ka ng recipe online?"

Muling ngumuso si Alec na parang batang nagiisip. "Pag masarap ang luto ko, will you let me kiss you?"

Nawala ang ngiti sa mukha ko. "Ayoko nga! Bakit ako pupusta sa isang bagay na ikaw ang may hawak?"

"Hug na lang?"

"Bakit kailangang may kapalit? Ikaw yung nag-offer na magluto ah!"

"Eh bakit mo ako chinachallenge kung alam mo namang di ako marunong magluto?"

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon