Miscalculation

9.8K 472 23
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 7
Miscalculation

Kakatapos lang ng klase ko kaya dumiretso na agad ako sa canteen para makakain. Gutom na gutom na kasi ako dahil late na akong nagising kaninang umaga at hindi na nakapagbreakfast sa pagmamadali.

Nadatnan ko sila Ed at Ron na nagkokopyahan ng assignment sa canteen.

"Ano, may gig na naman ba kayo nung weekend kaya di nakagawa ng homeworks?" Pangaasar ko.

"Tulungan mo nalang kami pwede?" Sagot ni Ron na hindi na maintindihan ang sulat sa pgmamadali. 

"Malay ko ba diyan sa pinagaaralan niyo?"

"History of Music hindi mo alam?" Tanong ni Ed.

Umiling lang ako. Aba, sila itong music ang kinukuha! Wag nila akong isali diyan sa homeworks nila kasi wala akong alam diyan.

"Guys naman, nalimutan niyo na ba na hindi tayo kilala ni Sophie before?" Biglang may nagsalita sa likod ko at naupo sa tabi ko. "Hindi mahilig sa music si Sophie."

"Leone, patulong naman." Pakiusap agad ni Ron.

"Patingin," Inabot ni Leone yung papel ni Ron at binasa yun. Inilabas niya din yung pencil niya at may pinagsusulat doon.

"Kabisado ni Leone yan." Pagmamalaki ni Ron sakin habang pinapanuod ko yung bokalista nila. "Kaya hindi na nakakapagtakang sumikat siya kasi magaling na talaga siya."

"Ha?" Nagtaka naman ako sa sinabi ni Ron.

Natawa naman si Ed sa naging reaksyon ko. "So wala ka talagang alam?"

"May dapat ba akong malaman?"

"Guys, pwede ba. Andito lang ako, wag niyo akong pagusapan." Angal ni Leone habang may sinusulat pa rin sa papel ni Ron.

"Genius din yang si Leone. Sa arts nga lang." Pagpapatuloy ni Ed.

"Hindi nga?" Nagulat naman ako.

"Yun din isang hula namin kung bakit mainit yung dugo ni Alec diyan." Sabi ni Ron. "Siguro naiinis na may isa pang genius sa school bukod sa kanya. Si Leone ang resident art genius ng school!"

Umiling iling naman si Leone at inangat na ang tingin sa papel ni Ron. "Hindi yun ang dahilan kung bakit ayaw niya sa akin."

"Eh bakit nga?" Tulak ni Ron na interesadong interesado sa isasagot ni Leone.

"Basta,"

"Hoy! Ayan ka nanaman eh!" Angal ni Ed. "May sasabihin ka tapos hindi mo tatapusin."

"Bawal ko nga kasing sabihin." Iling ni Leone.

"Sinong nagsabi? Si Alec ba?" Dagdag ni Ron. "Wala naman siya dito oh! Pwede mo nang sabihin samin!"

Umiling lang si Leone at sumenyas na hindi na siya magsasalita pa. Aaminin kong nadismaya ako sa pananahimik niya pero wala naman akong magagawa kung ayaw niya pa talagang sabihin sa amin kung bakit galit si Alec sa kanya.

Naalala ko na naman yung nakita ko sa bahay ni Alec. Tatlong taon na siguro siyang nakatira dun magisa. Paano kaya niya binubuhay ang sarili niya? Siguro may scholarship siya sa talino at sa paglalaro niya ng tennis kaya nakakapag aral pa siya. Pero saan siya kumukuha ng pera pang gastos? May iba pa kaya siyang kamag anak na tumutulong sakanya? Asan ang tatay niya? May kapatid kaya siya?

Natahimik ang kabuuan ng canteen kaya napatingin kami sa pintuan. Si Alec!

Inikot niya ang tingin sa paligid at nang makita niya ang grupo namin nila Leone ay nagtama ang mga mata namin. Napakunot ang noo niya at tiningnan ako ng nagtataka tapos napailing na lang siya.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Leone at nakitang pinagmamasdan niya pala ako.

"Bakit?"

"Ano yun?" Tanong niya sa akin.

"Anong ano yun?" Balik ko naman.

"Yung tingin sayo ni Alec?"

"Ewan ko dun. Di naman kami close pano ko magegets kung pano siya magisip?"

Pinagmasdan pa ulit ako ni Leone na para bang may gusto pa siyang itanong pero dumating na sila Louisse at sabay sabay na kaming bumili ng pagkain namin.

Pagdating ko sa classroom ko matapos ang lunch break ay nadatnan kong natutulog si Alec sa upuan niya kaya tahimik ang lahat ng kaklase naming andoon na.

Kauupo ko pa lang at hinahanap ko sa bag yung notebook ko nang maramdaman kong may nakatingin sakin. Nilingon ko si Alec at nakitang nakatitig siya sakin. Magulo nanaman ang buhok niya at halata ang antok sa violet eyes niya.

"Hi," Ngiti ko. Baka kasi gumaan loob niya sa akin kung mabait ang pakikitungo ko sakanya.

"Di ba sabi ko sayo humanap ka ng ibang kaibigan?" Mababa ang boses niya.

Napakunot ang noo ko. Seryoso siya doon?

"Matalino ka naman eh. Bakit sa mga katulad niyang gumagalaw by instinct ka sumasama?" Dagdag pa niya.

"Alec, ano bang problema mo?"

"Ikaw!" Halos sumigaw siya kaya napaitlag sa mga upuan nila yung mga kaklase namin. "I'm trying to tell you na layuan yung impaktong yun and you won't listen to me!"

"Pano kita pakikinggan? Can you hear yourself, Alec?" Angal ko. "Pinapalayo mo ako sa iilang taong naglakas loob na makipagkaibigan sakin! Pano ako hahanap ng ibang kaibigan kung kalat na kalat sa school na 'to na dapat akong layuan kung ayaw nilang matikman ang galit ng resident genius nila!"

"Eh di mas mabuti nang magisa ka kesa sila ang kasama mo!"

"Alec, ano bang problema mo kay Leone ha? Anong ginawa niya sayo at galit na galit ka dun sa tao?"

Nagsisilabasan na yung iba naming mga kaklase pero dama ko pa ding may ilan ilang malalakas ang loob at pinapanood kami.

Masama ang tingin sakin ni Alec. "Sinabi ko na sayo. Unreliable ang mga kinikilos nila!"

"So sa tingin mo napakareliable ng kilos mo kasi kalkulado mo lahat? Mula sa pagbilang kung ilang beses ka ngunguya bago ka lumunok hanggang sa pagkalkula kung gaano kalakas na force ang gagamitin mo sa paghataw ng bola?" Angal ko. "Alec, ano na lang ang gagawin mo pag nagkamali ka ng kalkulasyon? Hindi lahat may formula. Wag mong gawing komplikado ang mga simpleng bagay."

Parang sinampal ko ulit si Alec sa tingin na ipinupukol niya sa akin ngayon. Eh di natamaan ko din sya. Ano ka ngayon?

Kung kailan inihahanda ko na yung sarili ko sa posibleng kamatayan ko sa kamay ni Alec ay napangiti siya bigla, as in yung totoong ngiti na umaabot sa mga mata niya. Natutuwang napailing na lang din siya. "Sofia, Sofia, Sofia."

"Sophie ang pangalan ko, hindi Sofia." Ano to. Nababaliw na siya? Ang bilis naman niyang nakalimot sa pangalan ko.

"Sofia means 'wise' in Greek. And you're living up to your name, Sophie." Ngiti ni Alec. "I like that."

Nagsitayuan ang balahibo ko nang kumindat siya sakin at nginitian niya ako na litaw na litaw ang pangil niya.

Hala ka, nababaliw na si bampira!

-------------------
A/N:

Update agad? Hindi kasi ako mapakali. Naaalala ko pa rin na sinabihan niya ako ng ganito.

Napaisip tuloy ako sa magiging reaksyon ni Alec kung sabihan din siya ng ganun. Tapos natawa na lang ako kasi naiimagine ko yung itsura niya na parang sinampal ulit ni Sophie.

Natutuwa ako sa character developments nila, hindi ko tuloy alam kung saan patungo tong kwentong 'to hahaha

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon