Out-of-Body Experience

4.1K 268 62
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 29

Dahil sa bahay na ako ni Alec nakatira, sabay na kaming pumapasok ng school. May mga pagkakataong nauuna siyang umalis dahil may tennis practice siya pero sinisigurado niya na kapag may oras siya, sa bahay siya nagshoshower para makasabay niya akong pumasok ng school.

Kung may napansin ako kay Alec simula nung tumira ako sa bahay niya ay yung pagbabago ng personality niya pag nasa school kami. Sa bahay ay nagagawa niyang sabihin ang kung anong nasa isip niya na walang pagaalinlangan; kapag may hindi siya gusto, sasabihin niya kung bakit; kapag naiinis siya sa isang bagay, ipapaliwanag niya kung ano yung tamang gawin; pag nakikita niyang nahihirapan ako, tinutulungan niya ako; at pag natutuwa siya sa isang bagay, tumatawa siya at pinupuri yung nakapagpatawa sa kanya. Pero pag nasa school kami hindi siya masyado nagsasalita; pag nainis o nairita siya, magmumura siya at may tatakutin para gawan ng paraan ang kung ano mang nakita niyang mali; at pag natuwa siya sa isang bagay, ngingiti lang siya na parang may masamang binabalak. Para bang nagtatago sa likod ng makapal na pader ang totoong Alec at nagiging matigas ang personalidad niya pagdating namin sa school.

Minsan naiisip kong tama si Mr. Lucescu na may talent si Alec sa pagmamanage dahil kung tutuusin ay lahat ng napansin ko sa kanya ay katangian ng isang magaling na leader. Marunong tumulong sa nangangaliangan, sinasabihan ang mga tao kung anong mali at paano ito ayusin at marunong siyang pumuri sa gumagawa ng tama. Pero nalaman ko lang ang lahat ng iyon nung nagsama na kami sa isang bahay. Paano nalaman ni Mr. Lucescu ang ugali ni Alec kung magkalayo sila?

"Tulala ka na naman." Puna ni Alec sa akin. "Ano bang iniisip mo?"

Vacant namin pareho at nakaugalian na naming gumawa ng assignment sa school bago ang susunod na klase namin.

"Madami,"

"Kasama ba ako sa iniisip mo?"

Parang ikaw lang naman iniisip ko. Pero syempre hindi ko sasabihin yun sa kanya. "Onti."

"Peso for your thoughts?"

Nilahad ko yung palad ko at natawa si Alec. Kumuha siya ng piso sa bulsa niya at binigay sa akin.

"Nasaan yung papa mo? Kilala mo ba siya? Nakausap mo na ba siya?" Sunod sunod kong tanong.

Nawala ang ngiti ni Alec. "Why do you want to know?"

"Curious lang."

Umiwas siya ng tingin at nagpakawala ng buntong hininga. "Matagal ko nang kilala kung sino siya pero hindi ko alam na siya yung tatay ko. Ang sabi kasi sa akin ni mama namatay yung tatay ko nung baby pa lang ako. Nakikita ko lang siya siguro once a year or every other year. Basta sobrang bihira at saglit lang. I didn't connect the dots until I was in high school and I realized we looked the same."

"Pano mo siya nakikita, pinupuntahan niya kayo?"

"Yeah. He's my mom's big boss."

"Oh," umarte akong gulat kahit alam ko naman na ang totoo.

"Anak ako sa labas." May hinanakit ang pagsabi nun ni Alec. "May sarili siyang pamilya at kaedad ko lang yung isa niya pang anak."

Si Leone.

"Nung namatay si mama at naospital ako, tinulungan niya ako. Sinubukan niya akong ampunin at patirahin sa bahay nila pero umalis din ako nung kaya ko na."

"Baka naman gusto niyang bumawi sayo?" Suhestiyon ko. "Matagal siyang wala sa buhay mo. Baka naisip niya na since wala na si mama mo, kailangan mo siya?"

Ngumiti si Alec at umiling. "He's not that type of person. He wants me in his life because he needs me for something."

"Anong something?"

Polar OppositesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora