Alec's Chrysalis

9.4K 384 18
                                    


Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 17

Matapos mawalan ng malay ni Alec at madaganan ako sa may bandang kitchen ay inabot ako ng sampung minuto bago ko siya naigulong sa isang kumot at nahila papasok sa kwarto niya. Hindi pa kasama doon ang fifteen minutes na inabot ko para maihiga siya sa kama niya.

Mabuti pa noong lasing siya, kahit papaano ay mejo may malay siya para maalalayan kong pumasok ng kwarto at humiga sa kama niya, pero ngayon wala talaga siyang malay. Tulog na tulog siya samantalang naghirap akong buhatin siya na para siyang isang sako ng bigas.

Habang ako'y pawis na pawis sa ginawa kong pagbuhat kay Alec pahiga ng kama niya ay siya nama'y nilalamig kaya kinumutan ko muna siya bago ako lumabas ng kwarto niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal aabutin bago magising ulit si Alec pero sisiguraduhin kong may makakain na siya bago yun.

Kumuha ako ng isang baso ng tubig at bumalik sa kwarto ni Alec. Iniwan ko yung baso sa bedside table niya kasama ang isang gamot at nagsulat ng note na lalabas lang muna ako para mamili ng sangkap na gagamitin ko sa pagluluto.

Sa paglabas ko ng apartment ni Alec ay saka ko lang naalala na hindi ko alam kung saan ang pamilihan. Lumapit ako sa isang sari-sari store at doon nagtanong.

Habang naglalakad ako papunta sa pamilihan ay tinawagan ko muna si Leone. Matapos ang ilang ring ay sinagot din niya ang tawag ko.

"Sophie? Kumusta si Alec?"

"Nilalagnat siya saka inuubo't sinisipon. Hindi ko alam kung ilang araw na pero mukhang matagal nang masama ang pakiramdam ni Alec."

"Nagpatingin na daw ba siya sa doktor?"

"Hindi ko pa natatanong eh."

"Anong plano mo?"

"Papunta akong palengke ngayon. Bibili lang ako ng gagamitin ko pang-nilaga. Ipagluluto ko si Alec tapos uuwi na din siguro ako."

"Okay. Basta pag pauwi ka na tawagan mo lang si Kuya Dino para maihatid ka niya pauwi."

"Okay. Thank you, Leone." Tumango ako kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita. "Kumusta nga pala pag-uusap ninyo ni Louisse?"

"She's planning to break off quietly from the band." Halata ang lungkot sa boses niya. "Pag napansin ng mga tao na nawawala siya, saka na lang siya magsasalita."

"Okay ka lang ba?"

"I guess. She assured me naman na mahal niya pa rin ako and that she'll still work with us although secretly na lang. I showed her the songs I wrote and she said it's good. Releasing an album about our fake break up would also help establish its validity to our listeners."

"Hindi ba kayo natatakot na baka mabawasan yung fans niyo sa pag-alis ni Louisse sa banda?"

"Expected na din namin yun. But wala naman na kaming magagawa. Besides, we perform because we love music, not because we want to be famous."

"Okay."

"I just wish this would be over. I hate to think that we're going to hide our relationship from everyone."

"Leone, pag-pasensyahan mo na lang muna si Louisse. After you graduate naman babalik din kayo sa dati eh."

"Babalik nga ba talaga sa dati?" Narinig ko ang buntong hininga ni Leone sa kabilang linya. "Pano pag sa ilang buwan na magtatago kami ay mapagod siya o kaya naman ay makahanap siya ng iba? Sophie, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala siya sakin."

Polar OppositesWhere stories live. Discover now