Ice Cream Infinities

2.9K 193 39
                                    

Polar Opposites by JellOfAllTrades
Chapter 30

Bumukas ang pinto at pumasok si Alec. Basa siya ng pawis pero mukhang buhay na buhay siya. Inilapag niya sa tabi ang tennis bag niya at nginitian ako.

"May laro ako sa Sabado, gusto mo bang sumama?"

Inilipat ko yung pritong itlog na niluto ko sa isang plato at tiningnan siya. "Anong oras?"

"Alas otso,"

"May trabaho ako." Simpleng sagot ko at kinuha yung mainit na tubig para magtimpla ng kape. "Kain na muna tayo bago ka maligo."

Lumapit si Alec sa akin at pinatingin ako sa kanya. Nagniningning yung violet eyes niya. "Tayo?"

Umatras ako at umiwas ng tingin. Nagwawala na naman yung tibok ng puso ko.

"Ikaw at ako, kakain ng breakfast." Paglilinaw ko.

Natawa si Alec. "Takot na takot, Jaranilla?"

"Chachansing ka na naman eh,"

Naupo si Alec at kinuha yung isang plato na may itlog. "Makasabi ka ng chansing eh ginusto mo rin naman?"

Hindi na ako sumagot kahit gusto ko siyang hampasin. Totoo namang ginusto ko rin yung nangyari pero hindi pa kasi ako handa? Kahit naman sabihin niyang nangliligaw na siya, hindi ko pa alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya.

Naupo na ako at inilipat sa tapat niya yung kapeng tinimpla ko. Nginitian naman niya ako at uminom. Naalala ko tuloy si Papa kasi palagi ko siyang pinagtitimpla ng kape dati nung buhay pa siya.

"Labas tayo mamaya?" Biglang tanong ni Alec. "Wala kang trabaho mamaya di ba?"

"Wala. Pero san naman tayo pupunta? Anong gagawin natin?"

Nagkibit balikat si Alec. "Kahit saan, may gusto ka bang puntahan?"

Tiningnan ko siyang mabuti kasi baka may binabalak siyang kalokohan.

"Please don't look at me like I'm planning to kidnap you. You literally live with me." Kumento niya habang naglalagay ng sinangag sa pinggan niya. "Inaaya lang kita lumabas kasi na-realize kong kung walang nagiimbita sayo, bahay, school at trabaho lang inaatupag mo. Learn to live a little."

"Magastos mamasyal,"

"Ako nag-aya, ako gagastos." Balik ni Alec. "You don't even have to bring your wallet."

Tumigil ako sa pagnguya at napatingin kay Alec. "San ka nga pala nakakakuha ng pera? Sure ako na scholar ka ng school pero san ka kumukuha ng allowance?"

"Mom had life insurance." Simpleng sagot ni Alec.

"Ah, okay."

Akala ko sinusustentuhan siya ng papa niya pero mukhang nagkamali ako.

"Sophie?"

"Hm?"

"Payag ka bang lumabas mamaya?"

"Sige."

Binigyan niya ako ng tingin na parang gusto niyng lumapit sa akin at halikan ako. Pero pinigilan niya ang sarili niya at umiwas ng ng tingin. "Dalian mo na kumain, baka ma-late tayo."

Pagkatapos namin kumain at mag-ayos, pumasok na kami sa school. Ilang linggo na rin akong naninirahan kasama siya at kahit nakasanayan ko na yung pabago-bagong ugali niya pagdating namin ng school, minsan parang gusto kong ilayo siya sa school para lang mas makita ko yung totoong Alec. Magandang ideya nga siguro na lalabas kami mamaya.

Mabilis ang takbo ng oras. Pagdating ng tanghalian, hinatid ako ni Alec sa canteen kung saan naabutan ko ang mainit na diskusyon ng Proof Rock tungkol sa ideya ni Leone. Sangayon si Louisse at Jecko na itigil na muna nila yung gigs nila para makapag-focus sila sa last year nila ng pag-aaral samantalang tutol naman dito si Ron at Ed. Maliban sa ayaw nilang tumigil sa pag-perform, natatakot silang baka humiwalay si Leone sa banda at mag-solo na lang. Naiintindihan ko ang mga dahilan nilang lahat pero panig ako kila Leone. Ilang beses nila akong sinubukang isali sa diskusyon pero dahil hindi naman ako miyembro ng banda, minabuti ko na lang na huwag ipaalam ang opinyon ko.

Polar OppositesWhere stories live. Discover now